November 21, 2001, Miyerkules 4:25 PM Dear Diary, Alam mo, nakakainis talaga ‘tong si Jane at Leonora. Pero mas nakakainis ako, diary! Huhu. Eh kasi naman hindi ko napunit 'yong pinagsulatan ko ng flames! Nabuking pa tuloy ako ng dalawa kong friend na tsimosa! Tapos… my gosh, diary! Mukhang nalaman pa yata ni Hayden na crush ko siya! Nakakainis naman kasi talaga 'tong mga kaibigan ko palaging naka-high volume ang boses! Ipinagsigawan pa talaga! Paano na ako ngayon, diary? Alam na ng crush ko na crush ko siya. Wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanya kahit hindi naman kami nag-uusap o nagpapansinan sa klase. Alam ko manong Diary, na narinig ni Hayden ang mga sinabi ng dalawa. Nasa labas lang sila ng room eh, kaya imposibleng hindi! Ang masama pa no'n nandoon din ang mga friends ni H

