The Game Is Over -02

1011 Words
Umaga ng magising ako nag ayos muna ako bumaba nakita ko si mama nag hahanda ng pag kain. "Good morning ma." Bati ko sa kanya pag ka baba ko. "Morning, halikana at kumain na baka ma late kapa sa school mo." Ani mama. Naupo na ako para kumain, habang kumakain kami nag salita si mama. " Ah, nga pala anak aalis ako kaya ikaw nalang ang maiiwan dito kaya mag ingat ka." Napa kunot ang nuo ko sa sinabi ni mama. "Huh? kala ko po si papa lang ang aalis bat aalis karin?" Tanong ko dito ngumiti lang sya at tumayo. "Basta anak, sige na mag impake na ako mamaya na ako aalis ingat ka dito." Pag ka sabi nya non umalis na sya. Napa sibangot nalang ako kasi ako na naman maiwan na mag isa sa bahay hyss. Nag paalam muna ako kay Mama bago pumara ng taxi. Nandito ako ngayun sa labas ng School pag pasok ko palang marami na ang bulong bulongan tungkol daw sa transferre na gwapo. Di ko nalang yun pinansin sayang lang ang Ganda ko kapag naki chismis pa ako sa kanila. "Ouch!" Mahina kong daing. May naka bangga ako. "Sorry Miss." Pamilyar ang boses nito bahagya kong Inangat ang ulo ko nagulat ako ng makilala ko ito. "Ikaw!" Sabay na turo namin, unti unti rumestro sa mukha nya ang ngisi yung ngising aso! grrr. "Kita mo naman oh, mukhang pinapalapit talaga tayo ng taghana." Ani nya. Kapal ng mukha ng isang to dina nahihiya sa mga pinag sasabi. "Eh kong tadyakan kita dyan tang'namo." Inis akong umalis don at pumasok na sa Classroom mabuti at wala pa ang Teacher namin. Ilang minuto pa ay dumating na ito kasama ang ASOngut nato. "Good Morning class!" "Good Morning Dam!" "Okay so..You have a new Classmates gusto nyo ba syang makilala." Ani ni Madam. "Yes Dam!." Pag sang ayon nilang lahat, syempre maliban sakin. "Oh parang marami kang fans dito Mr. sige na mag pakilala kana." Ani ni Madam. "Hello! My name is Zackrey Nash Trivias, haba diba kaya baby nalang for short." Kumindat pa ito, at yung mga kaklase ko namang babae ayun kilig na kilig. "Class quite, Mr.Trivias you can sit beside Ms.Schnittka." At talagang sa akin pa sya pinatabi bwisit!. "Hi! nag kita ulit tayo Ms.Cute." Naka ngiti ito, tinarayan ko lang ito. "Hindi Ms.cute ang pangalan ko." Naka taas kilay akong humarap sa kanya, bahagya naman syang napa tawa. "Okay..easy lang para ka kasing mangangagat." Asar nya uli sakin. "Kapag hindi ka talaga tumigil, mangangagat talaga ako! grr!" Pag tatakot ko sa kanya tumawa Lang sya at umiling iling bago umayos ng upo. "Okay Class this is for today, you can go now." Lumabas na si Madam at mg kaklase ko maliban sa ASOngut nato. Tinignan ko ito pero naka tingin na pala sya sakin kaya ako na ang unang nag iwas ng tingin. "Oh, bat kapa nandito?" "Sabay na tayo." "Sabay ka dyan! bahala ka nga." Kinuha ko ang Dior bag ko bago sya iniwan don. Pake ko sa kanya tsk. Pag pasok ko sa Canteen ayun na naman ang mga bulong-bulongan sa akin. Hindi naman talaga ako masyadong sikat pero hindi talaga ma wala ang mga fans ko. Hindi ko nalang pinansin at umorder na. "Ate isang set B nga po." Ani ko. Binigay ko sa kanya ang card na para sa food namin, kasi kapag wala ka nyan dika maka kain. "Ito na po Ma'am." Kinuha ko na yun at pumunta sa table ko. Habang kumakain ako dumating si Shakira. Tinignan ko ito bago binalik sa pag kain ang tingin. "Ay, na ignore ako." Ani nya. Oa talaga nito kahit kailan. " Do you need something?" Tanong ko dito, mukha naman syang na bigla sa sinabi ko. "Nako! teh anong nang yare sayo ok ka naman kanina ah, ngayun pa english english kana. Ah! nga pala sino yung gwapong lalaki reto mo naman sakin oh." Tinignan ko lang ito. "Umopo kana nga, ako nahihirapan sayo." Anong akala nya sakin si cupid. "Sige na, gwapo kaya non hihihi" "Di kaya mukha syang Dog." Unti unti naman umiba ang reaksyon nito. "Di Kaya! Alam mo ang BITTER mo. Dyan kana nga." At talagang diniinan oa ang salitang ' bitter' hanep. Hindi ako better sadyang di lang talaga sila bagay. Psh bat ba ako na ngingialam. Tahimik lang akong kumakain ng may umupo sa sa harap ng table ko. Nilingon ko ito. Lalaki gwapo naman sya mukhang mabait rin. "Paupo ah, wala na kasing vacant eh." Hinayaan ko nalang tutal pa tapos narin ako. "Sige lang." "Ako nga pala si Liam Perez." Pakilala nya sakin. "I didn't ask.".Pag tataray ko dito. "Hahaha ang taray mo naman." Tumawa lang ito. Hindi ko nalang pinansin at pinatuloy ang pag kain. "Miss. san pala ang Section Arrow?." Tanong nya. Section yun namin ah. "Section yun namin, bakit mo na tanong?" Balik ko ring tanong sa kanya. "Don ako na section eh, mag kaklase pala tayo. Okay yun." Ani nya. Bat wala sya kanina?. "Hindi ka pumasok kanina ah, lagot ka kay Madam." Pag tatakot ko dito pero imbis na matakot ito tumawa lang sya at pinag patuloy ang pag kain. Maya lang ay na tapos narin ako sa pag kain. Pinahintay nya pa ako dahil sabay daw kami pupunta don. Pumasok kami sa loob nakita ko don si Nash a.k.a ASOngut. May kasamang babae nakikipag harutan. Aba chick boy rin pala ang isa to. At nasa chair ko pa!. "Ah, excuse me, Miss ako po ang naka upo dyan." Syempre dapat magalang muna. Napa lingon ito sakin tinaasan nya pa ako ng kilay, problema nito!. "Humanap kana lang muna ang chair mo, dimo ba nakikita nag uusap kami ng bebe ko." Napa kagat labi nalang ako, hindi dahil sa hiya kundi dahil sa inis. Pero sa mabait ako pag bigyan natin, why not diba nakakahiya namang saka nila na nag uusap. Humanap nalang ako ng ibang upoan, tumabi ako kay Liam. Tahimik lang naman itong nag papatugtog hindi ko nalang ginambala, hyss maka tulog na nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD