** Nakarating kay Don Lucio ang pagreresign ni Valeria sa kanyang posisyon ** Third Person Pov... Nagkukumahog pababa sa hagdanan si Lucio sa pagtawag sakanyang maybahay para hanapin si avaleria. Nakatanggap kasi siya ng tawag sa opisina ni avaleria na mayroong resignation sakanyang mesa at hindi sinabi kung saan siya pupunta. Halos atakihin si Lucio sa galit sa pagkawalang muli ni Valeria. Sinubukan niya ring tawagan si Prince Abdul pero hindi ito makontak. "Bwisit! Nasaan na ba kayo kung kailan kailangan ko kayo!" Galit niyang sambit bago inihagis ang kanyang telepono. "Divina nag - usap ba kayo ni Valeria?" Kanyang tulirong tanong sakanyang asawa. "Hindi! Wala naman siyang sinabi sa akin. Bakit? Anu ba ang nangyayari?" Tanong naman ni Divina dahil hindi niya alam kung bakit galit

