PAGKARATING ni Manolo sa kanyang mansion ay galit na galit ito. Paano ba kasi ang pagkakataong masusulo niya ang modelo ay napurnada pa. Mahilig kasi siya sa mga sexy at magagandang babae, kung mapapakiusapan at pumayag sa gusto niyang mangyari ay binibigyan niya ito ng pera at kung hindi pinapapatay niya ang mga ito. Ganun siya ka sama. Kung sino ang matitipuhan niya ay dalawa ang kahihinatnan magiging swerte o mamalasin sa buhay.
"Good evening sir," bati ng kanyang maid kay Don Manolo.
"Estupida! Tumahimik ka at baka ikaw ang mapagbuntungan ko ng aking galit. Alis sa harapan ko," binulyawan niya ang kanyang katulong.
"Opo sir pasenya na,"sagot nito saka agad ng umalis ang matandang babae.
Pagka-alis ni Manolo ay siya namang pagtunog ng telepono ng katulong niya.
"Hello, sino po ba ito?" sagot niya sa kabilang linya. Bago ang numero ng tumatawag dahil hindi nakarehistro.
"Manang ako 'to. Mabuti na lang at ginagamit niyo pa itong lumang numero ninyo," sagot ng boses sa kabilang linya.
Automatikong tumulo agad ang luha ng matanda. Alam nito kung sino ang tumatawag sa kaniya.
"Manang, huwag po kayong umiyak."
"Opo sir. Alam mo nagbabakasakali talaga akong balang araw ay tumawag ka at makabalik na dito sa mansion. Sir, hindi ko na kaya ang manilbihan dito," pagsusumbong ng matandang katulong. Mangiyak-ngiyak pa rin ang boses ng matanda na maririnig ka sa kabilang linya.
"Manang konting tiis na lang at babalik ako riyan. Hindi pa man sa ngayon ay baka sa susunod."
"Opo sir, alam niyo po minsan pinapahirapan ako ng tiyuhin mo. Hindi ako pinapakain, hindi man ako pwedeng umalis dahil wala na akong mapuntahan. Hinihintay rin kita sir kaya sana makabalik ka na agad dito sa man sivaon," sumbong ng matanda.
"Huwag po kayo mag-aalala manang. Magwawakas din ang kasamaan ni Manolo. Tandaan ninyo iyan. Itago ninyo po itong numero ko kasi tatawag ako sa inyo paminsan-minsan," paninigurado ng kausap nito.
"Opo sir, maraming salamat. Na miss ko na ang dati kong alaga siguro ang gwapo-gwapo mo na lalo ngayon."
"Na miss na rin kita Manang. Hindi kita makakalimutan dahil simula ng mamatay si Mommy ikaw na ang tumayo bilang magulang ko."
"Sir, sige na po baka may makarinig sa akin. Babalitaan na lang kita ng mga pangyayari dito sa mansyon. Sige po."
"Teka lang po Manang. Pwede ba kitang makausap bukas doon sa dati nating pasyalan sa may ilalim ng punong mangga na malapit sa ilog. Hihintayin kita doon bukas ng umaga."
"Opo sir pupunta ako. Huwag na muna kayo mag-aalala sa akin. Paalam na po."
Agad nang pinutol ng matanda ang tawag mula kay Nicolaus. Oo, si Nicolaus ang tumawag sa katulong nila, hindi basta lng katulong ang turing niya dito kundi isa na ring ina.
Bumalik lahat ng mapapait na ala-ala sa isipan ni Nicolaus. Mas tumindi ang galit niya kay Manolo na kung nasa harapan niya ito ngayon ay kakainin niya itong buhay.
Kinabukasan ay nagkita sina Nicolaus at Manang Merna sa kanilang tagpuan.
Nagkayakapan at nagkaiyakan dahil sa matinding pangungulila. Marami silang pinag-usapan at pati ang naging plano nilang pagpabagsak kay Manolo.
"Manang hindi na po ako magtatagal. Tanggapin niyo po itong pera. Gamitin ninyo kapag hindi ka sinasahudan ng salbahe kong tiyuhin."
"Salamat po sir, makakaasa kang tutulungan kita sa mga naging plano ninyo."
"Sige po Manang mag-iingat po kayo. Tumawag din po kayo agad sa tuwing may hindi magandang gawin ang Manolo na iyon."
"Sige sir, mag-ingat din kayo."
Pagkauwi ni Merna ay nadatnan niyang may kinakausap si Manolo na tatlong lalaki.
Nagtago siya sa may isang sulok at nakinig sa uspan nila.
"Oo, hindi ako nagkakamali si Haley at Kristina ay iisa. Magkamukha sila. Dapat alamin ninyo ang lahat ng detalye tungkol sa Kristina Grey na iyon. Gusto kung masigurado kung totoo ang hinala ko. Ayaw kung naiisahan ako ng kalaban ko. Kung totoo na siya si Haleh, mag-ingat na siya mula ngayon."
"Opo sir, bukas kikilos kami agad."
" Dapat lang na kumilos na kayo. Ang tanga niyo. Matagal ko na siyang pinapahanap pero wala, wala kayong impormasyon. Sige alis na," utos ni Manolo sa kanyang tauhan. Tumaas baba ang balikat nito sa galit.
Mula sa pinagtaguan ni Merna ay narinig niya ang pinag-usapan nila ni Manolo at ng kanyang mga tauhan. Agad namang kinuha ni Manang Merna ang kanyang telepono para tawagan si Nicolaus ng may biglang humablot sa kamay niya nito.
"Huh? Sir Manolo? " gulat na gulat si Manang Merna. Si Manolo ang kumuha ng hawak niyang cellphone.
"May narinig ka ba sa pinag-uusapan namin kanina?" biglaang pasigaw na tanong nito sa katulong.
"Wala ho sir. Akin na po ang telepono ko", pagsinungaling nito at nakiusap. Hiniling niyang sana huwag naman siyang papatayin nito. Kabado siya.
Muntik na sanang mahimatay ni Manang Merna sa gulat at takot. Mabuti na lang at nagsawalang kibo na agad si Manolo mula sa narinig na sagot nito sa kanya. Agad namang binalik ang kanyang telepono na hindi na inusisa pa.
"Hooohh," pagbuga ng hangin ang ginawa Niya para mawala ang kaba niya. Labis ang pasasalamat niyang hindi siya nito sinaktan.
Pumasok sa kuwarto si Merna at tinawagan si Nicolaus. Pinag-iingat niya ito at si Haley. May masamang binabalak si Manolo sa kasama niya kaya binantaan na sila ni Merna.
Nakinig naman si Nicolaus at nagpasalamat sa kanya. Malaki ang matutulong ng may look out sa loob ng mansion para madaling madali ang matanda.
Matapos na ipaalam ni Merna ang mga nalaman ay nakahinga na siya ng matiwasay. Napanatag din ang loob niya. Ayaw nitong mapahamak si Nicolaus at si Haleh sa mga plano nila laban kay Manolo.
Kung noong pinalayas ni Manolo si Nicolaus at wala siyang nagawa ngayon ay hindi na niya hahayaang maulit pa ang nangyari. Hindi dapat si Manolo ang nagmamay-ari ng mansion kundi si Nicolaus.
Nangako siyang aalagaan si Nicolaus sa abot ng makaya niya ng mamatay ang ina nito pero wala siyang magawa. Kontrolado lahat ni Manolo. Mula pera pati kapangyarihan. Kaya din niya tinitiis ang ugali nito para sa pangakong pag-aalaga at pagbabantay sa binata.