KABANATA 25

1524 Words

Ala-una ng madaling araw, tila sila magkasintahan na magtatanan. Maingat at walang ingay na nakalabas si Prince ng mansiyon sa oras na iyon. Sa labas ng hacienda ay nag-aabang si Miguel na kagaya niya ay nakasuot din ng hooded jacket. Nag-parking ito ng sasakiyan nito sa may intersection pagkatapos ay naglakad patungong gate ng hacienda. They couldn’t afford to get caught now. Pinagplanuhan nila ito ng maigi kanina sa tawag. “Miguel,” pabulong na tawag ni Prince nang mamataan ang kasintahan sa gate. Umalis ito sa pagkasasandal doon. Ngiti kaagad ang sinalubong ni Miguel sa kaniya. Tumayo si Prince sa harap nito at ilang segundo pa silang nagkatitigan. Tila ba sa mga mata nila ay naghahanap sila ng assurance na desidido na sila sa gagawin nilang ito. Prince assuringly smiled at Miguel at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD