Chapter 9- Sebastian 'Baste' Dela Cruz

1883 Words
"Papasok na po ako, Nay!" paalam ko sa ina. Isinukbit ko ang bag sa'king likuran at saka lumabas na sa'ming bahay. "Papasok na po ako, Tay!" Paalam ko sa ama. "Mag-ingat ka sa pagpasok, Anak," basbas naman sa'kin ni Tatay. "Salamat po, Tay!" Nagmano muna ako sa ama bilang pamamaalam. Naglalakad lang ako papasok sa paaralan dahil hindi naman na mainit at hapon na rin naman. "Uy, Baste!" Nilingon ko ang tumawag sa'king pangalan. "Jordan?" patanong kong anas dahil hindi ko halos mamukhaan ang lalaki dahil sa nag-iba nitong anyo. "Ako nga!" Tinapik ako nito sa balikat. "Naks! Laki na nang ipinagbago mo ah," masayang sabi ko sa lalaki. "Pananamit lang, Tol! Pero ako pa rin naman 'to," nakangiti nitong tugon. Magkababata kami ni Jordan at sabay kaming lumaki sa squatter area na kinatitirikan ng aming mga tahanan. Swerteng nakapagtapos ng pag-aaral si Jordan. Kung kaya't may maayos itong trabaho kumpara sa'kin. Maayos naman ang trabaho ko bilang basurero pero siyempre iba pa rin talaga kung nakapagtapos ng pag-aaral, mas maraming opportunity ang lumalapit. "Saan pala punta mo niyan, Tol?" tanong sa'kin nito habang binubuhay ang makina ng kaniyang motorsiklo. "Papasok sa eskwelahan, Tol," sagot ko naman sa kaniya. "Ah, nag-aaral ka na pala ulit. Maganda 'yan," turan pa nito. "Oo, gusto ko rin makapagtapos kagaya mo." Ngumiti ako rito saka tinapik ko ito sa balikat. "Tuloy na ako! Baka ma-late na ako ng husto sa klase," pamamaalam ko sa lalaki. "Halika, sakay ka na. Idadaan na lang kita sa eskwelahan mo," alok naman sa'kin nito. "Huwag na! Nakakahiya naman!" tanggi ko kay Jordan. "Ano ka ba, Tol. Sakay na!" pagpupumilit pa nito. "Sigurado ka ba talaga, Tol?" paniniyak kong tanong sa kaniya. "Oo naman! Tara na!" sagot pa nito. Umangkas ako sa likurang bahagi gaya nang sabi nito. Minuto lang ay nasa tapat na kami nang pinapasukan kong eskwelahan. "Salamat, Tol!' pasasalamat ko rito. "Walang anuman, Tol! O siya sige pasok ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo." Tinapik ko ito bilang pasasalamat sa paghatid nito sa'kin. Papasok pa lang ako sa may gate ay nagtitilian na ang mga kababaihang madalas na nagpapa-cute sa'kin. Hindi ko na sila pinansin bagkus ay tuloy-tuloy na naglakad ako patungo sa loob ng silid-aralan. Umupo ako sa may bandang harapan upang mas maintindihan ko ang itinuturo ng aming professor. "Hi, Baste!" malambing na bati sa'kin ni Karina, ang kaklase kong patay na patay sa'kin. Nangangapal ang bibig nito sa lipstick na ipinahid na yata lahat sa labi niya. Pulang-pula naman ang mga pisngi nito gawa nang ibinudbod na blush on doon. Nangungulay violet naman ang talukap ng mga mata nito sa sobrang kapal ng eye shadow na nakapahid. Hindi na rin kaaya-ayang tingnan ang mahabang pilik mata nito dala ng sobrang kapal ng maskara na inilagay roon. Kung ikukumpara ko si Karina kay Cassy, ay 'di hamak na mas maganda pa rin ang huli. Simple lang ang ganda ni Cassy at walang masyadong koloreteng nakapahid sa mukha. 'Di gaya ng kaharap ko na inubos na yata lahat ng binili nitong make-up para lamang mapaganda ang mukhang hindi naman mapaganda-ganda. "Kumusta na kaya siya?" tanong ko sa isipan nang maalala ang mala-anghel na mukha ni Cassy. "Baste, pwede bang sabay tayong umuwi mamaya?" nagpapaawang mukha ang iniharap sa'kin ni Karina. Sa totoo lang nagiging pintasero ako ng wala sa oras dahil sa mga taong tulad ni Karina. Na sa tuwing nadidikit sa'kin ay animo isang tuko na ayaw nang mahiwalay pa. "Haist!" Napabuntonghininga na lamang ako. "Diretso kasi ako sa trabaho ko mamaya, Karina," pagdadahilan ko sa babae. "Ayos lang 'yon, Baste. Mas mainam nga nang malaman ko kung saan ka nagtatrabaho para lagi kitang mabisita," nagpapa-cute pang wika nito. Napangiwi naman ako sa sinabi nito. Inirehistro ko ang pekeng ngiti sa'king labi para sa dalagang pilit na nagpapapansin. Pero sa kaibuturan naman ng kalooban ko ay isinusumpa ko na ito. "Kung lagi naman kitang makikita sa trabaho ko, malamang magre-resign na lang din agad ako!" Magsasalita pa sana si Karina nang siyang dating naman ng professor namin. "Hay salamat!" piping usal ko sa sarili. Pagkatapos ng klase namin ay agad akong lumabas sa loob ng classroom upang maiwasan si Karina. Malalaki ang mga hakbang kong naglakad patungo sa may gate n eskwelahan. "Baste, sandali lang!" hinihingal na tawag sa'kin ni Karina. Hindi ko siya nilingon upang isipin niyang hindi ko narinig ang tawag nito. Tuloy-tuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa natanaw ko ang pamilyar na bulto ng katawan ng isang dalaga na tila kilalang-kilala ko. Lumapit ako kaunti sa kinaroroonan ng dalaga upang makatiyak na si Cassy nga ang tila binabastos ng mga lasing na lalaki sa kabilang kalsada. "Bakit ba takaw gulo 'tong babaeng 'to?!" ani ko naman sa isipan nang matiyak na si Cassy nga ang dalagang binabastos. Pinaiikutan ito ng mga lasing na lalaki habang nakikipagsagutan ito sa isa sa mga ito. "I don't have time to fool around with you. Ibalik niyo ang pera ng batang iyan," galit na wika ng dalaga sa lalaking kausap sabay turo sa batang babaeng umiiyak sa isang tabi. "Papayag kami Miss, basta tumeybol ka lang sa'min." Malakas na naghiyawan ang mga lasing na lalaking nakapalibot sa kaniya. "The nerve!" Nilapitan niya ang lalaking kausap sabay kuha sa maliit na pitakang hawak nito. Sa kasamaang palad ay hindi niya kinaya ang lakas ng lalaki kung kaya't siya ang nahila nito palapit sa katawan niyon. "Eeww! Stay away from me!" maarteng sigaw ni Cassy. "Eeww! Stay away from me!" panggagaya naman ng mga lalaki sa sinabi ni Cassy. "Masarap na pulutan 'yan, Tol!" hiyaw ng buto't balat na lalaki. "Ang bango nga eh!" Inilapit pa ng husto ng lalaki ang kaniyang mukha sa katawan ng dalaga. Nandidiring isinalag naman ng dalaga ang kaniyang mga kamay sa mukha niyon. "Bitiwan ninyo ang asawa ko!" sigaw kong sa mga lasing na lalaki. Napalingon silang lahat sa'king kinatatayuan. "Baste..." Naiiling na tinapunan ko ng tingin ang dalaga na tila sinasabi ko sa kaniyang humanda ka sa'kin mamaya. "Hindi pwede!" mariing sagot naman ng matabang lalaki na walang pang-itaas na suot. "Asawa? Pa'no mo naman magiging asawa ang mayamang Chika Babe na 'to eh mukhang kauri ka lang din naman namin. Lamang ka nga lang ng kagwapuhan sa'min." Sinipat-sipat ako sa katawan ng isang lasing na lalaki na malapit sa kinatatayuan ko. "Mas gwapo pa rin tayo sa kaniya, Tol!" hiyaw ng siyang may hawak kay Cassy. Malakas na humalakhak sila habang patuloy naman akong nakatingin kay Cassy. Isinenyas ko sa kaniya na damputin ang bote sa tabing mesa nito at ipukpok iyon sa ulo ng lalaking may hawak sa kaniya. Mabilis namang nakuha ni Cassy ang kahulugan ng senyas ko kaya agad niyang dinampot ang bote sabay hampas niyon sa ulo ng lalaki. Inagaw pa niya sa kamay nito ang maliit na pitaka at saka lumapit ito sa batang babae upang iabot iyon. "Umalis ka na rito at h'wag ka nang bumalik pa," bilin pa nito sa bata. Napahanga naman ako nito dahil sa kabila ng pagiging maarte niya ay may kabaitan rin pala itong itinatago sa katawan. "Lagot ka sa'kin ngayon." Sinabunutan si Cassy sa buhok ng lalaking hinampas niya ng bote sa ulo. "Ouch!" Napaigik sa sakit nang paghila sa kaniyang buhok ang dalaga. Tila ipo-ipong umiikot sa kawalan ang kilos ko at mabilis kong hinatak ang kamay ng lalaki sa buhok ng dalaga. "G*go kang pakialamero ka ha." Umunday ng suntok patama sa'kin ang kamao nito ngunit nailagan ko iyon. Isang malakas na suntok sa sikmura nito ang pinakawalan ko at saka ito plumakda sa sahig. "Minamahal ang babae, hindi binabastos," ani ko sa mga lasing na lalaki. Mabilis na nagpulasan ng takbo palayo ang mga lasing na lalaki maliban sa isang napatulog ko. "At ikaw naman..." Hinawakan ko sa braso ang dalaga. "Ano na naman bang ginagawa mo rito? Palagi ka na lang may kasamang gulo sa tuwing nakikita kita," pagalit kong sabi sa kaniya. "Excuse me?!" maarteng wika nito. "Wala akong sinabing magpaka-superhero ka sa tuwing makikita mo ako," paismid nitong turan sa'kin. "Nagsawa ka na bang magbilang ng mga yaman ninyo, kaya dito mo naman naisipan sa lugar naming mga mahihirap, tumambay?" nakakainsultong tanong ko sa kaniya. "Mas mapanglait ka pa pala sa'min eh!" asik nito sa'kin. "Sino siya, Baste?" Napangiwi ako nang marinig ang maarteng tanong ni Karina. "Patay! Dagdag sakit ng ulo ko!" nakukunsuming bulong ko sa sarili. Lumapit sa kinaroroonan ko si Karina at saka kumapit ito sa'king braso. Pagtingin ko sa gawi ni Cassy ay naglalakad na ito palayo sa kinatatayuan ko. "Cassy!" matigas kong tawag dito. "Baste, hayaan mo na ang pangit na babaeng 'yon," maarteng hayag ni Karina. "Diyos ko, kung makapanlait naman 'to akala mo hindi siya pangit," piping bulong ko sa isipan. Nagulat ako nang may malakas na pwersang humablot sa buhok ni Karina, kaya napabitiw ito sa pagkakakapit sa'king braso. "Aaw! help me, Baste!" maarteng hinaing ni Karina. "Nasasaktan na pero nagpapa-cute pa rin sa'kin. Kakaibang nilalang ka talaga!" naiiling kong bulong sa sarili. "Before you should call me ugly, check your own face in front of the mirror," nanggigigil sa galit na sabi ni Cassy. Nanggigigil na hinahablot nito ang buhok ni Karina at kulang na lang ay paikutin na niya pati ang ulo ng dalaga. "Cassy!" Niyakap ko siya mula sa likurang bahagi ng kaniyang katawan at pilit kong inalis ang mga kamay niya sa buhok ni Karina. "Tama na 'yan!" maawtoridad kong utos sa kaniya. Ngunit lalo lamang nitong diniinan ang pagkapit sa buhok ni Karina. "Tulungan mo ako, Baste!" Umiiyak ng sabi ni Karina. "Cassy! Ihinto mo na sabi 'yan!" matigas kong utos. "I don't care to you!" sagot niya sa'kin. "Walang sinuman ang pwedeng manlait sa isang Cassandra 'Cassy' Concepcion!" walang pasubali pa niyang turan. Muli niyang hinablot ang buhok ni Karina, kung kaya't lalo lamang nasaktan ang huli sa kaniyang ginagawa. "Hindi ka talaga hihinto ha?!" Binuhat ko siya mula sa kaniyang likurang bahagi ng katawan. Wala na akong pakialam pa kung hawak pa rin nito ang buhok ni Karina. Ang mahalaga ay mapahinto ko ito sa kaniyang pagwawala. Nagtagumpay naman akong mapahinto ito dahil naramdaman ko na ang pagpalo nito sa aking mga brasong nakayapos sa kaniyang baywang. "Bitiwan mo ako!" hiyaw niya sa akin habang patuloy lang ako sa paglakad papunta sa kaniyang sasakyan. "Hindi!" matigas kong sabi sa kaniya. "I'm gonna kill you!" banta niya sa'kin habang patuloy sa pagpapalo ito sa aking mga braso. "Huwag kang mag-alala, matitikman mo muna ang katawan ko bago mo ako mapatay," masuyong bulong ko sa likod ng kaniyang tainga at mas hinigpitan ko ang paghapit lalo sa kaniyang baywang. "Baste!!!!" Nanggigigil nitong sigaw sa aking pangalan na tila kiliti naman sa aking pandinig. Ang sarap pala pakinggan ng pangalan ko, kapag sa mismong bibig niya nanggagaling. 'Pero mas masarap sigurong pakinggan ang pag-ungol niya,' nangangarap kong anas sa sarili. "Let me down!" Tinig nito ang nagpabalik sa lumilipad kong diwa. "Ang arte mo talaga!" naiiling kong wika sabay bitaw sa kaniyang katawan nang nasa harap na kami ng kaniyang sasakyan. "Baste!!!!" Malakas na napahalakhak lang ako sa kaniya. "You'll gonna pay for this!" Sumakay ito sa kaniyang sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon paalis. "Brat!" Naiiling na pinagmasdan ko na lamang ang papalayong sasakyan ni Cassy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD