Vivian Pov... Nagising akong masakit ang aking ulo. Kinusot ko ang aking mata bago iminulat. Tumingin ako sa aking paligid, nanlaki ang aking mata na mapagtanto kong sarili kong kwarto ang aking kinahihigaan ngayon. Napabalikwas ako ng bangon at nahulog sa kama. Nakaramdam ako ng kirot sa aking kamay. Sinipat ko ito ng tingin at nakita kong may benda ito. Pumikit ako at naalala lahat ang nangyari. Umiiyak akong sumiksik sa tabi ng aking tokador, Greg! Bakit mo ako iniwanan? Sabi ko sa'yo ipaglaban mo ako! Bakit hindi ka lumaban sa kanila. Pagtangis kong pagmamaktol sa sulok. Bumukas ang pintuan ng aking silid. Hindi ko kailangang tignan kung sino ang pumasok, hindi ko kailangan malaman kung sino. Tanging si Greg lang ang gusto kung makita. "Valleria." Tawag s akin ng taong pumasok. Daha

