Ikalawang Kabanata : The Primordial goddess of Night

2233 Words
"Pasensya na Roxanne pero ito lang ang pwede kong ipagamit sa'yo sa ngayon." Malungkot na wika ni Thena pagkabukas niya sa pinto ng luma at abandonadong apartment na inaalok niya sa akin. Na una na siyang pumasok sa loob at sumunod naman ako dala ang isang bag na punong-puno ng mga damit at gamit na napundar ko noon'g nagtra-trabaho ako sa brothel. "Five hundred lang ang renta kada buwan pero hindi pa kasama roon yun'g tubig at kuryente." Pagpapatuloy nito bago lumapit sa isang gilid upang isindi ang switch. Nang lumiwanag ang kabuuan ng maliit na bahay au tumambad sa akin ang luma, makalat at mabahong apartment. Nalukot ang mukha ko sa pandidiri lalo na ng makitang meroon ng lumot ang ibang parte ng pader nito. Parang hindi naman na bahay ang apartment na ito… "Pwede niyong gamitin yun'g Electric fan, tv atsaka kutson pero bawal yun'g ref. Kung gusto mong gamitin yun'g ref ay kailangan mong magbayad ng singkwenta sa akin." Tahimik akong lumapit sa isang sulok kung nasaan ang kutson na sinasabi ni Thena. Luma at marumi na ang kutson, parang pinaglipasan na nga ito ng panahon. "Sis sigurado ka bang five hundred ang dapat ay renta sa bahay na ito? Para kasing isang ubo ko lang ay magigiba na yun'g mga pader atsaka," Napahinto ako ng marinig namin ang malakas na tunog na gawa nun'g mga naka usling yero. Hinangin iyon, parang ihip nga lang ng tao 'yong hangin pero siyado na ang pag-iingay na ginawa ng yero. Tinignan ko ito at napalunok ako ng makitang butas-butas na ito at puro kalawang na rin. "Luma na kasi ito atsaka naghahanap ka ng murang matitirhan diba? Hanggang Four hundred lang ang kaya kong ibigay." Lihim akong napamura bago muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng bahay. Mas malaki pa ang kwarto ko noon sa brothel kesa sa bahay na ito. Mas maayos at malinis pa iyon ngunit dahil sa bastardong nasa akin'g sinapupunan ay napaalis ako roon at napilitang maghirap ng ganito. Inis kong naikuyom ang akin'g mga kamao bago pinagkiskis ang akin'g mga ngipin. "Ano go ka ba o maghahanap ka na lang ng ibang apartment?" Atat na tanong ni Thena. May pagpipilian pa ba ako? Ilan'g kakilala at apartments na ang binisita ko at kung saan-saan'g lugar na rin ako naghanap ng pwedeng tirhan na affordable pero itong kay Thena lang ang pumasok sa budget ko. Maasim ang mukha at napipilitan kong nilabas ang akin'g wallet, binunot ko mula rito ang three hundred pesos at masama ang loob na binigay kay Thena na nakalahad na ang kamay. "Ipapaayos ko pa yun'g bubong at kusina kaya bawas ng one hundred." Matigas kong ani sa kaniya. Napanguso ang babae pero wala naman na siyang sinabi. Tinanggap na niya ang pera sabay irap sa akin. "Fine. Pero sa susunod ay four hundred na ang babayaran mo!" Utot mo! Hindi ako tanga. Napahalukipkip ako sabay irap. "Kokompyutin ko kung magkano ang magagastos ko sa pagpapaayos dito sa apartment mo at ibabawas ko iyon sa mga renta sa mga susunod na buwan." Akmang ibubuka na niya ulit ang bibig niya ng muli akong magsalita. "Mas gusto mo ba na mabakante na lang itong apartment mo o gusto mong kumita ng pera galing sa akin monthly? Sa itsura nitong apartment mo ay paniguradong walang maglalakas loob na tumira rito!" Sa huli ay wala ng nagawa ang babae kung hindi ang tanggapin ang offer ko. Kung ano man ang ipapaayos ko sa lugar na ito ay ibabawas niya sa rentang makukuha niya sa akin. Hindi pa ako satisfied sa deal na iyon pero meroon pa ba akong oras para naging choosy? Nang umalis na si Thena at naiwan na lang akong mag-isa sa loob ng bahay ay nilagay ko ang akin'g bagahe sa pinaka dulo, sa parte kung saan medyo malinis. Meroon'g mga panglinis na iniwanan si Thena rito at sabon na lang ang kailangan ko kaya upang makapagpahinga ako ng maayos mamayang gabi ay nagsimula na akong maglinis. Pinusod ko ang mahaba kong buhok sabay hawak sa walis. Nilinis ko ang bintana at tinanggal ang mga sapot na naka bitin dito. Ganoon din ang ginawa ko sa bawat sulok ng kisame hanggang sa pinaka sulok ng cabinet. Pagkatapos niyon ay nagtanggal naman ako ng alikabok at nagwalis. Tumigil lang ako sa paglilinis ng makaramdam na ako ng gutom at bahagya ng humapdi ang akin'g tagliran. Inis akong nagbaba ng tingin sa naka umbok kong tiyan. Bwisit na batang ito. Napapagod na nga ako ay pinahihirapan pa ako nito. Pinitik ko ang gilid ng akin'g tiyan at napahinto ng sumagot ang bata sa pamamagitan ng mahinang pagsipa. Hindi ko maiwasang mapasinghap at mapatigil. "Bakit ba sobrang tigas ng ulo mo?" Iritado kong singhal sa bata. Muli itong sumipa kaya napatigil ulit ako. Ibinaba ko muna ang hawak kong walis atsaka ako umupo sa gilid ng kutson habang pinagmamasdan ang naka umbok kong tiyan. Hindi ko inaasahan na magbubunga ang gabing iyon. Kakaiba kasi ang lalaking iyon, parang hayop kung maka-angkin. Nagpadala naman ako at… Imbes na ipalaglag ang batang ito ay lumamabot ang puso ko at naisipang palakihin na lamang ito. Noon'g una ay desisdido na talaga kami ni Madam na tanggalin ang bata hangga't maaga at hindi pa ito nabubuo ngunit… Meroon'g kung anong pumipigil sa akin para gawin iyon. Pinatong ko ang akin'g kamay sa itaas ng akin'g tiyan. Yun'g lalaki na pogi at meroon'g magkaibang mga mata ang nakadali sa akin. Alam ko iyon dahil dalawang linggo niya akong binayaran upang samahan siya tuwing gabi. Pagkatapos ng dalawang linggong gabing iyon ay tatlong araw na niya akong hindi binisita hanggang sa malaman ko na lang na nagdadalang tao na ako. Hinintay ko siya sa brothel. Limang buwan akong naghintay pero hindi na siya dumating. Hindi na namin siya nakita hanggang sa paalisin na ako ni Madam at heto naghirap dahil sa anak niya. Muling lumamig ang emosyong naka plaster sa mukha ko ng hindi muling sumipa ang bata. Tumayo na ako sa kama at dire-diretsong lumabas dala ang akin'g wallet. Hindi ko kilala kung sino ang taong iyon. Sa dalawang linggo na pagsasama namin ay ni minsan hindi ko naitanong ang pangalan niya, hindi rin siya kilala nila Madam kaya hindi rin nila ako magawang tulungan. Walang nakakakilala sa damuhong iyon at kasalanan ko rin naman dahil puro pera at pagbuka ang nasa isip ko. Though may ideya naman ako kung bakit niya ako inabandona, ninakawan ko siya ng pera at hinuthutan ng thirty thousand noon'g huling pagkikita namin. Kung alam ko lang na mag-iiwan siya ng remembrance ay sana pala ay nilubos-lubos ko na ang panghuhuthot. Nang makakain ako sa karinderyang malapit lang sa akin'g bagong tinutuluyan ay bumalik na ako sa apartment upang ipagpatuloy ang paglilinis. Kinuskos ko na ang lahat ng parte nito kasama na ang pader at sahig. Pinakintab ko ang mga bintana at hindi ako tumigil hangga't hindi nag-aamoy fabric conditioner ang buong kwarto. Papalubog na ang araw ng matapos ako. "Ayaw mo ba talagang gamitin itong kutson?" Tanong ni Thena sa akin habang kinukuha nila ang kutson na nandito sa kwarto. Napasimangot ako lalo. Sinong matinong tao pa ba ang maglalakas loob na gumamit sa kutson nilang iyan? "Oo at dahil hindi ko na gagamitin ang kutson ay baka naman meroon'g pabawas sa renta?" Napasinghap si Thena at pinanlakihan ako nito ng mata. "Grabi ka naman na Rox! Sana'y sinabi mo na lang na tumira ka ng libre rito!" Inirapan ko siya. "Dapat nga ay libre na ang unang renta ko dito dahil ako na ang naglinis, ako pa ang nag-ayos. Sobrang dami pang kalat at medyo mataas pa ang damo sa likod bahay, siyempre ay puputulin ko pa ang mga 'yon para hindi mapuno ng lamok dito!" Napaawang ang labi ni Thena habang nanatili namang kalmado at blangko ang akin'g mukha. "Grabi ka Rox…" Hindi makapaniwala niyang asik. "Ano? Libre na ba ang unang rent ko o ikaw ang maglili-" "Oo na libre na! Iyang utak mo gumagana pag pera na ang usapan." Tumaas ang kabilang dulo ng aking labi dahil sa tuwa. Siyempre, dapat sa panahon ngayon ay parktikal na tayo. "Ano'ng gagamitin mong kama niyan?" Tanong ni Thena ng kaming dalawa na lang ang maiwan sa loob ng bahay. "Marami ka pang bibilhin na gamit sa kusina at gamit ng baby mo." Ngumuso siya sa tiyan ko. "Titingin ako sa mga ukay-ukay. Hindi ko na pwedeng gamitin yun'g natitirang pera dahil gagamitin ko ito bilang puhunan." Seryoso kong asik habang nakahalukip at nakatitig sa makintab na bintana. Malapit sa highway ang bahay na ito at kanina ko pa napapansin na parang meroon'g tricycle driver na kanina pa nakahinto sa gilid ilan'g metro ang layo mula rito sa apartment. Pinaningkitan ko ng tingin ang tricycle, meroon'g nakaupo sa loob niyon pero hindi ko makita kung sino dahil madilim sa parte kung nasaan siya. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito. "Magnenegosyo ka?!" Gulat at hindi makapaniwalang tanong ng babae. "Sa palengke. Balak kong magtinda ng mga damit." "Meroon ka na bang supplier?" Inalis ko saglit ang tingin ko sa bintana upang tapunan ng tingin si Thena. "Hanapan mo nga ako ng supplier. Mga nagsu-supply ng overrun shirt na rejected sana para medyo patok sa mga kabataan." "Parang meroon akong kilala." Bukas din ay titingin ako sa palengke para humanap ng pwestong pwedeng rentahan, hindi naman magiging mahirap 'yon lalo na at simpleng tindahan lang naman ang gusto ko. "Pero sigurado ka bang kaya mong magbenta?" Tinaasan ko ng kilay si Thena. Kung hindi ako magbebenta ay paniguradong magugutom kami ng bastardong nasa tiyan ko. Inis kong sinara ang bintana at ni-lock ito bago ko muling hinarap si Thena. "Kung hindi ako kikilos ay titirik sa gutom ang mata namin ng batang ito." Ani ko. "Pero bakit kasi hindi mo na lang hanapin 'yong tatay?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatawa dahil sa sinabi niya. "Believe me Thena. Ilan'g buwan ko ng ginagawa iyon pero parang bula ang gago. Bigla na lang siyang nawala!" Namilog ang mga mata ni Thena, tulad ng ginagawa niya sa tuwing namamangha siya o hindi kaya ay nagugulat. "Hala ka Rox! Paano kung importanteng tao pala 'yang naka buntis sa'yo? Baka Mafia boss iyan!" Biro pa nito. Mahina akong napatawa na sinamahan ng malutong na irap. Walang mafia boss na ganoon kabait at maginoo. Kung tratuhin ako ng lalaking iyon ay parang ako na ang pinaka magandang alahas na nakita niya. He was so gentle, soft and kind of naive. Hula ko nga ay ako ang first niya. Malungkot akong napangiti ng maalala ko yun'g mga kinukwento niya sa akin habang parehas kaming nakahiga sa kama, magkayakap at hinihingal dahil sa aktibidad na katatapos lang namin'g gawin. He told me that he wanted to have a perfect family. Isang masaya at payapang pamilya na maipagmamalaki niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Maraming pangarap ang lalaking iyon at kitang-kita ko ang kisap sa mga mata niya habang isa-isa niyang sinasabi sa akin kung ano ang mga iyon. He wants to fall in love. To be free and to have a peacefully life. Ngunit taliwas doon ang gusto ko. I want money, wealth, power and war. Magkabalikataran kaming dalawa ngunit tuwing magdidikit ang mga katawan namin ay parang iisa lang kami. "Uy naalala niya ang Daddy ng baby niya…" Rinig kong pang-iinis ni Thena. Tinapunan ko ng matalim na tingin ang babae bago ako tahimik na naglakad papunta sa kusina. "Thena meroon ka bang isang number ng police station sa lugar na ito?" Tanong ko sa babae habang nasa kusina ako at tinitigan ang pagkain na akin'g niluluto. Saglit na natahimik ang babae. "Meroon. Bakit? Kailangan mo ba?" Napatigil ako sa paghahalo bago napalingon sa direksyon niya. "Baka kailanganin ko." Makahulugan kong ani sa kaniya. Napakurap-kurap ang babae. Noon'g una au parang hindi pa nito nakukuha kung ano ang gusto kong palabasin pero pagkatapos ng ilan'g segundo ay napangisi na lang siya sabay tayo at lapit papunta sa lamesa kung saan nakapatong ang akin'g cellphone. "Mag-iingat ka lang ha? Hindi lahat ng lalaki ay tulad nun'g mga nasa brothel na madaling bugbugin." "I know." Parehas kaming galing ni Thena sa brothel. Mas nauna siyang umalis sa lugar na iyon dahil hindi niya masikmura ang kalakaran doon. Kakaiba ang mga babaeng pumapasok sa brothel na iyon dahil halos lahat ng nandoon ay meroon'g kaniya-kaniyang espesyal na katangian. Halos perpekto na ang mga babae at lalaking nagtra-trabaho roon. Maikukumpara sa mga diyos at diyosa ang mga mukha at katawan ng mga tauhan ni Madam. May kani-kaniya pa nga kaming mga alyas at Nyx ang sa akin. Hinahalintulad nila ako sa isang primordial goddess of the night dahil daw sa itsura at katangiang meroon ako. Sa sobrang itim ng akin'g buhok ay nagmumukha raw itong dilim, unfortunately kulay itim din ang kulay ng mga mata ko at medyo maputla ang akin'g balat. Manipis ang akin'g labi at kulay pula ang mga ito. Sa ibaba ng akin'g kaliwang mata ay meroon'g nunal na hugis tulo ng luha. Astrea naman ang kay Thena noon dahil daw mukha itong inosente at birhen kahit na ang totoo niyan ay palaban ito at sakit sa ulo. Si Astrea ang greek goddess of justice and Purity. Marami pa kaming mga kasamahan na meroon'g alyas na pang greek god ngunit masyado na silang marami at hindi ko ka-close ang iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD