Aria's POV.
Nang imulat ko ang aking mga mata,agad na sumalubong sakin si kuya.umupo ito sa tabi ko at tinignan ako.
"Tulog na yung mga bulilit,hinintay kitang magising"-kuya Ethan.
"Im so sorry"panghihingi niya ng tawad sakin,napaiyak uli ako ng maalala ang nangyari kanina,niyakap ako ni kuya.
"Sorry hindi kita naprotektahan,pasensya na "saad nito,tumigil ako sa pag-iyak at ngumiti sa kanya.
"Okay lang po yun... naiintindihan kita,dimo pa tanggap na wala na si mama kahit ako,ang masakit lang kasi ay yung hinusgahan moko,tapos niloko pako ng gf ko diba,nagpabuntis pa sa iba"sabi ko,ngumiti ito sakin.
"Nga pala umalis na siya,wala na daw siyang mukhang maiipapakita sayo,"-kuya Ethan.
"Pasensya kana ah masyado akong judgemental,dahil sa hindi ko matanggap,nasaktan ko yung dadamin mo,lalo na ng malaman ko na may nanggahasa sayo,sa ginawa ko kanina parang diko kayang patawarin ang sarili ko,ang kapal ng mukha kong husgahan,pasensya na"paliwanag nito,ngumiti ako ng mapait.
"Kuya okay lang po naiintindihan kita,nga pala nasan si papa?"tanong ko,sabi niya nasa may labas daw,kaya dahan-dahan akong umupo,sabi pa ni kuya nandito na yung katawan ni mama,kakarating lang daw kanina.
"Tsaka aria,kilala moba kung sino yung lalaking nanggago sayo?,dapat siyang makulong!"saad ni kuya.
"Hindi pero kilala ko ang mukha niya,gusto ko man siyang makulong may laban ba tayo?,mayaman siya,panigurado ang sasabihin niya ginusto ko yun,at nilandi ko siya"paliwanag ko,totoo naman kasi maraming mayayaman ang gumagawa ng istorya para pagtakpan ang mga masasamang gawi nila.
"Pero kahit na kailngan mo ng hustisya,hindi pwedeng ganun ganun nalang aria,gagawa tayo ng paraan para maipakulong yung taong yun"-kuya Ethan,ngunit tumango nalang ako,at ngumiti ng mapait.
"Halika na kain na tayo,at pumunta na tayo sa labas,may pumupunta nading nakikiramay"saad nito,kaya tumayo nako at, para makalabas at makita na si mama,nalulungkot parin ako,dahil sa pagkawala ni mama,pero wala akong magagawa nangyari na lahat,hindi ko naman maibabalik ang oras at buhay ni mama.
Pagkatapos ng ilang oras,ay ako na ang nagbolontaryong magbantay kay mama buong magdamag,siguro mga 12:30 na rin,pinatulog kona yung papa ko,yung mga kapatid ko,yung gf ko naman wala na,umalis na kanina pa,dapat lang na mahiya siya sakin,ginawa ko lahat para sa kanya,sinayang niya yung relasyon namin,sa ilang taon,magpapabuntis lang siya sa iba,hayy sumasakit na yung ulo ko dahil sa stress,diko an alam kung anong mga gagawin ko sa susunod.
Clark's POV.
"Dad!ayoko nga sa babaeng yun,bakit ba pinagpipilitan niyo siya sakin?!"inis na sigaw ko kay dad,hindi kasi makaintindi ang bruha,ayoko nga sa babaeng yun eh,ang arte arte,kala mo naman maganda,mas maganda nga ako sa kanya eh,ito naman si papa,pinipilit ako!,kainis,dapat may reason ako kung bakit ayaw ko mag gf panigurado tatanongin ako nun.
"Son bakla kaba.!"inis na tanong niya sakin,bwakang inang s**t,bigla akong kinabahan,inayos ko ang tono ng aking boses at tumayong lalaki sa kanya,okay isip bakla,isip ng dahilan.
"Anong bakla!?, sinong bakla?!papapatayin ko,papa naman Hindi po,ang toto niyan......"-Me.
"May gf po kasi ako"sabi ko sabay smirk!,nang marealize ko lahat ng sinabi ko,napatakip ako ng bibig ko,wtf did i just say!?oh my god mas lalo kopa atang pinahirapan yung sarili ko,oh my god!! Huhuhuhu.....
"Aba talaga!?,bakit hindi mo sinabi sakin?!"-papa.
"Kasi...kasi po..ayoko muna sabihin,suprise ko nalang sa inyo"sabi ko sabay pekeng ngumiti,s**t pinahamak ko ata ang sarili ko,wala naman akong gf.patay manghihingi talaga ako ng tulong sa mga anak ko!.
Pagkatapos ay Umalis na ito,umakyat na sa taas,lumabas ako para tawagan ang aking mga shoklang anak,tatawagan ko si alexander.
(On the phone)
"Bakla shuta i need your help"panimula ko pero pabulong lang baka kasi may makarinig sakin.
"Ano nanaman yan bakla?!"-Alexander.
"Kasi naman yung dakila kong ama,pinagpipilitan ako sa bruhang yun eh ayoko nga!kadiri,tapos tingin niya bakla ako,which is true naman tapos ang nasabi ko meron akong girl thingy,or something like gf,like wtf i wasn't expecting na masasabi ko yun,tsaka wala nakong maisip na ibang dahilan!"paliwanag ko napabunga siya ng hangin.
"Hayy naku bakla,so anong gusto mong tulong ko sayo ah,kasalanan mo yan bakit kasi ganun yung sinabi mo,pwede namang may nagugustuhan ka,or ayaw mo muna"-Alexander.
"Naku magagalit yun bakla,btw gala tayo!hanapan mo nalang ako sige na para pag napakilala ko sa kanila,okay na"-Me.
"Fine tawagan kolang sila,sige bye"sabi nito at pinatay na yung call,umupo muna ako dito sa bench sa garden namin at nagmunimuni.nakakawalang gana sa loob kaya dito muna ako.
Aria's POV.
Nandito ako sa bahay,nagluluto para sa pananghalian naming pamilya,simple lang ang niluto ko para samin at kasya naman samin.si kuya naghahanda na sa lamesa para makakain na kami.
RING!!RING!!RING!!
nagulat ako ng may tumawag sa phone ko,agad ko itong sinagot nagulat ako dahil si maileen pala ito.
(On the phone)
"Ahh aira pasensya na naistorbo ba kita,may sasabihin kasi ako"saad niya.
"Hindi naman,bakit may problema ba?"tanong ko.
"Kailangan ka kasi ngayon diti aira,nawala nadin yung ibang empleyado yung isa emergency daw,tapos yung isa di na nagparamdam mula kahapon,ewan ko kung bakit kung pwede lang naman bumalik kana dito"paliwanag niya.
"Siguro sa susunod na mga araw pa maileen,alam mo naman namatay yung mama ko,tsaka gusto kopa makasama yung kapatid ko at pamilya ko"saad ko,kaya sumang-ayon na lamang siya,at nang matapos na yung usapan namin,nagkamustahan pa kami.tapos nagsimula narin aking kumain dahil gutom na talaga ako.
"Anak,pasensya kana uli ah"sabi ni papa.
"Okay lang po"sabi ko sabay ngiti.
Nang matapos na kami,sila na muna ang nagbantay kay mama sa labas,marami rin kaming natanggap na abuloy,tsaka yung ipon ko halos ubos na,syempre pag uwi ko dito may dala akong pera,ang bilis maubos dahil sa burol na mama,at sa iba pang mga kailangan dito sa bahay.okay lang kikitain ko naman uli yun,pagbalik ko sa maynila.
Clarks POV.
"Bakla ang dami ko nang sinabi na sikat na mga girls dito,kahit may celebrity na ayaw mo parin napaka arte mo naman!"inis na sabi ni alexander.tsk nakakainis naman kasi oo magaganda sila pero diko type,hindi parin magmanage sa utak ko ang nangyayari.
"Okay i think maganda toh,ay sosyal yung pangalan tih!!,britney daw well okay narin kaso mukhang dimo magugustuhan toh,kaya wag nalang"sabi naman ni benji,well nandito kami,mamaya pa kami gagala nandito ako ngayon sa bahay nila,medyo tinatamad din yung dalawa eh,si alexander andun nakafocus sa laptop niya naghahanap ng babae.
Biglang nag vibrate yung phone ko,nang makita ko kung sino agad ko itong sinagot,kupal na toh,ang tagal na walang paramdam.
(On the phone)
"Bwisit ka ang kapal ng mukha mong tumawag pa noh,pagkatapos mong mawala!"inis na saad ko,napatingin sila sakin pero inirapan ko sila.
"Pasensya na biglaan kasi,sorry di ako nagparamdam magiging tayo pa naman diba"pacute na sabi niya,pero puta sobrang cute,napapangiti nanaman ako.
"Tayo mo mukha mo!,sunduin moko mag-uusap tayo"sabi ko at pilyong ngumuti sa dalawa,well bago mawala ang beauty ko,makikipag landian muna ako.
"T*ngina talaga nito oh,landi muna bago solve problema tih?!,hahahah"sabi ni alexander,pero inirapan kolang siya,at si benji nman ayun tumawa narin.
Maverick Dalton,well may half kasi siya i mean half pilipino or spanish ata yung mokong nayun,well siya lang naman ang prince charming ko,actually his courting me,well para lang may kalandian ako haha,maya-maya pa may nagdoorbell na,agad ko itong binuksan at nakita ko siya may dala pang rose.
"Hi ms.beautiful"saad niya pero binatukan ko siya at kinuha agad yung roses.
"Epal,halika na nga,mag enjoy nalang muna tayo,tskaa bakit ba ngayon kalang!"inis na sabi ko,iniwan kona muna sila alexander mamaya na kami gagala,nandito ako sa kotse habang itong kupal nakatitig sakin.
"Saan naman tayo pupunta babe?"tanong niya.
"Kakain tayo,nagugutom na kasi ako,tsaka treat mo ah,tagal mong walang paramdam eh"sabi ko at tumingin sa kanya,tumango na lamang ito.
(A/N:hi guys siguro hanggang dito na muna maraming salamat po god bless po sa inyo,keep reading lang thank you?,and i know hindi kahabaan pero babawi po ako next chapter?)