Chapter Twenty-Six

1987 Words

Dahil sa nangyari sa mall, minabuti ni Gabie na kausapin ng personal si Mickaela para magpaliwanag pero hindi pumayag si Omeng. Siya na lang daw ang kakausap dito dahil siya naman ang pinagsimulan ng galit nito. “Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ni Micka. Kasalanan ko, ako ang dapat na umayos nito,” paliwanag ni Omeng. Umiling siya. “Tayong dalawa, Omeng. May kasalanan din ako kaya tayong dalawa ang kakausap sa kanya. Ayoko naman na ikasal tayo habang may isang taong nasasaktan at galit sa atin. Baka kapag nagtanong ang pari kung sino ang tumututol ay umeksena si Mickaela, hindi ba?” pabirong tanong niya. “Naisip mo pa talaga ʼyon, Mahal?” Tumawa si Omeng. “Pinapatawa lang kita kasi masyado ka namang seryoso.” Hinawakan niya ang kamay ni Omeng. “Aayusin nat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD