Vivian Pov... Nanginig ang buo kung katawan pagkakitang muli kay Greg. Alam kong siya si Greg. Naging asawa ko siya ng ilang buwan kaya nasisigurado kong siya ang asawa ko pero bakit hindi niya ako kilala? Xavier Clemente! Sino siya? Anim na taon lang ako nawala dito sa lugar na ito pero hindi ko alam na may kamukha si Greg na isang mayaman at maraming ari - arian. Hindi ako nakaattend sa dinner meeting kagabi. Nanghina ang aking katawan na para akong magkakasakit. Gulong gulo ang isip ko ngayon. What happened that day? NATINAG ako sa aking malalim na pag - iisip sa pagtawag ni Aling Gloria. "Mam Valeria kailangan niyo na pong gumayak. Thirty minutes nalang po ang natitirang oras niyo para sa unang araw ng conference." Napabuntong - hininga akong tumayo at nag - ayos sa aking sarili.

