Six

1319 Words
"Ikaw ba yan besh!" kinapa kapa niya ako sa noo at liig. "wala ka naman lagnat" kumunot ang noo ko. "ano ba! Ano ba nangyari sayo?" singhal ko. "ano nangyari sakin? O ano nangyari sayo...May sakit ka ba? Ano nararamdaman mo?" walang tigil na pagsuri sa akin, kaya binatukan ko siya. "Dala na ba yan nang paglilihi mo?" "Aray—!" "Ano ba nangyari sayo nababaliw kana ba? Nako Aemie sinabi ko na lalaki lang yan!" "hahaha" baliw nga. "besh hindi 'to tungkol sa'kin tungkol ito sa'yo! Kaya tinatanong kita Kong may sakit ka!" kinapa kapa niya ulit ako. "Aemie! Kong hindi ka titigil—" "Nagulat lang talaga ako besh.'Di ko akalain na magsasalita ka ng ganoon knowing naman na magkasakungat tayo ng paniniwala sa buhay."nakataas ang kilay niyo."Baka na nasaniban ka besh—" "Tigilan mo ako Aemie huh!"parang puputok na ang kaugatan ko sa liig. "hehe pero mas gusto kong isipin na nahahawa kana sa akin. Akalain mo isang Crizia Natividad, na napaka bitter sa buhay ay may ganong mga kasabihan. Haha. Pero gusto ko din isipin na dahil yan sa sarap na nilasap mo noong nakaraang linggo—aray besh! Huhuhu nakailang batok kana! " "Kong anu-ano kasi ang iniisip mo!" singhal ko. "pero besh excited na ako, baka susunod magulat nalang ako guto mo na mag asawa! Haha 26 na tayo beh, ako naka isang dosenang boyfie na ako. Ilang make out na ang naranasan ko, kaso nga lang. hehe! hindi pa totally nakarating ng langit hehe! Kaya sa susunod na mag boyfie ako, susuko ko na bataan ko "kumindat pa ito. Parang hindi lang na broken hearted, nagyabang pa.  — Kawawa din 'tong kaibigan ko mula noon lagi nalang iniiwan at niloloko. Mabuti ngayon, mas lalo siyang nagging matapang, hindi tulad noon may pa bigti pang nalalaman. Haha. Ngayon, nakukuha pang magbiro, magpasaya ng iba at dadamayan kapa kahit may sarili siyang problema. Naka ngiti parin sa harap mo, pero ang totoo niyan durog na durog na yan ang kaibuturan niyan. Kaya masaya ako na nadadala niya ang problema sa tama, Di ko kasi alam kong sa'kin mangyari yan. Ganyan din ba ako katapang na kunyari tanggap ang lahat? Siguro oo at tatalikuran nalang ang lahat. Sa tingin ko kasi lahat ng relasyon walang happy ending. Kagaya nalang ng nanay at tatay ko, nagsawa nalang sila bigla at naghiwalay. Nagpakalayo-layo pareho at iniiwan ang responsibilidad nila. Iniwan nila ako!. Nabalibalitaan ko nalang sa malayong kamag anak na may mga sariling pamilya na sila. May mga kapatid ako pareho sa kanila. Hanggang sa namatay si lola, hindi man lang sila nakadalaw hanggang sa nailibing. Si lola na ang magulang ko simula ng sanggol palang ako at tinalikuran ng sarili kong mga magulang. Siya ang naghirap para sa'kin para ma buhay ako, kahit matanda na siya di siya tumigil na suportahan ako sa mga pangangailangan ko. Nakatapos ako ng pag aaral dahil sa pagsisikap naming dalawa. Kaya noong nakaraang taon parang may bahagi sa puso ko na namatay din. Nawala ang isang taong dahilan ng mga pangarap ko,naging ina at ama ko, kaibigan ko, kakampi at higit sa lahat ang taong sobrang mahal ko. Di man lang niya masisilayan ang maging apo niya sa tuhod. Pero masaya ako kasi noong mga panahon na naabot ko ang pangarap ko nasa tabi ko siya. Napasaya ko siya, naibigay ko ang mga bagay na noon hanggang tingin ko lang. Bakit ba kasi may mga ganyang magulang? Kaya gusto kong  maranasan ang magkaroon ulit ng panghuhugutan ng lakas. May kasama, at mangarap na may paglalaanan,ang lungkot kasi mag isa.                       * * * "Ano na? OK na ba? Oy! Kanina kapa diyan sa loob,nagbago ba? Sumagot ka nga!" may plano ba 'tong sirain ang pinto ng banyo? Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa inodoro at binuksan ang pinto ng banyo. Pinakita ko ang dalawa pang PT na din man lang naging dalawang guhit. Nakita ko ang pag-alala sa mukha ni Aemie, napasinghap ako ng yakapin niya ako bigla. Doon ako napahagulhol ng iyak. " Shhhhhs! Tahan na" pag-aalo niya at hinihimas-himas ang likod ko ng dalawang palad niya."Tama na, wag kana umiyak ulitin mo nalang ulit susunod na araw baka di pa tuluyang nabuo,baka may ganun, diba?, baka na traffic lang diba? Hehe" nagawa pa magbiro. "pero pano kong wala talaga, Besh! Nagpa tingin na tayo sa Doctor, naka ilang PT na ako!.... Wala parin!" sumikip na ang dibdib ko, ang sakit sa kalooban. "Shhhhhs!ede, ulitin nalang ulit Hanggang mabuo. Baka wala lang sa timing ngayon, sa susunod may mabuo na."sabi nito at kumalas sa pagkakayakap at hinawakan ako sa balikat." kailangan mabuo 'yan, magiging ninang pa ako! " Inakay niya ako pa upo sofa at 'don pa lalo nilabas ang nararamdaman ko. "H-halos nandidiri...na nga ako sa sarili ko... H-hinayaan kong galawin ng lala king 'yon ng pa ulit-ulit... Sep*...! T-tapos wala man lang may nabuo!" "Hanapin natin ang gagong' yun! Putcha baka di pinutok sa loob.!" "Huh?!" "Ibig kong sabihin baka di niya nilabas ang semilya sa loob ng p********e mo, kaya walang nabuo" "Di ko maalala" Masakit sa kalooban ko, unang beses na karanasan ko 'yon. Pero marahas niya akong ginalaw ng pa ulit-ulit. Pagod na pagod ako, masakit buong katawan ko pero hindi niya ako tinigilan hanggang sa mapagod siya. Hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang marahas na mga haplos at halik niya. Di ko akalain na ganun ang maranasan ko, hiniling ko lang naman kahit isang beses lang. Nung umpisa nakikisabay ako sa kanya kasi kagustuhan ko iyon, pero di ko akalain na halos rape na ang ginawa niya sa akin. Ilang beses kong sinabi na ayoko na pero nagpa tuloy lang siya. Parang siyang demonyo walang habas kung makipagtalik. Di ko akalain, iyon ang naging kahantungan ko sa mga mga oras na iyon. Ininda ko ang sakit at pagod kasi mas malakas siya kaysa sa akin, iniyak ko nalang ang lahat. Pakiramdam ko wala na akong pinagkaiba sa mga babaeng nagbebenta ng aliw,parang mas masahol pa ako sa kanila. Bumuhos pa lalo ang mga luha ko. Sa paghahangad ko ito ang kinahantungan ko. Hiniling ko lang naman ay anak!. May makakasama! "A-nong gagawin ko?" Malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha. "Alam mo, Zia. Kong ako lang, gusto kung tigilan mo muna ito. Baka hindi pa ito time na bibiyaan ka ng anak,andito naman ako hindi ka nag-iisa" sabi nito habang hawak ang mga kamay ko. "Naiintindihan kita, alam mo naman katulad ko din ako nag-iisa—" "May nanay ka pa naman, nakakausap mo lagi, sep*... Malayo siya, oo, pero hindi kagaya ko iniwan ako at kinalimutan! Sep*!" Iyon ang pinaka masakit sa lahat, na uunahin nila ang pansariling nararamdaman kaysa iparamdam sakin ang pagiging magulang nila. "alam ko 'yon, kaya nga andito ako, diba?. Kahit malayo tayo sa isa' t isa kasi andito ang work ko, pero lagi naman tayo nag-uusap. Umuuwi din ako doon sa atin. Kaya h'wag mo muna madaliin ang anak baka hindi pa ito ang tamang panahon, diba?" Tango*tango*"siguro nga" pero masakit talaga. "Uwi nalang siguro ako sa'tin sa susunod na araw— Sep*" naging maaliwalas ang ang mukha niya at ang pag-alala kanina ay napalitan ng ngiti. Namumula din ang mga mata niya siguro pinigilan niya lang wag maiyak. "sege, hingi ako ng leave para masamahan kita, na miss ko na din umuwi sa'tin" sabi nito sabay punas sa mukha ko. "Salamat!" niyakap ko siya,niyakap niya ako ng mahigpit pabalik. "Basta andito lang ako, naiintindihan kita. At wag mong tingnan ang sarili mo na isa kang madumi g babae,naghangad ka lang! nagkamali ka lang! Ikaw parin ang kilala kong Crizia Natividad, mabait, malakas, matapang, matalino, at alam ko anumang nararamdaman mo ngayon kaya mong pahilumin 'yan! " kumalas siya sa akin at hinawi ang nakalugay na buhok ko pa likod. Paano nalang ako kung walang akong kaibigang ganito.? Kaya sobrang suwerti natin kapag nakatagpo tayo ng kaibigan na kaya tayong damayan sa anumang pagdadaan.  /////don't forget to follow me. Thank you so much/////
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD