NASA Maynila na sina Haley para sa mission nila. Saglit muna silang dumaan sa dati nilang bahay.
"Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari ito, ang makabalik sa Maynila lalong-lalo na dito sa bahay," saad ni Haley. May kirot sa puso niya habang inaalala ang matatamis at mapapait na nakaraan mayroon sila ng ina niya sa bahay na ito.
"Well, saan ang mas maganda dito o sa Villa Rosa?"
"Mas maganda doon but the memories I have here are more beautiful compared to Villa Rosa."
"Okay, let's go. Isuot mo na iyang wig at shades mo."
"Okay. Kanina pa kasi naghihintay si Nicolaus sa sasakyan."
Agad ng pumanhik silang dalawa. Nakahawak si Haley sa mga braso ni DM kaya ng makita sila ni Nicolaus ay biglang nagkasalubong ang mga kilay nito.
"Okay, let's go Nicolaus," DM ordered.
"Where?" Nicolaus sarcastically asked. Nagselos ito sa dalawa. Ayaw niyang makitang sweet ang mga ito sa isa't-isa.
"To my house, you already know it," sagot ni DM.
"Okay." Tipid niyang sagot saka pinaandar ang sasakyan nila.
"Alam mo ang bahay nila Nicolaus?" hindi makapaniwala na tanong ni Haley.
Tango lang ang sagot nito. Naiinis siya dahil kay DM.
PAGKARATING nila ay maagap silang tinanggap ng mga katulong.
Napakaganda at elegante tingnan ang bahay ni DM mapalabas man o sa loob. Kitang-kita na sobrang yaman ng pamilya nito.
"Maam, sir, tuloy po kayo."
"Manang makapag handa na po ba kayo?"
"Opo sir, nakahain na lahat kayo na lang ang hinihintay."
"Okay salamat."
"Tara, kumain na tayo." Anyaya niya sa kasama.
"Sure!"
Pagkatapos nilang kumain ay nagplano na sila kung paano mahuhuli ang demonyo na katulad ni Don Manolo. Lahat ng estilo at paraan ng paghuli ay pinag-isipan at pinagplanuhan nila.
Isa sa unang plano nilang napag-isipan ay ang pagpapanggap nila na bagong modelo ng kompanya.
Kinabukasan ay sinimulan na nila ang plano.
"Good morning everyone, please listen to my urgent announcement. As we all know our company got affected by losing Ms. Haleya Quill Mercado and Ms. Claire Mendoza. That's why I hired these two new super models. Please welcome and be nice to Nico and Kristina. They will go to work with Ms. Zenaida. Is that clear?" pagpapakilala sa kanila ni DM.
"Yes sir," sabay na sagot ng mga staff kay DM. Wala naman silang ibang reaksyon bukod sa excited silang makatrabaho silang dalawa.
"Okay, I will go first; I have something to work on too, so please help them with what they are supposed to do," bilin nito saka umalis na.
"Yes sir, ako na po ang bahala," pahabol na sagot ni Czenaida.
"Hi. Nice to meet you aga–," sabi ni Haley. Muntik na siyang madulas sa pagsasalita.
"Kristina, please be careful of your words," saway ni Nicolaus.
"Yes, Miss? You already know us?" tanong ni Czenaida.
Ngumiti siya. "No, but today, of course I know you."
"By the way, it's nice to meet both of you and be a part of my team. Malaking tulong ito sa company. Just call me Czen. Okay, come with me and we will talk about our upcoming fashion week."
Agad namang sumunod ang dalawa.
Habang patungo sila sa opisina ni Czen ay nakasalubong nila si Manolo na siya namang tinignan ng napakatalim ni Haley. Gusto na niya itong sakalin ora-mismo.
"Good morning, seems like I see some new faces right now. Zcen, who are they?" nangiting tanong nito, na kay Haley ang mata nito.
"Good morning too, Don Manolo. They are my new teammates, they're gonna help me and they're such a good model," sagot ni Czen sa matanda.
"Hi Miss. Wow, you're so very beautiful and sexy," puri ni Don Manolo kay Haley.
"Oh. Thanks for appreciating my beauty. Nice to meet you too," sagot niya sabay ngiti ng pilit. Parang gusto niyang sapakin at durugin ang matanda sa mga palad nito. Kumukulo ang dugo niya, parang hindi na niya mahintay ang tamang oras.
"Well, nice to meet you Manolo," singit ni Nico pagkunwa'y inagaw ang kamay ni Manolo na makipag-shake hands sana kay Haley .
"Nice to meet you too, man, " sagot nito sa kaniya.
"Excuse me. We're in a hurry Don Manolo. We have something to work on and it needs to be polished as soon as possible. Sir DM need it, so I'm sorry for now we need to go," pagsisinungaling ni Czen dahil naiirita na siya sa kabastusan ng matanda.
"Ow? Okay, make your job well done. Bye, see again next time," sagot nito sabay wink kay Haley.
Pagkatapos tumalikod na habang nakangisi ng malademonyong ang matanda.
"Zcen, ganun ba talaga siya makipag-usap dito parang may kasamang kabastusan?" pakunwaring tanong ni Haley.
"Yeah, Miss Kristina but don't mind that old man," sarkastikong sabi ni Zcen. "Hindi 'yan nakaporma sa' yo. I got your back."
"Miss Czenaida, uhmm can I ask something?" tanong ni Nicolaus.
"Sure!"
"Madalas ba dito si Manolo o hindi?"
"He's been always here. Hindi ko nga alam e, panay tanong kung wala si sir pero kung nandito wala naman daw kailangan. Also, he wants to know every informations I know about him, even it's important or not. Such an annoying old man. Don't mind him. Let's go."
Nagkibit-balikat Lang silang dalawa saka sumunod na Kay Czenaida.
NATAPOS ang buong araw na pagtatrabaho nila Haley at Nicolaus. Umuwi si Nicolaus sa condo na ibinigay sa kanya ni DM, samantalang sa bahay naman ni DM umuwi si Haley.
"Darling, I'm so sorry hindi na kita nasundo sa opisina. Nagmamadali kasi akong umuwi kasi nandito na lahat ng mga bagay na kakailanganin nating dalawa," salubong ni DM sa kanya pagpasok niya sa gate.
"Okay, good. Actually, I already plan what I should do in order to catch that demon," sagot niya sa lalaki.
Haley smiled like a devil in an angel's disguise. She looks very beautiful in DM's eye, that's why he can't keep himself from liking Haley so much. He felt that his heart was melting as their eyes crossed in the middle of a glance.
"Hey, why are you staring at me like that?"
"Oh, did I?"
"Yes of course, nakatulala ka kaya habang tinititigan mo ako, may mali ba sa mukha ko?"
"Nothing's wrong with your face. In fact, it's so beautiful. Well, let's get inside to have our dinner."
Hinapit siya ni DM sa kanyang beywang habang inaalalayan papasok ng pintuan. Ang sweet nilang tingnan, hindi kagaya ng dati na kinasusuklaman at ayaw na ayaw niya na mahawakan ng lalaki.
Pagkatapos nilang kumain agad na naligo at nagbihis si Haley ng kanyang pantulog dahil pagod siya sa buong araw na trabaho sa kumpanya. Pero kahit pagod na pagod siya ayaw pa rin siya dalawin ng antok kaya napagdesisyunan niyang bumaba.
Nagtimpla siya ng isang baso ng gatas at saka ininom. Pagkatapos ay babalik na sana siya ng kwarto ng may nakita siyang isang bulto ng tao na nakaupo sa sala. Kahit na takot siya noong una ay pinili pa rin niyang lapitan ito.
"Haley, bakit bumaba ka pa ng kwarto mo? Sabi mo kanina matutulog kana," boses ito ni DM.
"Ah, kasi hindi ako makatulog kaya bumaba ako at uminom ng gatas. Nasubrahan yata ako sa pagod kaya hindi ako makatulog. Ganun kasi ako salungat sa iba," paliwanag niya.
"Halika ka muna sa tabi ko,"aya ni DM sa kaniya.
Kahit kinakabahan siya ay agad naman siyang tumalima.
"Hindi ka ba giniginaw? Malakas ang aircon dito, kung gusto mo hinaan ko."
"Huwag na DM, okay lang naman."
Nanginginig na sa ginaw si Haley pero pinapairal pa rin niya ang pagkahiya sa lalaki.
"Are you sure? Parang ginaw na ginaw ka oh."
"Ah. Okay lang aakyat na lang ako pabalik sa kwarto. Sige alis na ako."
Hindi pa man siya nakahakbang pa ay agad na siyang hinatak ni DM at niyakap ng napakahigpit. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib hindi na nito maitatanggi na iniibig nga niya ang lalaki.
"Ngayon, maginaw pa ba Haley, darling?"
Matamis sa tenga ng pagkarinig ni Haley sa sinabi ng lalaki, labis siyang kinilig pero ng maalala na wala pa palang namamagitan sa kanila, na wala pa silang relasyon bigla siyang nanlumo.
"Bakit ka malungkot? Hindi pa ba sapat na niyayakap kita?"
"Kasi, bakit mo ito ginagawa? Inaamin ko, maraming beses na ito nangyari pero sa tuwing naalala ko na wala tayong relasyon nalulungkot ako. Kahit dalawang beses na may nangyari sa atin hindi ko alam kung saan ito patungo."
"I love you, pero duwag ako Haley. Hindi ko masabi at maparamdam na seryoso ako sa'yo. Pinagsisihan ko na ang lahat ng mga nagawa ko. Pero sa tuwing nakikita kang masaya ka sa piling ni Nicolaus pinipilit kung lumayo sa'yo."
"Ayan naman pala eh, mahal mo naman pala ako ng totoo. Bakit sugod-bawi ka? Minsan sinabi mong mahal mo ako, minsan balewala ako sa'yo. Alam mo kahit anong sakit ng ginawa mo sa akin pero hindi kita magawang saktan, dati ko pang alam na ikaw ang may gawa noon sa akin DM pero hindi ko magawang patayin ka. Kasi sa tuwing gagawin ko ang mga binabalak ko, hindi kaya ng konsensya ko," wika niya habang humihikbi.
"Shhh, Ilove you. Nagawa ko lahat ng iyon Haley para protektahan ka laban kay Manolo pero naging makasarili ako, I am very sorry."
'I love you too, DM. Let's forget about the past,"sagot niya saka hinalikan ng madiin at napakatamis ang lalaki.
"I love you so much, Darling. I like the way you kissed me. So, now the hatred is over?"
"Yeah, I already forgive you. Love is mysterious, why can't I?"
Matamis siyang napangiti.
"Haley, darling, will you be my girlfriend?"
"Yes, darling. I love you."
"Yes!" malakas na sigaw ni DM.
"Hey, huwag kang maingay baka marinig ka ng mga katulong," saway ni Haley.
"I don't care. I love you and I promise to love and protect you and Kizanee. Both of you are my princess," he said, then he sealed her with a kiss.
It's been the most memorable night in Haley's life because hatred is finally over. She already forgives DM his one and only love.