"Umpisahan mo nang ibuklod ang mga nabubulok at 'di nabubulok na basura," utos sa'kin ni Baste. Nanlilisik ang mga matang tinapunan ko siya ng tingin. "I can't do this!" mariin kong bigkas. "But, you need to do!" nakangising turan sa'kin nito. Ibinato ko pabalik sa kaniya ang gloves at garbage plastic na inabot niya sa'kin. "Can't you see my attire?" paasik kong tanong sa kaniya. Nagbihis pa ako ng pinakamagandang corporate attire tapos magbubuklod lang ako ng basura. Ano na lang ang sasabihin sa"kin ng mga empleyado rito?! Baka hindi na nila ako galangin oras na makita nilang nagkakalkal ako ng basura. "What the hell!" "Ano naman kinalaman ng suot mong damit sa gagawin mong trabaho, eh kahit nga magpanty at bra ka lang diyan pwede naman," nakakalokong saad sa'kin nito. "You!

