The rose is red and the sky is blue.
Papunta kami ngayon sa sinasabi ni Reign na langit.
Allen : Hey, Reign tungkol sa sinasabi mong langit san yun?
Reign : Sa langit, di mo ba alam yung langit? Sa lugar kung saan puno ng paraiso. Wala kang kaalam alam sa mundo men.
Allen : Ahhh okay
Nag okay ako kahit na hindi ko alam yung sinasabi niya, siguro nagtataka kayo kung anong nangyare bakit nag iba nanaman ang ugali niya.
Well... Ganto yan. Bali tatalon na siya non hanggang sa...
Chelsea : Marites wag kang tatalon marami kapang pinag kakautangan.
Bea : Hindi Marites ang pangalan niyan si bes yan iba lang itsura niyan pero si Reign parin yan.
Reign : Bea tinawag kitang kaibigan pero niloko moko, niloko mo kong pangit ka. Chelsea : Allen pigilan mo nga yun!
Chelsea : ahmmm Allen. Hello???
Bea : Wala dito si Allen umakyat din ata siya sa 4th floor.
Allen : Reign wag ka tatalon
Reign : Pero niloko moko Allen at handa akong isakripisyo ang buhay ko para lang mawala lahat ng sakit pero sinusumpa ko hindi ka na muling makakahanap ng pag ibig.
Allen : Hawakan mo ang mga kamay ko, di ba mahal mo ko? di ba crush mo din ako? So dapat bigyan mo pa ko ng pangalawang pagkakataon.
Allen : Please Reign Trust me, I only need you to trust me once again
At hinawakan nga ni Reign ang mga kamay ko pero alam kong hindi ko pa rin siya mapipigilan kahit na ano pang gawin ko kaya nag desisyon ako na gawin ito dahil ito lang ang tanging paraan kaya...
(nagulat ang lahat ng nanunuod kasama na ang mga manliligaw ni Reign sa ginawa ni Allen)
Hinila ko siya papunta sa akin at hinalikan. Nung ginawa ko to nag simula nanamang tumigil ang mundo naming dalawa na parang nasa isang pelikula kami sa loob ng isang daang segundo(100 seconds)
Reign : Eww Dude kadiri ka, pero kahit na ganon pakakasalan parin kita kahit na para kang bakla kumilos.
Pagkatapos ay nagsimula nanamang mag iba ang ugali niya para na siyang isang babae na lalaki o sabihin na nating tomboy eh mas lalaki pa siya sakin eh.
Ituloy na natin ang storya, kami ngayon ay papunta sa sinasabi niyang langit at hindi ko alam kung saan yon hanggang sa makarating kami sa...
Reign : oh nandito na tayo sa Heavens Paradise Motel
tama kayo ng pagkakarinig napunta kami sa isang Motel
Allen : At anong ginagawa natin dito?
Reign : Syempre magpapahinga sa langit
Allen : puro ka langit kaylangan nating mag aral.
Reign : Oo mag aaral din tayo tara nadun sa kwarto nakahanda nayun para sa tin.
Allen : sige sige sabi moyan ah, mag aaral tayo.
Reign : Oo mag aaral tayong dalawa dudes. hehe
Nasa loob na kami ng isang napaka romantikong kwarto na puno ng mga kandila
Allen : Bat andaming kandila? Diba mag aaral tayo?
Reign : Oo mag aaral tayo kaya mag hubad kana
Allen : Ha?? Bat ako maghuhubad?
Reign : Basta maghubad ka nalang
Hindi ko alam ang nangyayari kaya naghubad nalang ako
Allen : Tapos?
Reign : Dumapa kana dyan sa kama
Allen : Ano??
Reign : Basta gawin mo nalang pang pa refresh din to
Wala nakong nagawa kung di dumapa sa kama at biglang
Allen : Oyy bat mo ko nilalagyan ng oil
Reign : Massage oil to kaya tumahimik ka dyan baka matapon pa
Allen : Kala ko ba mag aaral tayo?
Reign : Oo mag aaral tayo
Humarap nako sa kanya at hindi nako nakadapa
Allen : Okay im out kaylangan na natin mag aral
Reign : Oo mag aaral tayo simula ulo...
Dinikit niya ang daliri niya sa ulo ko...
Reign : Papunta sa labi...
Sinunod niya itong idikit sa mga labi ko...
Reign : Daretso sa dibdib...
Hinimas niya ang dibdib ko...
Reign : Woahh Dude may abs ka pala? sexy naman pala eh
Nag blush ako at pulang pula ang muka ko...
Reign : Wag kang gagawa ng ingay ahh...
Allen : Ha??
Reign : Shhhhhh
Lick...lick...
At ayun dinilian niya yung abs ko...
Diko alam kung saan papunta to pero hindi ko mpigilan ang sarili ko dahil sobrang dulas ng katawan ko pati ng dila niya....
hanggang sa...
Ding... dong...
May nag doorbell sa kwarto namin. Awts gegeh.
Allen : May tao sa labas. Pano na gagawin natin?
Reign : Ako na titingin baka room service lang yun
Binuksan ni Reign ang pinto at biglang...
Bea : Ohh Reign sabi kona nga ba...
Chelsea : Owwwww!!! myyyyy!!! gOSHHHHH!!!!
Chelsea : si Allen bayan???
Nahuli ako ni Chelsea na naka boxer shorts lang sa likod. As in walang kahit anong suot kundi ang underwear ko.
Allen : Oyy!! HAHA Chelsea at Bea nandito pala kayo
Nauuutal ako sa pagsasalita dahil hindi ako makapaniwala na sila pala yun at hindi kona alam ang sasabihin ko sa kanila
Bea : Ahmmm... Anong ginagawa nyo dito?
Reign : Ano paba? Edi nag aaral! Duhhh.
Chelsea : Nag aaral sa Heavens Paradise Motel???
Bea : At naka hubad lang kayong dalawa?
Chelsea : Lalo kana Reign ang wild ng suot mo. Naka Cheeta print pa.
Bea : Rawr!!!
Reign : Kalma lang kayo girls. Wala kaming ginagawang masama
Reign : Ang dapat na tanong ko, Bat kayo nandito? Sinundan nyo kami noh?!
Bea : Well kami lang naman yung kagrupo nyo sa group project natin
Chelsea : At tatlong oras na kaming nag aantay sa inyo tas nandito lang pala kayo?
Reign : At pano niyo naman nalaman na nandito kami? sino nag ssabi sa inyo?
Bea : Ganto kasi yan ehh
Flashback...
Bea : Abby nakita mo ba yung kuya mo?
Abby : Oo, kasama niya si ate Reign pupunta daw silang langit, malamang gagawa nayun ng pamangkin ko.
Bea : Ha? saang langit?
Abby : Papunta doon eh baka sa langit talaga sila pupunta dun sa may Heavens Paradise Motel
Bea : Ahh sige sige salamat
Abby : Pakisabi nalang sa kanila ang gusto kong pangalan ng anak nila ay Abegail para katunog ng pangalan ko.
Bea : HAAHAHHA sige sige ingat.
Present time...
Reign : Eyyy, Ang cool talaga ng kapatid mo Allen eh noh?
Allen : AHHAHHAHA ang cute ng kapatid ko, haha
Humanda talaga sakin yang cute na batang iyan eh
Reign : Okay, kalimutan na natin ang lahat, tutal nandito narin naman tayong lahat dito na tayo gumawa ng group project
Chelsea : Sige sige, good idea bilan mo narin kami ng meryenda bes
Reign: sige, ano bang gusto nyo?
Bea : McFries saka isang Mcsundae akin
Chelsea : Kahit ano na yung akin
Reign : sige sige alis nako ihanda nyo na yung gagawin natin
Bea : Sige, ingat ka bes
Umalis na si Reign at pagkaalis niya...
Chelsea : Oyy ikaw lalaki ka
Hinawakan ako nilang dalawa
Allen : Wait lang magbibihis muna ako, sasabihin ko ang lahat sa inyo.
Tapos nakong magbihis ...
Bea : At ngayon simulan natin sa unang tanong, anong nangyayari sa inyong dalawa ni Reign?
Allen : Ganto kasi yan....]
kinwento ko ang buong storya sa kanila
Allen : ... At ayun sa tuwing hahalikan ko si Reign nag iiba yung ugali niya parang nag iiba lahat sa kanya
Chelsea : So sinasabi mong nababaliw na yung Bestfriend namin??
Allen : Hindi hindi, gusto ko lang sabihin na may nangyayaring kakaiba ka niya.
Chelsea : Bea bes, ano sa tingin mo ang nangyayari?
Bea : Parang napanuod ko na to sa mga movie eh. So sabi mo sa tuwing hahalikan mo siya nagbabago ang ugali niya tapos tumitigil ang mundo nyong dalawa for one hundred seconds?
Allen : Oum
Chelsea : O...M..G.. what if kaylangan nyo mag kiss ng one hundred times para bumalik siya sa dati?
Bea : Oo may point ka bes, kasi tumitigil ang mundo niya for one hundred seconds eh so kaylangan niyang maka one hundred na iba ibang ugali hanggang makabalik siya sa tunay na siya.
Allen : So pano na ang gagawin natin?
Chelsea : Kaylangan mo siyang halikan ng one hundred na beses
Allen : Ha?? pero?
Chelsea : wala ng pero pero kaylangan mo na tong gawin para sa kaibigan namin
Bea : saka ayaw moyun meron kang "Kiss with benefits"
Allen : Pero nag iiba ang ugali niya sa tuwing hahalikan ko siya. Pano kung hindi ko na siya mahalikan? pano kung pumalpak ang plano natin?
Chelsea : Wag ka mag alala hindi papalpak yun. Nandito kaming dalawa para tulungan ka.
Bea : Don't you worry boy.
Nagsimula na kaming magplano kung ano ano ang mga gagawin namin para maibalik nanamin si Reign sa tunay na siya...
Chelsea : So ganto gagawin natin. First Ilang kiss na ang nagawa nyo ni Reign?
Allen : Bali ganster, crybaby, pa sweet , horror at ngayon tomboy bali Lima na
Bea : Lima na ??!! grabec ka masyado kang abuso sa bestfriend namin
Allen : Hindi ko naman sinasadya ang ilan sa mga yun yung iba dun siya yung may gawa
Bea : Kahit na wag kaparin dapat umabuso
Chelsea : Okay tama na ang away, wala tayong mapapala diyan saka kaylangan niya namang halikan ng one hundred na beses si Bes Reign kaya magandang pasimula nayun.
Allen : So pano na ang gagawin naatin sa tomboy na ugali niya
Bea : Hindi naman yun papayag na halikan, Aha! I have a great Idea...
Si Reign ay nakabalik na dala ang mga meryenda na binili niya...
Ding...dong...
Reign : Hello... ayy nakabukas na pala yung pinto, ano kayang ginagawa ng mga Dude na to?
Hinawakan no Bea at Chelsea ang mga kamay ni Reign
Chelsea : Gawin mo na Allen.
At Hinalikan ko si Reign ng hinalikan pero naka lima lang ako haysss
Reign : Tulong... tulong... hina harass nila ako. Ang Pretty Beautiful Gorgeous like me!!!
Nagtransform ang ugali niya bilang isang maarte at nakakairita na babae
Bea : Allen halikan mo pa.
Allen : Masyadong malikot hindi ko siya mahalikan, hawakan nyo kasi siya ng mabuti
Chelsea : Argghhhh
(Sound effect : Booom , skaboom!!)
Biglang may pumasok na dalawang dambuhalang lalaki naka kulay black na suit
Sam : Good job Ma Buttlers!
Reign : Sam!!! buti dumating ka, hinaharass nila ang Pretty sexy me.
At may dumating na isang kontrabida sa istorya namin, siya nga pala si Sam isa sa mga manliligaw ni Reign.Si Sam ay isang Mayaman na spoiled brat,binabayaran ang teacher para sa grade at puro retoke ang muka kaya sobrang gwapo siya tuloy yung isa sa apat na sumikat sa buong school namin. Oo apat sila para silang F4 na nag kakagusto sa iisang babae. Okay ituloy nanatin ang kwento.
Chelsea : O M G si Sammmmmyyyy, Oh my sam.
Bea : Bitawan na natin si Bes Reign dahil nandito ang lalaki na pinakabagay sa kanya
Chelsea : Nasa langit na ba ako Bes?
Bea : Oo bes nasa Heavens Paradise Motel tayoooo
Sam : Tara na Ma future wife, sumakay kana sakin este sa Lamborghini ko.
Reign : Wait lang... pano yung friends ko?
Sam : Diba inaaway ka niyang mga yan?
Reign : Joke lang yun pero kahit na ganun mga kaibigan ko parin yan
Sam : Sige isama na natin yang mga Yaya at Driver mo.
Chelsea : Whattt????
Bea : For your information, kahit na binayaran mo pa lahat ng teacher sa school hindi mo parin ako napabagsak sa pagiging Top1 boy na mayaman pero basura ang ugali!
Sam : Ohh I like your attitude sumama kana samin my future mistress
Bea : Okay Let's go!
Chelsea : Grabe ang pogi niyaAAAAA
Allen : Wait what?? Tskkk
Sumakay kami sa isang Fake Lamborghini ni Sam
Reign : Gusto ko pumunta tayo sa may Ayala Malls yung puro mayaman lang nag sashopping
Sam : Sige Ma future Pretty wife kahit ano para sayo
Naaasar ako kasi kaylangan pa may pahawak sa may baba??
Chelsea : Ang sweet nila sana may ganyan din ako
Bea : Mapapa sanaols ka nalang talaga
Naka rating na kami sa wakas sa halos isang oras na paglalampungan ng dalawa sa harap ng dalawang mga mata ko.
Reign : Tara na mga pretty humans! ano pang hinihintay nyo? marami pa tayong kaylangang bilhin na mga Beautiful things and Gorgeous gifts.
Sam : Tara na! Mga buttlers ihanda nyo ang mga kamay nyo sa napakadaming bibitbitin na mga pinamili ng future wife ko.
Allen : Tsskk, mayaman kalang puro retoke pa muka mo
Chelsea : Yiee si Allen nagseselos
Bea : Don't worry Allen hindi na natin itutuloy yung plano natin
Allen : HA?? Bakit?
Chelsea : Nandyan na ang tamang lalaki para sa kanya
Bea : Gwapo na mayaman pa oh diba
Allen : Ano? Ipagkakalulo nyo yung kaibigan niyo dahil lang sa luho niyo?
Chelsea : Hindi naman sa ganun, itutuloy parin natin ang plano pag pinagsawaan na siya ni Sam kasi mabilis lang yang magsawa yang lalaking yan
Bea : Yeah right, gusto parin namin maibalik sa dati yung Bes Reign namin.
Allen : Sige sabi nyo yan ahh, tara sundan na natin sila mukang andami na nilang nabibili oh
Nag simula na kaming lahat na mamili ng kahit ano na gusto namin dahil ililibre lahat samin ito ng manliligaw ni Reign na si Sam.
Sobrang dami ng nabili ni Reign at sobrang dami narin ng bitbit ng dalawang buttler at lahat kami may hawak na pinamili hanggang sa...
Reign : ohh my may concert dun sa baba tignan natin
Allen : Reign dahan dahan lang madulas diyan! yung mga pinamili mo!
Nadulas si Reign at napunta siya napunta siya dun sa may pinakagilid kung saan malapit na siyang mahulog kaya binitawan ko lahat ng hawak ko at tinulungan siya ni Sam na walang bitbit na kahit ano, malapit na sanag maiakyat si Reign kaso hindi na kaya ni Sam masyadong mabigat ito dahil sa mga bitbit ni Reign na ayaw pa nitong bitawan.
Reign : Tulong!!!!! tulong!! pls help me!
Sam : Don't you worry Ma future pretty beautiful gorgeous wife
Reign : Oh thank youu
Sam : I can't hold you anymore! AHHHH!
Reign : Noo! Noo! Noooooo!
Ang pinaka malalang pangyayari ay dahil sa bigat ay unti unting nagsisilabasan ang mga tahi ni Sam na dahil sa kanyang mga pinaretoke. Wala na siyang nagawa kundi ang bitawan si Reign.
Reign : No
Allen : Reign, hawakan mo ang kamay ko!
Muntikan na siyang mahulog pero buti mabilis kong nahawakan ang kamay niya pero...
Allen : Reign hindi kita kaya, Kaylangan mong bitawan lahat ng gamit mo para maiangat kita pataas.
Reign : Pero nandito lahat ng Gorgeous things ko, my lewi...
Allen : Reign!!! Learn to let go! you only need to let go. Trust me Reign, Trust me. Sobrang daming beses mo na akong pinagkatiwalaan kaylangan mo nalang akong pagkatiwalaan ulet.
Reign : Okay pretty boy I will trust you again
Binitawan ni Reign lahat ng bitbit niya at nahulog ito sa lahat ng mga taong nanonood ng concert sa first floor at naiangat ko si Reing pagkatapos ay...
Reign : Ohh my knight and shining armor
Allen : Okay Reign! wag mo na ulet gagawin yun ah, naasar nako sayo, palagi mo nalang ako pinag aalala, lagi mo nalang ako na...
Reign : Shhhh. Your too loud
Pinatahimik ako ni Reign at...
Reign : I ... Love .. You .. Allen.
Hinalikan ako ni Reign.
Allen : I will always love you too Reign
At hinalikan ko din siya pabalik, tumigil ang mundo naming dalawa for one hundred seconds. Maraming nakatingin, si Chelsea
Chelsea : Ahhhh ang sweet, sana may ganyan din akooo
Si Bea...
Bea : Yan! ang tunay na love sana may ganyan din ako
at ang lahat ng tao na nanonood ng concert pati nakakuha ng mga pinamili ni Reign ay nagsisigawan, naghihiyawan, nagpapalakpakan, nagpipicture at nag vivideo.
Sa oras at ang oras nayon ay dumagdag sa istorya naming dalawa kung saan nagsimula ng sumikat ang tungkol sa amin ang mga sinasabi naming sikreto ay kumakalat na kung saan saan, nakagawa nanaman kami ng memories na hinding hindi namin malilimutan
At tatawagin ko tong memories na ito na Heaven kasi kani kanina lang nasa Heavens Paradise Motel kami ngayon nasa totoong heaven na kami, tama nga si Reign Dinala niya ko sa langit, ang saya kasi tinupad niya yung pangako niya sakin na dadalhin niya ko sa langit.
Meanwhile...
TV : Balitang balita ang dalawang ito na sikat na sikat na ngayon dahil sa pagpapaagaw ng mga pinamili nila para maligtas ang mahal niya, eto ay nagpapakita lamang na ang Love ay totoo and it is called true love.
Abby : Ohhhh yesss mag kaka pamangkin nako na bibigyan ko ng pamasko bawat pasko.
Papa : Yesss! mag kaka apo nako, sana lalaki yan.
Mama : Biruin mo yon umabot na hanggang TV silang dalawa, aba'y malupet pero sana babae ang maging apo ko.
Abby : Basta ang gusto kong pangalan ng pamangkin ko ay Abegail, Abegail E. Perez. ohh yes.
Sam : Hindi! hindi! mga buttler dalin nyoko sa ospital dali, dalian nyo! nagsisilabasan na yung mga dugo ayaw ko pa mamatay.
Nakatingin ang mga buttler sa amin at umiiyak..
Sam : Ano pang iniiyak niyo diyan tumawag na kayo ng ambulance!!
Buttler 1 : Sorry Boss, paparating na daw yung ambulance.
Buttler 2 : Anong gagawin natin dito boss sa mga pinamili mo?
Sam : Hayaan nyo nayan, iwan nyo nayan dyan, kita nyo namang dumudugo nako oh.
Dumating ang ambulance....
Buttler 1 : tara na boss.
Sam : buhatin nyoko! buhatin nyoko!!
Pagkatapos ay natapos na ang one hundred seconds na nakatigil ang mundo naming dalawa ni Reign.
Nag simula si Reign tumawa ng napakalakas, ito ay sign na nagbago nanaman ng ugali si Reign at ngayon ay ugaling masiyahin na ang meron siya at wala nakong nagawa kundi ang makisabay na lang din sa kanya.
Reign : HAHAHAHAHA I love you
Reign : HAHAHAHAHA crush moko
Allen : AHAHHAHAHA
" Baliw ka nga talaga C.R.U.S.H."