Isang buwan na...
Isang buong buwan nang gumagala si Sheryl sa mundo nang hindi alam kung nasaan siya at kung sino ang mga magulang niya. Ang kanyang pamilya o kaibigan.
Wala siyang naaalala. Tila ba binura ang lahat nang siya ay naging kaluluwa na lamang. Nasaan na nga ba ang katawang lupa niya?
Hindi niya maalala kung paano siya namatay. Hindi niya alam kung patay na ba talaga siya. Hindi rin niya alam kung anong araw siya namatay. Ang alam lang niya... ay malamig.
Malamig ang hangin na tumatagos sa kanya katulad sa gabi. At higit sa lahat... malamig ang pakiramdam ng walang maalala.
Naglalakad siya sa gilid ng kalsada sa bayan ng San Juan. Tahimik ang paligid. Ang mga ilaw poste ay kumikislap na parang may sariling buhay. Sa tuwing may sasakyang dadaan, kusang tumatagos ito sa kanya. Hindi siya nasasaktan... pero may kakaibang kirot sa tuwing mangyayari iyon. Parang paalala hindi na siya kabilang sa mundo ng mga buhay.
Huminto siya sa harap ng isang salamin sa tindahan na sarado na.
Napaatras siya nang makitang Wala siyang repleksyon.
“Hindi ako tao...” mahina niyang bulong.
Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng takot.
Isang malakas na hangin ang biglang umihip. Kasabay noon ay isang piraso ng alaala ang sumiksik sa kanyang isipan.
Isang puting van...
Mga lalaking naka-itim...
Isang kamay na pumipigil sa kanyang bibig...
At ang malakas na preno.
Sumakit ang ulo niya kahit wala naman siyang pisikal na katawan. Napaluhod siya sa gitna ng kalsada ngunit walang nakapansin.
“Sheryl...”
Napatingin siya sa paligid.
May tumawag ba?
“Sheryl Mae...”
Mas malinaw na ngayon.
Sheryl.
Iyon ba ang pangalan niya?
Doon nagsimulang tumibok ang isang bagay sa kanyang dibdib... kahit wala naman siyang puso.
Samantala...
Sa kabilang bahagi ng bayan, isang itim na SUV ang huminto sa tapat ng isang beach resort. Bumaba ang isang matangkad na lalaki na may makinis na balat at matangos na ilong. Suot niya ang simpleng puting polo at maong, ngunit hindi maitago ang natural na tindig ng isang lalaking lumaki sa marangyang buhay.
Si Alfred Miguel Constanante... 25 taong gulang.
Katatapos lamang niya sa kursong Economics sa Amerika at ngayon ay pansamantalang nagbabakasyon sa San Juan bago tuluyang bumalik sa Davao upang tumulong sa negosyo ng pamilya.
“Bakasyon lang ‘to, iho,” paalala ng kanyang Tito Raul habang inaayos ang mga bagahe. “Huwag mo akong dalhan ng problema rito.”
Ngumiti si Alfred. “Tito... pahinga lang. Walang gulo.”
Pero hindi niya alam... na ang bakasyong iyon ang magpapa bago sa lahat.
Kinagabihan, naglakad siya mag-isa sa dalampasigan. Tahimik ang alon. Maliwanag ang buwan. Ang mga paa niya ay unti-unting binabasa ng malamig na tubig dagat.
Kalaunan ay biglang nagvibrate ang kanyang cellphone.
Sa kanyang pagsagot ay agad bumungad sa kanyang screen ang isang hubad na katawan. Biglang napalunok si Alfred sa kanyang nakita. Hindi nya inaasahan na ganito ka baliw ang kanyang nobya na nasa amerika.
"Oh babe.. I missed you so much..!" paglalambing nito.
Napangiti si Alfred. "I missed you too.."
Ang babae ay nagpapakita ng kanyang motibo ng pagnanasa na nais makasama si Alfred sa oras na ito. Niyaya siya nito na samahan siya sa kanyang kama o ang tinatatawag na phone-s*x dahil eka nga LDR sila.
Habang kausap ni Alfred ang babae ay biglang may bumato sa kanya at natamaan siya sa likod, malapit sa braso.
"Awtss!!"
Pinutol niya ang tawag at agad lumingon sa kanyang likod.
Ngunit sa kanyang paglingon ay wala siyang ibang nakikitang tao. Maliban sa kanyang Tito Raul na nasa unahan, nakayuko ito sa likod ng sasakyan dahil naghahakot ito ng kanyang pinamalingke kanina para lutuin sa kusina.
"Someone there?!"
Walang sumagot.
Sa di kalayuan, may nakikita siyang babae na nakatayo sa gitna ng dalampasigan. Nakaputi. Mahaba ang buhok. Nakatingin sa dagat na para bang may hinihintay.
Napakunot ang noo niya. May ganitong oras pa bang naglalakad dito?
Lumapit siya sa babae.
Habang papalapit, napansin niya ang buhangin sa kanyang likuran na walang mga yapak ng paa. Ngunit ang babaeng ito ay nakatayo sa buhangin.
Kinilabutan siya... pero hindi siya umatras.
“Miss... okay ka lang?” tanong niya.
Marahang napalingon ang babae.
At sa unang pagkakataon sa loob ng isang buwan. May taong nakatingin ng diretso sa mga mata ni Sheryl.
Nanlaki ang mata niya.
“Ako ba... kinakausap mo?” nanginginig niyang tanong.
Napakunot ang noo ni Alfred. “Oo... sino pa ba?”
Napaatras si Sheryl.
"Sigurado ka ba? You mean nakikita mo talaga ako?"
Tanong ni Sheryl na naninigurado lamang.
Hindi siya nakikita ng iba. Ilang linggo na siyang dumaraan sa gitna ng mga tao na parang hangin lamang. Pero ang lalaking ito... nakatingin sa kanya at kinakausap pa siya!.
"Of course! I am not blind" seryosong sagot ni Alfred.
Napakunot noo pa siya dahil biglang kumirot ang tama kanina sa likod niya. May hinala siya na ang babaeng ito marahil Ang nambato sa kanya kanina.
Hindi sa hangin. Hindi sa kawalan. Kundi siya lamang ang maaaring gumawa noon dahil wala namang ibang tao sa resort.
“Ano’ng pangalan mo?” tanong ni Alfred.
Napahawak si Sheryl sa dibdib niya.
"Pangalan. Ahmm Sheryl..."
“Sheryl...” mahinang boses niya na pangalawang ulit niya nang sinabi.
“Sheryl ano kasi..."
Napapikit siya si Alfred. Nagdadalawang isip dahil nahihiya siya, madalas lang siya nauwi dito pero ganoon siya sa mga tao. Takot lang na baka makarating pa ito sa kanyang Lola.
"Ano iyon?" tanong ni Sheryl.
"Ah. itatanong ko lang sana kung anong ginagawa mo dito. Mag isa ka lang yata."
“Hindi ko alam...” bulong niya.
Mas lalong naguluhan si Alfred.
“Sandali... bakit parang...” napatingin siya sa paa ng dalaga.
Walang bakas sa buhangin.
Dito na unti-unti siyang napaatras si Alfred. Alam niyang hindi siya lasing. At mas lalong hindi rin siya nananaginip.
“M-miss... bakit wala kang footprint?”
Napatingin si Sheryl sa paa niya. Doon lang niya napansin.
Wala nga.
Napatingin siya kay Alfred.
“Hindi ako tao...” nangingilid ang luha niyang sabi.
At ngayon lang nagising ang tunay na takot sa pagkatao ni Alfred. Kahit na mahilig siyang manood ng horror movie gaya sa pelikulang wrong turn.
Ngunit kasabay ng takot... may kakaibang awa.
Hindi siya mukhang halimaw. Hindi siya nakakatakot. Mukha nga lang siyang naliligaw.
“Ano ka?” maingat na tanong ni Alfred.
“Hindi ko alam...” sagot ni Sheryl.
Isa.. dalawa .. tatlo... Sa halip na tumakbo, huminga nang malalim si Alfred.
Sa loob ng dalawang sigundo ay natahimik ang dalampasigan. Tanging alon lamang ang maririnig,
Ngunit iba ang sinasabi ng kanilang isip.