Two weeks na ang nakakalipas simula nang mareceive ko ang text na yun pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nun mapatahimik. Ewan ko pero parang pakiramdam ko na laging may matang nanunuod sa akin. Simula din nang mareceive ko ang text na yun ay naging paranoid ako sa paligid ko, parang lagi ako binabalot ng takot at kaba. Nagpapasalamat na lang talaga ako at hindi masyadong nahahalata ni Rafael ang problema kong ito. Tungkol naman sa amin ay wala namang nagbago sa relasyon namin. Mas naging sweet lang din talaga si Rafael at pinaplano na din namin ang paglipat ko sa kanila na pahirapan man ay pinayagan din ni Papa na nagdrama pa dahil iiwan ko daw agad siya. "Okay ka lang ba tol? Lutang ka eh. Naku baka naman iba na yan ha! Nagdadrugs ka ba?" Untag sa akin ni Arlo habang nasa isa kam

