Chapter 2:

2176 Words
Mavie's P.O.V Naglalakad nako pauwi ng bahay. Oo naglalakad lang ako, di ko feel sumakay ng jeep ngayon. Iniisip ko padin yung nangyari kanina sa cr. Pagdating ko sa bahay sakto namang magdidinner na at nakita ako ni mama. "Oh Mavie, bat ngayon ka lang? Bat di ka sumabay sa kapatid mo umuwi tas bat ang dumi ng uniform mo anak?" Ngumiwi lang ako at sasagot na sana pero nagsalita si Marie. "Hay naku mommy, natulog kasi yan sa klase nila. Kaya siguro ginabi ng uwi dahil pinatawag pa yan sa office ni ma'am Altubar." HALA! PUTEK! NAKALIMUTAN KO YUNG PAGPUNTA KO SA OFFICE NI MA'AM ALTUBAR LAGOT AKO NETO! Napakamot lang ako ng ulo ko at napakagat sa kuko ko. Shiiiit! Sa lahat ng pwedeng makalimutan bat yung pagpunta pa sa office ni ma'am altubar. "Ahehe, magbibihis po muna ako mommy." "Oh siya, bilisan mo. It's time for dinner." "Opo my." Hinampas hampas ko yung ulo habang papasok sa kwarto ko. Dumapa ako sa kama ko at sumigaw sa unan, nang may pumasok sa kwarto. Napalingon naman ako, si Marie lang pala. "Oh? Akala ko ba magbibihis ka? Bat nakadapa ka jan?" Nagdekwatro ako ng upo saka nakatingin lang sa kamay ko na kung ano anong ginagawa. "Oh? Bat di moko sinasagot? May problema kaba?" Tiningnan ko lang si Marie saka umiling. "Wala Rie. Ano lang kasi ano, uhm" 'naiinggit ako sayo at sa mga abilities mo.' Yan sana sasabihin ko pero pinili ko nalang na tumahimik baka ano pa isipin ni Marie. "Ano?" Tiningnan ko ulit siya saka bumuntong hininga at pumikit. "Nakalimutan ko pumunta sa office ni ma'am Altubar kanina." Sabi ko at naghahanda sa sermon niya in 3.. 2.. 1.. "ANO?! My gosh Mavie! Sa lahat ng pwede mo makalimutan bat yun pa? You'll be in a really big trouble tomorrow. Baka ipatawag sila mama. Naku naman." Hindi ako sumagot at tumayo na para makapagbihis. Hinubad ko na ang uniform ko at nilagay sa laundry basket. Saka nagsuot ng pajama at loose tshirt. "Teka, kung di ka pumunta sa office. Bat ka ginabi? Wag mo sabihing may boyfriend kana Mavie." Nilingon ko siya at nilapitan saka pinitik ang noo niya. "Wala. Naglakad lang ako pauwi kaya ako ginabi." Sabi ko sakanya. Magsasalita pa sana siya nang tawagin na kami ni mommy for dinner. Kaya lumabas na kami at pumunta sa dining table. Wala akong imik habang kumakain. Iniisip ko padin kasi yung sinabi sakin ni Kathleen. Alam kong di dapat ako magpaapekto sa sinabi niya pero di ko maiwasan mag overthink dahil tama naman talaga siya, di ako mapapansin ng ibang students kung di dahil kay Marie. "Mavie" I am a loser. "Mavie" Bobo na nga, malas pa. Haaays. "MAVIE!" Nagulat ako sa pag sigaw ni mommy. "Po?" "Nakikinig kaba sa sinasabi namin nak?" Ngumiti lang ako saka sumagot. "Ehe, ano nga po ulit yun my?" Napahilod naman ng sentido niya si daddy. Eh bat ba, eh sa di ko narinig eh. "Sabi ng mommy mo. Simula next week, e hohome schooled kana namin." Napatigil ako sa pagkain ng marinig ko yun galing kay daddy. "Ano? Pero bakit?" Tanong ko sakanila. "We just thought na baka mag improve ka kung sakaling ikaw lang ang pagtutuunan ng pansin ng teacher mo." Napakunot noo ako sa sinabi ni mommy. Nasaktan ako dun. Napatingin ako kay Marie to ask for help. Pero imbes na mag disagree siya ay sinabihan niya lang ako ng "I think mommy and daddy are right Mav. Hindi ka kasi nag iimprove sa klase mo. You always fail in class. Kaya mas mabuti nga sigurong e home schooled ka." Na shock ako sa sinabi ni Marie. Tumayo ako saka nagsalita. "Hindi ako makapaniwala sa inyo. Alam kong hindi ako matalino tulad ni Marie. Hindi ako magaling tulad mo Rie. Pero wag niyo naman sana ipamukha sakin yun!" Saka ako umalis papunta sa kwarto ko. "Mav--" Bago pa man matapos ni mommy ang sasabihin niya at pinagsarhan ko na sila ng pinto at dun nako umiyak. Mas lalo tuloy ako nanliit sa sarili ko. Magkamukha nga kami ni Marie pero kung di lang dahil sa appearance namin walang maniniwala na magkapatid kami. Nakarinig ako ng katok pero di ko sinagot. Ilang beses sila kumatok sa kwarto ko. "Leave me alone!" Di ko gustong sigawan sila pero nasasaktan talaga ako. Pumunta nako sa kama ko at hihiga na sana nung napansin kong medyo nakabukas yung bag ko. Nagtaka ako kasi di ko naman ginalaw ang bag ko. Nanlaki ang mata ko ng marealize ko na baka nanakawan ako sa paglalakad ko kanina. s**t, yung wallet ko. Dali dali kong binuksan ang bag ko at chineck kung andito pa, napahinga naman ako ng maluwag ng makita kong nandito pa naman. Pero may nakaagaw ng pansin ko. Isang silver envelope. Kinuha ko naman ito. Teka, logo ng school to ahh. May nakasulat sa taas ng envelope. 'CONGRATULATIONS' Congratulations? Nanlaki ang mata ko nang marealize ko kung ano ito. Ito ata yung sinasabi nilang silver envelope para sa mga studyanteng napili ng unordinary section. Bobo ako pero di ako slow kaya nagets ko agad. Wag kayo. Don't me. Pero nagtataka ako, bat meron ako neto? Napili bako? Pero imposible naman ata yun dahil di ako matalino. Or baka naman para talaga kay Marie to namali lang ng lagay dahil magkamukha kami. Like hello? Twins? Ganun paman ay binuksan ko ang envelope. Sa loob ng envelope ay may nakatuping silver na papel. Makapal siya. At isang pin, ang itsura ng pin ay kulay silver din, logo ng school at may nakalagay na Y Academy. Sa buong school malalaman mong belong ang isang studyante sa Unordinary section pag may ganitong pin na makikita sa uniform mo. Binuksan ko yung nakatuping papel at mukhang di nga nagkamali ang naglagay neto sa bag ko. 'WELCOME TO UNORDINARY SECTION MS. MAVIE L. DEL FUEGO' Nanlaki ang mata ko dahil sa nabasa ko. Pano nangyari yun? Nalilito ako. Hays, pano? Nilagay ko na ulit ang pin at papel sa envelope at binalik sa bag ko saka ako humiga sa kama ko. Bukas ko na iisipin yun. Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog na. *AY, AY, AY, I'M YOUR LITTLE BUTTERFLY* Inabot ko ang cellphone ko para patayin ang alarm ko. Oo nag alarm ako. Saka oo, yung ringtone ng laruang cellphone noon ang alarm tone ko. Paki niyo ba eh sa bet ko yang alarm tone nayan. Tumayo na ako at kinuha ang towel ko saka lumabas. Pagbukas ko ng pinto akmang kakatok na sana si Marie pero nagulat siya ng lumabas ako. "You're early." Tumango lang ako sakanya saka dumeretso sa banyo at naligo. Pagkatapos ko maligo eh lumabas nako ng banyo. Nagluluto si mommy ng agahan namin ng napansin kong di naayos paglagay ni mommy ang lalagyan ng asin sa cupboard. Mukhang mahuhulog na ito sa ulo ni mama and made of glass yun kaya delikado pag nahulog yun sa ulo ni mommy. "MOMMY!" Kagaya kahapon sa soccer field, mabilis pa sa kidlat akong gumalaw para mahawi si mommy at maiwas sa disgrasya. "Jusko." Yan lang ang nasabi ni mommy dahil di lang ang lalagyan ng asin ang nahulog kundi pati kutsilyo. Pano napunta dun ang kutsilyo? "Anong nangyari dito?" Tanong naman ni daddy ng marinig ang ingay. "Nahulog yung lalagyan ng asin at kutsilyo dad, muntik na tamaan si mommy." Lumapit naman si daddy samin at chinecheck kung may sugat ba kami. Nang makita niyang wala naman ay napahinga sa ng maluwag. Tiningnan ako ni mommy na may pagtataka. "Pano mo nagawa yun? I mean ang bilis ng galaw mo, mabilis pa sa kidlat." Kahit sarili ko di ko masagot ang tanong nayan. "Adrenaline rush lang siguro my." Sabi ko nalang saka pumasok na sa kwarto ko at nagsuot na ng uniform ko. Kinuha ko na yung bag ko at saka lumabas na para makapagbreakfast. Kompleto na sila sa dining. Ako nalang kulang. Habang kumakain kami ay hindi parin ako umiimik. "Mavie anak, I know it's hard for you pero para sayo din naman tong ginagawa namin." Sabi ni mommy sakin. Ayaw ko pa sana ipaalam sakanila pero mukhang ang envelope lang ang pinakamabisang paraan na naiisip ko for now. Tumigil ako sa pagkain at kinuha ang envelope sa bag ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Marie. Alam niya siguro kung ano ito. "The silver envelope. Is that what I think it is?" "Oo Rie. Mommy, daddy. Sana mapabago neto ang isip niyo." Saka ko binigay sakanila ang envelope. Binuksan naman ito ni daddy. "Unordinary section?" "Opo dad. Napili ako." "Ano to?" Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Marie. "It's the highest section in Y Academy dad. Mavie got chosen." Pagkasabi ni Marie nun ay parang di sila makapaniwala. I mean, di ko sila masisisi dahil di ako matalino. "How?" Tanong ni mommy. "Hindi ko din alam mom." Honest kong sagot. "Kung napili si Mavie sa Unordinary Section. That means may nakita silang potential kay Mavie. That's so great!" Sabi ni Marie saka niyakap ako. Napangiti naman ako sa pagyakap ni Marie. Nakakagaan ng loob. "Nakakuha ka din ba ng envelope Marie?" Tanong ni daddy kay Marie saka binalik sakin ang silver envelope. Umiling lang si Marie bilang sagot. Kaya nagtaka ako. Technical error ba to? "Hmm." Sabi ni daddy. He's a detective kaya ganyan reaction niya. "My? Dy? Pwedeng wag niyo na ako e home schooled please?" Sabi ko. Kahit ayaw na ayaw ko sa school nayun, ayaw ko padin mag home schooled mas lalo lang akong aasarin. Nagkatinginan si mommy at daddy saka nagsalita si daddy. "Well, kung totoo ang sinabi ni Marie na may nakita silang potential sayo. Then okay, di kana namin e hohome schooled. E cacancel namin ang nakuha naming teacher." Napangiti ako sa sinabi ni daddy saka tumayo at niyakap sila at hinalikan sila sa pisngi. "Thank you my, dy." Sunod ko namang niyakap si Marie. After a few minutes, chour english ulit. Umalis na kami papuntang school. Pagdating namin saktong may nagsalita sa intercom. "Calling all attention to the new selected Unordinary students. Please go to the first room of the third floor on the right wing." Napatingin naman ako kay Marie. Ngitian niya naman ako. "Go miss Unordinary." Sabi niya sakin, niyakap ko siya ng mahigpit saka pumunta na sa first room ng left wing. Pagdating ko dun, pamilyar sakin halos lahat ng tao dun. Siguro dahil sa most sakanila ay mga popular star ng school. Konti lang ang hindi ko kabisado. Kung bibilangin nasa mga 11 students kami. At kung sineswerte nga naman ako. Nandito din si Kathleen. Nagkatinginan kami at nagulat siya dahil nandito ako. Lol, mas nagulat ako na nandito siya dahil super cliché at bobo niya kaya. Bobo din ako pero di aabot sa level niya. Siya kaya pinakabobo sa last section. Hahanap na sana ako ng mauupuan ng may bumangga sakin sa likod. Napalingon naman ako. "Sorry-- wait, it's you again. Mukhang pinagtatagpo tayo ng tadhana ahh." Si transferee pala. "Haha lol." Sagot ko sakanya. "May upuan kana?" Umiling lang ako bilang sagot. "Tara tabi tayo." "Ahh sige." Pakiramdam ko may nakatingin sakin ng matalim kaya hinanap ko yun at si Kathleen. Mukhang sasabog na siya sa inis haha. Ginawa ko? Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis sanhi ng lalo pa niyang pagkainis. Umupo na kami ni transferee sa middle row. Kada row ay may tigdadalawang upuan mula sa harap hanggang sa likod. Nasa second row kami sa middle habang si Kathleen naman nasa harap sa third row. "I'm Yohann Tokoshi by the way." Nilahad niya ang kamay niya. This time di na para sa bola haha. Tinanggap ko naman. "Ako naman si Mavie Del Fuego." Nagshake hands kami. Nakaramdam ulit ako ng nakakamatay na tingin. At alam kong si Kathleen yun kaya tiningnan ko siya at tama nga ako. Tinuro niya ko saka giniya ang daliri niya sa leeg niya na parang sinasabing 'patay ka sakin.' Lol, as if matatakot ako sakanya. Tinaasan ko lang siya ng kilay saka nag smirk at umiwas ng tingin. Kung b***h siya, ma atittude ako. Nag loloko ata ilaw ng room dahil patay sindi ito. Naalala ko sabi nitong katabi ko na Yohann Tokoshi name niya. "Yohann, japanese ka?" Ngumiti siya saka sumagot. "Hai! I'm japanese. Pero 10 years nako dito sa Philippines kaya fluent na ako magtagalog." Ang cool, may japanese friend na ako. "Uy paturo ng japanese minsan ahh." Lakas ng loob magpaturo eh di naman pumapasok sa utak ko hahahaha. "Mochiron!" 'Uh ano daw?' "I said , sure, why not." Ahh yun pala yun. Wait nababasa niya isip ko? Pangalawang beses nato ahh. Tiningnan niya lang ako saka ngumiti. Magtatanong pa sana ako pero dumating na ang teacher ata namin. At jusko, si ma'am Altubar huhu. May atraso pa ako sakanya. "Good morning unordinary students. Siguro ang ilan sa inyo ay nagtataka kung bakit napili kayo." Sobra akong nagtataka. "Today, you will know why you are chosen. You are extraordinary students." Ano daw? Extraordinary? -End of chapter 2-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD