Mag-aalas nueve na ng gabi nang umuwi ako mula sa mansion, hindi na rin ako pumayag na ihatid pa ni Rafael dahil naisip ko na dapat binibigyan niya ng oras si RJ. Lumalaki na si RJ at sa tingin ko ay dapat mas doble pang atensyon ang ibinibigay dito ni Rafael lalo na at wala na itong ina. Pahirapan man ay pumayag din ito kaya nagtaxi na lang ako pauwi na hindi rin naman naging mahirap. Pagpasok ko ng bahay ay hindi ko alam kung bakit ang weird ng paligid. Parang sobra naman atang tahimik, para palibrary na. Mabuti na lang at nakita ko ang isa sa mga kasambahay namin na katatapos lang maf vacuum ng sahig. "Ate, anong meron bakit sobrang tahimik? Nandito ba sila Papa?!" Takang tanong ko dito habang busy pa rin ako sa paglibot ng mata sa bahay. "Naku Sir Autumn si Mama Sandra at Papa Arman

