KABANATA 5

1771 Words
“Bwiset! Badtrip!” Sinipa ni Prince ang pinto ng kaniyang kwarto pagkapasok at pagkapasok pa lamang niya roon. Pasalampak siyang humiga sa kaniyang kama at hindi pa nakuntento sa nadaramang inis ay ang mga unan niya naman ang kaniyang pinagsusuntok. Hindi niya maalis sa kaniyang isipan ang mga nalaman kanina at ang tila natutuwang mukha ni Miguel. Kaya pala ayaw nitong sabihin sa kaniya ang mga pinagagawa niya noong nalasing siya dahil mas gusto nitong mapahiya siya! Hindi na siya naka-concentrate kanina sa palayan dahil sobrang naging bad mood na siya. “Bumabawi ka, ah? Bumabawi ka? Hinatayin mo, Junjun. Si Prince Justin yata itong hinahamon mo. Ha! Tignan lang natin,” wala sa sariling kausap niya sa unan habang pinagsusuntok pa rin iyon. Aminado naman siyang kasalanan niya naman dahil siya ang nag-umpisang asarin ito, but never on Prince’s wildest dream would he encounter someone who would dare go back against him. Ngayon lang siya napahiya ng ganito! He was used of the one doing that kaya ganoon na lamang ang pagngangalit niya. “Gago, bro. You’re that wasted? I mean, we saw you often times got wasted pero hindi ganoon kalala!” Napuno ang kwarto niya ng tawanan mula sa kaniyang mga barkada dahil nag-video call sila sa kanilang GC. Kalalabas lang noon ni Prince sa kaniyang banyo pagkatapos maligo. Ni hindi manlang napawi ng malamig na tubig ang init ng ulo niya. Naupo siyang muli sa kaniyang kama habang pinapatuyo ng towel ang kaniyang buhok. “Shut the f**k up!” sigaw niya sa harap ng cellphone niya. “Babawi ako, ulol.” “Paano mo naman babawian? Dude, baka mag-back-fire lang ulit! Kung sino man iyang nahamon mo riyan, saludo na kami sa kaniya. Ngayon ka lang naming nakita na ganiyan kalukot ang mukha sa inis!” “This is news! Ang ganda siguro kung nakikita ka ngayon ng mga na-bully mo noon.” Nagtawanan muli ang mga ito. Prince scoffed and clicked his tongue. “Manahimik na kayo, ha?” Napailing siya. “Makikita niya lang talaga. Hindi niya kilala ang ininis niya.” “Sus! Kasalanan mo naman ‘yan, eh!” “Sino ba kinakampihan niyo, ha?” Natahimik ang mga ito. “Good.” “Pero pare, kung may naiisip ka man ngayong paraan para makabawi, hinay-hinay lang. Baka hindi ka na makauwi rito ng tuluyan niyan.” Tinapos niya ang tawag sa mga kaibigan niya at muli lang napasalampak pahiga sa kaniyang kama. Matagal siyang tumitig sa kaniyang kisame, nag-iisip ng mga paraan para makabawi nang hindi makagawa ng ikaiinis ng lolo niya. Prince couldn’t afford to ruin his life completely. Sa kaniyang pag-iisip, biglang may ideya na pumasok sa kaniyang isip. Napaupo siya sa kaniyang kama at may sumilay na kakaibang ngisi sa kaniyang mga labi. “LJ was it?” Prince licked his lower lip. “Time to show your acting skills, Prince Justin.” Kinaumagahan ay halos nauna pa si Prince na magising kaysa sa tunog ng kaniyang alarm. Hindi siya papayag na mapahiya siya ulit kaya bago mag-ala-sais ay gising na siya. Mabilis niyang inayos ang kaniyang sarili at saktong ala-sais ay pababa na siya para sa agahan. Nagulat pa ang mga katiwala nang makita siya. “Good morning. Sina Lolo at Lola?” tanong niya sa isang katiwala na namataan niya sa sala. “Ay, magandang umaga po, senyorito. Nasa kusina na po sila at nagkakape.” Tumango siya rito at kaagad nang nagtungo sa kusina. Nang matanawan ang dalawang matanda na noo’y nagkakape at kapwa nagbabasa ng dyaryo ay kaagad niyang binati. Halatang natigilan ang mga ito. “You’re early, that’s nice,” ani Lolo niya pagkatapos niyang humalik sa pisngi ng lola niya at maupo sa kaniyang pwesto sa hapag. “Hindi naman po tanghali nagsisimula ang trabaho rito sa probinsiya, hindi po ba?” Bahagyang ngumiti ang lolo niya at tumango. “I see. Miguel taught you well. Hindi ako nagkamali sa bata na iyon.” Pasikretong inikot ni Prince ang mga mata niya dahil kay Miguel na naman ang credit. Imbes ipakita sa dalawang matanda ang inis niya ay ngumiti na lamang siya sa mga ito. Pulido na ang plano niya sa kaniyang utak at hindi na siya makapaghintay na gawin iyon. Masaya siyang kumain ng agahan nang umaga na iyon. “Senyor, narito na po si Miguel at susunduin daw po ang senyorito,” biglang sabi ng isang katiwala nila. Saktong tapos na silang kumain noon. Nagkatinginan sila ng lolo niya at kaagad nitong minuwestra na lumabas na at puntahan si Miguel. Hindi nag-aksaya ng oras si Prince. Nakangiti siyang lumabas sa kusina at nang mamataan si Miguel sa sala ay kaagad itong tumayo. Nanunuri ang mga mata nitong tinignan siya. “Magandang umaga, senyorito,” kaagad nitong bati. “Good morning.” Palakaibigan siyang ngumiti at nagpasalamat si Prince na tila wala namang napansin si Miguel doon. “Ang senyora at senyor?” “Nasa kusina pa sila.” Tumango ito at naglakad papuntang kusina, sa tingin ni Prince ay magpapaalam. Pagkatapos ng ilang minuto ay muli itong lumabas papuntang sala at sinenyas nang aalis sila. Mabilis siyang sumunod rito. Binigay muli nito sa kaniya ang sumbrerong banig na suot niya rin kahapon. Balot na balot din ulit ito sa kasuotan nitong pangmagsasaka. Si Prince nama’y naka-plain blue shirt at itim na jersey shorts. Nakatsinelas lang din siya dahil hindi naman siya pwedeng magsapatos sa palayan. “Ano ang gagawin natin ngayon?” tanong ni Prince nang malapit na sila sa palayan. Sinuot niya ang kaniyang sumbrero kahit hindi pa naman tirik ang araw. Nakita niya kasing ganoon din sina Miguel. “Tuturuan po kita kung paano magtanim ng palay,” anito. Nang makalapit sila ay bahagyang natigilan si Prince. May kinuhang bota si Miguel sa may puno kung saan sila nananghalian kahapon. Sa tingin niya ay si Miguel ang may-ari noon. Napatingin tuloy siya sa palayang maputik na at sa kaniyang tsinelas. “May isa pa pong bota rito, senyorito. Para sa iyo,” narinig niyang sabi ni Miguel kung kaya nakahinga siya nang maluwag. “Thanks. Akala ko lulusong ako roon nang nakapaa, eh,” biro niya. “Hindi ko hahayaan iyon kaya hinanda ko na lahat ng kakailanganin mo.” Natigil sa pagsusuot ng kaniyang bota si Prince at napatingin kay Miguel na nakatalikod na sa kaniya at kinakausap na ang ibang magsasaka. He scoffed. Kahapon ay may handa na rin itong sumbrerong banig para sa kaniya, ngayon nama’y mga bota. Prince thought Miguel was considerate, pero hindi siya magpapahulog sa patibong nito. Naisisiguro niya na nakikisama lang ito dahil napag-utusan ng lolo niya. Dinala siya ni Miguel sa pwesto na medyo malayo sa ibang magsasaka. Hinanda ni Prince ang bakod niya dahil baka mamaya ay kung ano ang gawin ni Miguel dahil pumwesto talaga ito sa pwesto na silang dalawa lang ang magkasama. Nakalusong na rin siya sa putikan at binigyan siya nito ng itatamin na mga palay. Tinuruan siya nito. Iyong hindi naman daw ililibing ang palay sa putikan, parang ipapatong lang ng kaunti. Akala nga noon ni Prince ay grains o seeds din ang tinatanim na palay, hindi niya akalain na parang d**o na ang hawak niya. “Matagal mo na bang ginagawa ito?” wala sa sarili niyang tanong habang nakayuko na silang dalawa at nilalagay ang mga palay sa putikan. Nakita niya sa gilid ng mata niyang nilingon siya ni Miguel. “Oo, highschool pa lang ako.” Natahimik siya sa narinig. “Dito sa probinsiya, hindi masyadong uso ang magpabaya kahit sa murang edad. Naranasan din naman naming magsaya at maglaro, ngunit hindi siguro kagaya sa inyo na maraming oras at malaya sa ganoon. Dito ay limitado dahil dapat ay may alam na sa pagtatrabaho. Kung magpapabaya ka rito, malulugmok ka lang lalo sa hirap. Lalo na ako, dalawa lang kami ni Nanay. Hindi ko pwedeng i-asa sa kaniya ang lahat.” Prince pursed his lips upon hearing that. Naalala niya ang kwento ng magsasaka kahapon sa kaniya patungkol kay Miguel. Kaya siguro hindi na ito nagkolehiyo dahil sila lang ng nanay nito. Hindi na siya nagtanong tungkol sa Tatay nito dahil baka sensitibo. Kung may kinaiinggit man siya kay Miguel, iyon ay sa kabila ng hirap ng buhay, nandiyan naman ang nanay nito. Siya, halos sa kaniya na nga ang lahat at malayang gawin ang mga gusto niya, kailangan pang magrebelde para makuha ang atensiyon ng mga magulang niyang halos hindi niya naman nakakasama habang lumalaki siya. Ni hindi nga alam ni Prince kung ano ang pakiramdam ng may magulang kahit nariyan naman ang mommy at daddy niya. Naging tahimik ulit sa pagitan nila ni Miguel at nag-uusap na lamang kapag may tinuturo ito. Tumayo siya at inunat ang kaniyang katawan dahil nakadarama na siya ng p*******t ng likod. Gusto na niyang sumuko! Tumingin siya sa mga farmers nilang sanay na sanay. Siya ay halos wala pang isang oras ay nanlalagkit na sa pawis. Gusto na nga niyang magreklamo kaso ayaw niyang mabulilyaso! “Pupunta ba si LJ dito mamaya?” bigla niyang tanong nang bahagyang lumapit kay Miguel para roon maglagay ng mga palay. Halatang hindi nito napaghandaan ang tanong niya. Tumingin ito sa kaniya, kunot na kunot ang noo. Sa kaloob-looban ni Prince ay gusto niyang matawa dahil halatang hindi nito nagustuhan ang tanong niya. Naisip niya na grabe itong magselos kaya mas gusto niyang ipagpatuloy ang kaniyang plano. “Bakit mo tinatanong?” seryoso nitong tanong pabalik habang sunggab pa rin ang mga kilay. Prince shrugged. He bit the inside of his cheek to surpress his grin. “What? I’m just asking?” Tinignan niya ito ng may halong tukso. “She’s pretty. Hindi mo naman siguro siya jowa, ano?” Tinitigan siya nito ng mabuti at gustong humagalpak ni Prince. Natutuwa siya sa kaisipang maiinis na rin niya ito at makababawi na siya. Ngunit nang humakbang ito palapit sa kaniya ay mariin siyang napalunok. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng takot sa kauna-unahang pagkakataon dahil nakita niyang sumama ang tingin sa kaniya ng kaniyang kaharap! He was never afraid kahit mas malaki o mas matangkad pa ang kaharap niya, but Miguel was so intimidating that Prince even felt his knees shaking! “Senyorito,” mariin nitong tawag sa kaniya. “Kung ano man po ang binabalak mo, huwag mo nang ituloy. Ayaw ko nang magalit dahil sa’yo.” Nang talikuran siya nito ay tila noon lang naalala ni Prince ang huminga. Hindi siya nakapagsalita! Hindi siya makapaniwala na natiklop siya ni Miguel ng ganoon kabilis! No! Prince refused to accept that it even happened!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD