11: SAGING AT ANG TAGABANTAY

1479 Words
Ngunit sa kabilang banda ng silid… ang anino ng mangkukulam ay patuloy na kumikilos. Hindi matanggap ang hindi inaaasahang pagbabago ng halimaw na akala niya ay magiging kakampi niya. Bilang ganti, unti unti itong gumalaw sa dingding, parang usok na may sariling buhay. At pagkatapos... biglang lumamig ang buong bahay. Namatay ang lahat ng ilaw sa sala. “Uh oh…” sabi ni Alfred. “Hindi maari.. ano na naman ba binabalak niya..” seryosong sinabi ni Sheryl. Ang mga kurtina ay biglang umalon kahit sarado ang mga bintana. Ang anino sa dingding ay lumaki nang lumaki, hanggang sa bumalot ito sa kalahati ng kisame. At mula sa dilim…may narinig silang boses. Isang boses na parang galing sa ilalim ng lupa. “Mga mangmang…” Napalingon si Alfred. “Uh… narinig mo rin ba yun?” bulong niya. “Hindi. Imaginary lang yan,” sagot ni Sheryl na halatang kinakabahan. “Mga mangmang na mortal…” Ang anino ay nagsimulang magkaroon ng hugis. Unti unti itong nabuo sa isang anyo ng isang matandang babae. Mahaba ang buhok nito, gusot ang kasootan na parang mga ugat ng puno. Ang mga mata nito ay parang dalawang butas na namimilog sa dilim. Siya pala ang sinasabing babaeng mangkukulam. Si Alfred ay napalunok. “So.. ikaw pala si "wonder mangkukulam" astig, pero talagang hindi nakakatuwa ang itsura mo.." Tumawa ang mangkukulam. "HAHAHAH" isang tawang parang tuyong dahon na dinudurog. “Akala ninyo… matatalo ninyo ang aking sumpa… sa pamamagitan ng saging?” Napatingin si Alfred sa halimaw na kumakain pa rin. “Technically… mukhang gumagana naman…” Ngunit biglang tumigil sa pagkain ang halimaw. Unti unti itong tumayo matapos mabusog sa dami nang nakain. Ang katawan nito ay nagsimulang maglabas ng Liwanag, isang mahinang gintong liwanag. Napalingon si Sheryl. “Alfred…” “Ano?” “Sa tingin ko… nagugutom pa siya.” Sinabi ni Sheryl. “Ha?!” reaksyon naman ni Alfred na hindi makapaniwala. Ngunit hindi iyon ang problema. Ang mangkukulam ay nagtaas ng kamay. Sumunod na pangyayari, ay ang biglang pagikot ng malamig na hangin sa loob ng mansyon. Ang mga plato ay nagsimulang lumutang. Ang mga upuan ay gumalaw. Ang mesa ay tumagilid. “Hindi ninyo nauunawaan ang aking kapangyarihan!” sigaw ng mangkukulam. “Ang sumpang ito ay nabuhay sa loob ng dalawang daang taon!” Biglang sumigaw si Alfred. “Uy! Ingat!” Isang silya ang muntik tumama kay Sheryl. Buti na lang, lumusot lang ito sa kanya dahil kaluluwa siya. “May advantage din pala ang pagiging kaluluwa…” bulong niya. Ngunit, si Alfred hindi isang kaluluwa o ligaw na multo. Kaya isang plato agad ang tumama sa ulo niya. TOK! “Aray!” Agad napaupo si Alfred sa sahig, dinaramdam ang sakit na medyo nahihilo. Habang ang mangkukulam ay lumutang sa gitna ng sala. Ang kanyang anino ay parang tinta na kumakalat sa sahig. “Walang makakapigil sa akin!” pagmamataas ng mangkukulam. Ngunit sa likod niya, may isang bagay na gumagalaw. Ang halimaw na tagabantay. Ay unti unti itong naglakad palapit sa anino na mangkukulam. At habang gumagapang siya ay patuloy itong ngumangasab ng saging, parang asong gutom sa kalye na naglalaway pa habang tangay ang isang pirasong buto. Pero sa parehong oras ay napansin ito ng mangkukulam. “Ano ang ginagawa mo, hangal na nilalang?” Ang halimaw ay hindi sumagot. Biglang nagsalita si Sheryl. “Alfred?!” “Ano?” sumagot si Alfred habang kinakapa ang isang bukol sa kanyang ulo. “Sa tingin ko… hindi niya lang kinakain ang saging.” Sinabi ni Sheryl. “Ha?” Napatingin si Alfred sa halimaw. Napansin niya na habang kumakain ito, ang katawan nito ay mas lalo pang nagliliwanag. Parang nag iipon ng enerhiya. o cellphone na naka-saksak upang makapag full-charges. “Ah…” Unti unting napangiti si Alfred. “Battery pala ang saging…” “Ano?” tanong ni Sheryl. Biglang tumawa si Alfred. “Nagtsa-Charge lang siya!” “Uy halimaw! Kain ka pa!” sigaw ni Alfred. Parang naintindihan siya ng halimaw. Sapagkat bigla itong lumamon ng mas maraming saging, isang dosenang saging, parang baboy kung kumain sapagakat sa isang lamon ay nasa dalawang kilo agad ang nauubos. Sa oras na ito, ang mangkukulam ay mas lalong nagiinit sa galit. “HINDI!” Itinaas ng mangkukulam ang kanyang dalawang kamay. Biglang lumaki ang kamay na anino sa sahig. Parang mga tentacles ng pugita na kulay itim, na gumapang papunta sa halimaw. Ngunit huli na siya, dahil ang katawan ng halimaw ay biglang sumiklab sa matinding liwanag. Parang isang maliit na araw sa gitna ng sala. Napapikit si Alfred. “Whoa!” “HINDI! HINDI! HINDI!” Sumigaw ang mangkukulam Ang misteryong silaw ng liwanag ay tumama sa anino niya, at doon nila nakita ang sikreto. Ang katawan ng mangkukulam ay hindi tunay. Isa lamang siyang anino na nakakabit sa sumpa, mula sa mundo ng mga mortal at sa kabilang mundo. Habang tumatama ang liwanag sa paligid, ang anino ng mangkukulam ay nagsimulang mapunit. Parang papel na sinusunog ng araw. “Sheryl!” sigaw ni Alfred. “Ngayon na ba?!” Tumango si Sheryl. Naalala ni Alfred ang sinabi ng matandang haciendero noon. “Ang sumpa ay mawawala kapag ang tagabantay ay nagising, at ang liwanag ng mansyon ay babalik.” Sinubukang lumapit ni Alfred sa mangkukulam. Kahit nanginginig ang kalamnan, buto pati na ang kaluluwa niya. “Tama na!!” sigaw niya. “Hindi!” sigaw ng mangkukulam. “Ang lupang ito ay akin! Dito ako sa mundong ito nararapat!” Ngunit ang liwanag ng halimaw ay mas lalong lumakas. Unti unti… ang anino ng mangkukulam ay nagsimulang matunaw. Nagsimula sa kanyang mga braso na naging usok. Ang kanyang buhok ay naging alikabok ng dilim. “NAGHIHIGANTI AKO SA MUNDO NA ITO!” sigaw ng mangkukulam. Ngunit ang boses niya ay humihina. Parang radyo na nawawalan ng signal. Napakamot si Alfred sa ulo. “Grabe… parang low battery din siya.” Napairap si Sheryl. Ngunit napangiti rin agad. Ang halimaw ay naglabas ng isang huling liwanag. Isang malakas na pagsabog ng gintong enerhiya ang kumalat sa buong mansyon. WHOOM! Lahat ng anino sa dingding ay naglaho. Ang mangkukulam ay napasigaw. “HINDI…!!” At pagkatapos, ang kanyang katawan ay naging manipis na usok. Hanggang sa unti unting naghiwa hiwalay ang kanyang anyo. Hanggang sa wala nang natira sa buong parti ng kanyang anino’ng katawan Biglang bumalik ang ilaw sa sala at yumakap ang katahimikan. Ang malamig na hangin ay tumigil. Ang mga plato ay bumagsak sa sahig. Clink. Clank. Tila natapos ang isang gabi na parang nakipagkarera sa isang misteryosong multo kapalit ng kanilang buhay. Napaupo si Alfred sa sahig. “Hala…” Napatingin siya sa paligid. “Patay na ba siya?” Napatingin si Sheryl sa lugar kung saan dating naroon ang mangkukulam. “Sa tingin ko…” sabi niya. “Nag disappeared na rin siya sa wakas.” Huminga nang malalim si Alfred. “Salamat naman…” Biglang may narinig pa silang sumunod na tunog. Napalingon ang dalawa ng sabay. Ang halimaw ay nakaupo ulit sa sahig. At kumakain pa rin ng saging. Napailing si Alfred. “Alam mo…” “Ano?” sabi ni Sheryl. “Kung may award sa pinakamatakaw na bayani…” Tiningnan niya ang halimaw. “..siya ang mananalo.” Napatawa si Sheryl.. Isang magaan na tawa na matagal na niyang hindi naramdaman. Sa unang pagkakataon, ang mansyon ay nagkaroon ng liwanag, totoong liwanag na hindi na matatakot ang lahat, walang kaba o pangamba. Ang malamig na hangin ay napalitan ng katahimikan. At ang sumpa na bumalot sa lugar sa loob ng dalawang siglo, ay tuluyan nang naglaho. Ngunit habang nakangiti si Alfred, napansin niya ang isang bagay. Sa sahig… may isang maliit na anino. Isang manipis na linya ng dilim. Napakunot ang noo niya. “Sheryl…” “Ano?” “Tapos na ba talaga?” Hindi agad sumagot si Sheryl. Tinitigan niya ang aninong iyon. At sa isang iglap, ang manipis na dilim ay parang gumalaw. Parang isang mata na sandaling kumurap. Pagkatapos, nawala rin ito. Huminga si Sheryl. “Tapos na.” Ngunit sa kung saan sa isang sulok ng mundo, ang hangin ay tila may dalang mahina at galit na bulong, isang bulong na halos hindi marinig. “Hindi… pa… tapos…” Ngunit dito sa mansyon, kung kailan tahimik na ang gabi. At sa gitna ng sala, ang halimaw na tagabantay ng sumpa ay patuloy na kumakain ng saging, na parang wala namang nangyaring "apocalypse ng mga multo" Kerrkk!! Isang nakakagulat pa na tunog ang sumunod, ngunit ngayon ay kasama na ang multong matanda na lolo ni Alfred ang nanlaki ang mga mata. Sapagkat hindi nila inaasahan may biglang lumabas sa pinto na nasa itaas. “Sinong punchong-pilato kayo?! Bakit nagiingay kayo sa tahanan ko?” sumigaw sa itaas ang matanda, ang Lola ani Alfred. “Lola.. Ako lang ho..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD