1-Attracted

2054 Words
Miriana Isabelle De Guzman's POV. Huminga ako ng ilang beses bago lakas loob na pumasok sa classroom. Matapos ng nangyari kagabi, hindi ako masyadong nakatulog kaya heto ako't late sa klase. Hindi lang simpleng klase, kundi klase mismo ni sir Castriel. Ayoko sanang pumasok sa klase niya kaso baka i-mark niya akong absent na ayokong mangyari dahil ikasisira 'yun ng class record ko. Isang taon na lang at ga-graduate na ako, mas gugustuhin ko pang makita ang late kaysa absent. "Kaya mo ito Miri--" "Miriana?" Bumalot sa'kin ang kaba ng marinig ang boses na 'yon. Napapikit din ako at mariing napakagat sa labi bago harapin ang taong nasa likuran ko. "S-sir..." kabadong sabi ko habang pilit na umiiwas sa kanyang tingin. "Hindi ka ba papasok? Mauna ka na para hindi ka ma-late," casual nitong sabi na ikinawala ng kaba na aking nararamdaman. Nang dahil rin sa sinabi niya, natignan ko siya sa kanyang mata na sana hindi ko na lang ginawa. Nakangiti kasi ito na parang wala man lang nangyari kagabi, at naiinis akong makita ang ngiti niya. Kahit nagsisimula na akong makaramdam ng inis, mabilis din 'yung nawawala dahil sa ngiti niyang napaka-inosente. Imbis na sagutin siya, isang irap ang aking ginawa bago mabilis na pumasok sa loob ng room. Alam kong nakasimangot ako pero anong magagawa ko? Naiinis ako sa kanya lalo na sa ngiti niyang 'yan. "For the first time late ka ata," natatawang sabi ni Dale, one of my gay bestfriend. "'Wag mo akong kausapin," inis kong sagot na umupo sa tabi niya. Nilabas ko sa bag ang libro at inis na binuklat 'yun. Narinig ko ang greetings na ginawa nila pero hindi ko iyon pinansin at tinuon na lang ang aking atensyon sa libro. Bakit ba ang big deal sa'kin nang nangyari kagabi? Guys will always be guys. Syempre makakalimutan din nila 'yon, like they always do. Kaya ayoko sa mga lalaki, lalo na sa mga katulad ni-- "Miriana..." "Ano?!" Kung siguro may tutubi rito o something insect na tumutunog tuwing gabi pwedeng-pwede siya rito sa room sa sobrang tahimik. Lahat sila nakatingin sa'kin sa pagsigaw na ginawa ko. Napangiwi pa ako nang makita ang classmate ko sa likod na inaabot sa'kin ang mga papel habang nakanganga pa siya. "Pass your assignments daw," dahan-dahang sabi ng classmate kong 'yon kaya kinuha ko na lang ang papel na hawak niya. Nahagip pa ng mata ko si sir na nakangiti na nagparamdam sa'kin ng panliliit. Last year ko na rito sa school! Last year! Pero ng dahil lang sa isang halik na 'yan! At... at... at... ah! Basta 'yun! Mukhang makakagawa pa ako ng kahihiyan na dapat hindi ko ginagawa. Kung bakit naman kasi lasing 'yang lalaking 'yan kagabi! ▪▪▪ "Ayos ka lang ba sis? Nababaliw ka na ba sa last year natin sa college?" tanong ni Dale bago sumubo ng pagkain. Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunch na. Kung tutuusin, wala akong ganang kumain dahil sa nangyari sa first subject ko. Sa buong klase niya, nakayuko lang ako at nagbabasa ng libro. May ilan pa ngang nanukso sa'kin sa ginawa kong pagsigaw sa klase. Kesyo ngayon lang daw nila ako nakitang sumigaw bukod sa pagiging mainitin ang ulo minsan. "Oo nababaliw na ako," wala sa sarili kong sagot bago kunin ang shake na ininom ko. Kailangan kong magpalamig, masyadong okupado ang utak ko dahil sa professor na 'yan. Sa sobrang okupado, pa ulit-ulit na nagfa-flashback sa utak ko ang nangyari sa'min kagabi. "Aish!" maktol ko, inub-ob ko ang aking mukha sa mesa at ilang beses na minura ang sarili. "Hala sis... nababaliw ka na nga talaga," natatawang sabi ni Dale na ikinaangat ng aking tingin. Sinamaan ko siya pero isang matamis lang na ngiti ang binigay niya. Bumaba ang tingin ko sa labi nito na mabilis ko lang ding ikinapikit. Nakakainis! Kung bakit naman kasi lasing siya kagabi! Buti na lang at naitulak ko siya kundi baka sa iba na napunta ang halik na 'yun at kamay. Makasalanang kamay! "Alam mo sis, mas magandang pumunta na lang tayo ng bar after class. Wala rin lang namang klase bukas, para naman mawala yang pagkabaliw mo." "Pass, may mga research akong gagawin." "Treat ko." Umaliwalas ang aking mukha sa sinabi niya na nagpaupo sa'kin nang maayos. "Well... kung treat mo pwede ko namang gawin 'yun sa mga susunod pang araw. I have a lot of time." "Basta libre mabilis ka." Kinindatan ko siya. "Syempre naman masarap kaya ang libre. Isa pa, alam ko namang maghahanap ka ng mga lalaki mamaya." "Ay tama ka diyan sis! Wait lang i-chat ko ang iba para naman marami tayo later," excited niyang sabi na hinayaan ko lang. Sinimulan ko na ulit ang paglamon, oo lamon. Baka sa paraang ito tuluyan nang mawala ang inis na nararamdaman ko kapag kumain ako. Kasi diba ang sabi nila, food is a therapy or ako lang ang nagsabi nun? Whatever. "Miriana." Katulad nang nangyari kanina sa labas ng room, nasemento ako sa kinauupuan ko at nagsimula na naman akong makaramdam ng matinding kaba. Bakit ba sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko lagi na lang akong kinakabahan? Mas tumindi lang ngayon dahil sa nangyari kagabi. Oo may paghanga ako sa kanya pero masyado naman atang malakas ang tama ko. "Yes, sir?" Pilit kong pinapakalma ang aking sarili at maging normal, pero hindi marunong makisama ang sarili ko. Kainis! "Pwede ba tayong mag-usap after ng klase mo mamaya?" nakangiti niyang tanong na agad kong ikinaiwas ng tingin. Nilipat ko ang tingin ko sa tenga niya para makausap ko siya nang hindi nagmumukhang tanga. Please lang sir 'wag kang ngumiti, nakaka-distract. "Tungkol po saan?" "Regarding sa assignment na pinasa mo. May ilang errors doon, ayoko kasing bumagsak ang mga studyante ko lalo na ang mga graduating kaya meet me in my office later." Assignment? Wow. Wow talaga. "Uhm... sir ako po? May errors po ba sa pinasa ko?" malanding tanong ni Dale na aking ikinairap. Kahit kailan talaga ang binabaeng ito, basta gwapo o cute lalandi. "You're Cristoval right?" "Yes, po." Halata sa boses niyang kinikilig siya sa sinabi ni sir. "Wala naman, si Ms. De Guzman lang talaga ang may errors." Errors. Nag-research ako ng maigi para sa assignment na 'yun. Ano namang errors ang mali? "Mind telling me sir anong mali sa pinasa ko?" lakas loob kong tanong na nagpawala ng ngiti ni Dale. Tinignan niya pa ako na may tanong sa kanyang mata pero hindi ko 'yun pinansin at muling binalik ang tingin kay sir. Sobra na talaga siya. Hindi ako iresponsableng studyante kaya bakit magkakaroon ng errors ang pinasa ko? At ngayon pa, what a coincidence. "Malalaman mo mamaya, just meet me in my office." Sumingkit ang mata niya ng ngumiti siya bago kami iwan. Napakuyom ang kamao ko sa naging asal nito at inis na napasabunot sa aking buhok. "Baliw ka na ba talaga girl? Parang dati kinikilig ka kapag kinakausap ka niya. Tapos ngayon... nako-nako gusto mo ba ng ice?" may halong panloloko niyang sabi. "Bwisit." ▪▪▪ Kumatok muna ako ng dalawang beses bago tuluyang pumasok sa loob ng office at marahang isara ang pinto. Pagpasok ko, nakasuot siya ng glasses habang may hawak siyang papel sa isa niyang kamay. Nakatupi ang black long sleeves nitong suot at nakabukas din ang dalawang butones. Nagpadagdag pa sa kagwapuhan niya ang hindi gaano kagulong buhok nito na nakakaakit tignan. 'Miriana! 'Wag kang magpalinlang!' Inalis ko sa isipan ko ang aking mga iniisip bago lumapit sa kanya at tumikhim para kunin ang kanyang atensyon. Nang magtama ang aming paningin, nagsimula na naman akong kabahan na talaga nga namang nakakainis na. "Ano po yung ERRORS sa pinasa ko?" Hinighlight ko talaga ang salitang 'errors' na kanina niya pa sinasabi. Inalis niya ang suot niyang glasses saka tinuro ang upuang malapit lang sa'kin. "Umupo ka muna," sabi niya na sinunod ko na lang. Wala akong balak magtagal dito kaya sige sundin na lang natin ang mga sinasabi niya. "About what happened last night..." pauna niyang sabi na ikinakunot ng noo ko. So naalala niya ang nangyari kagabi? At talagang dinahilan niya pang may mali ako sa pinasa ko, for this? "It's just a mistake sir." Ako na ang nagtapos ng gusto niyang sabihin dahil alam ko namang 'yun ang sasabihin niya. Katulad ng mga lalaking laging nakakagawa ng mga ganung bagay kapag lasing sila. "No, it's not a mistake Miriana," sincere niyang sabi na nagpakunot ng aking noo. Kita ko kung paano niya kagatin ang kanyang labi at parang kinakabahang tumingin sa'kin. Makailang beses pa siyang huminga bago muling nagsalita. "I know it's wrong but, I'm attracted to you." Hindi ako nakakurap agad sa sinabi niya, bumilis ang pintig ng puso ko sa aking narinig at para bang nabingi ako. Tama ba ang narinig ko? "And to be honest, kahit na mali. Nagustuhan ko ang nangyari sa'tin kagabi." Hindi naalis ang tingin ko sa kanya, pilit kong tinitignan ang mga mata niya kung nagsisinungaling ba siya. Pero walang bahid na pagsisinungaling akong nakikita roon. "I... I--I'm speechless," mahina at hirap kong sabi. Paano ba mag-react sa ganitong sitwasyon? Like, I really don't know what to say. Hindi ko inaasahang ito ang sasabihin niya unlike sa inaasahan kong magiging sagot nito. Tumayo siya sa pagkakaupo na nagpatayo rin sa'kin agad. Ewan ko pero kailangan ko ng makaalis dito. "Miriana..." "Kung wala naman po kayong sasabihin regarding sa pinasa ko, mauuna na po ako," mabilisan kong sabi bago patakbong lumabas sa opisina. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Anong sinabi niya? He's what? EPILOUGE "Kanina pa kita hinahanap ang tagal mo." Napabuga ako ng hangin bago tumayo ng maayos. "Anong itsura 'yan? At bakit pulang pula yang pisngi mo?" Bago pa man ako mahawakan ni Dale, tinapik ko na ang kamay nito. "May hinabol lang ako, tiyaka mainit." Inayos ko ang bag na suot ko. Bakit kailangan niyang umamin ng ganun? Ang bilis ng t***k ng puso ko sa gulat. "Bahala ka na nga. Halika na para makapag-ready pa tayo sa party mamaya." Inangkla nito ang kamay niya sa aking kamay na hinayaan ko na lamang. ▪▪▪ "Hello po tita." Nakipagbeso-beso siya sa'kin na may pahabol pang kurot sa pisngi ko. "Ang ganda mo talaga Miriana. Bagay kayo nitong si Dale." "Mudra..." "Nako tita 'wag na po kayong umasa, halos lahat na ata ng gwapong lalaki sa school gusto niya," biro kong sabi na ikinasimangot nito. Kwento niya sa'kin na gusto niya ng maraming apo pero mukhang malabo. Masyadong malambot itong si Dale para magka-asawa. Himala na lang kung magkakagusto siya sa babae. "Kukunin ko na siya sa'yo mudra, mag-aayos pa kami." Hinila na ako nito palayo kay tita at bago pa man kami makalayo, may sinigaw siya. "Ayos lang talaga sa'kin kung may gagawin kayong milagro!" Natawa ako pero itong si Dale ay nakasimangot lang. "Bakit kasi hindi mo pagbigyan si tita?" sabi ko pagdating namin sa kwarto niya. Nauna siyang pumasok sa loob bago ako. "Yuck Miriana, ayoko ngang makipagtalik sa'yo." "Tanga, hindi ako papatol sa'yo. What I mean is, another girl beside me." Umupo ako sa kama niya habang siya'y dumiretso sa walk-in closet. May mga damit doong pangbabae dahil mahilig niya akong damitan. "Never Miriana, never akong magkakagusto sa babae. Besides, maraming lalaki diyan na katulad ko I just need to find the right one. Here, try mo ito." Kinuha ko ang inabot niya at pinagmasdan. Nilapag ko rin muna ito sa kama bago isa-isang tanggalin ang damit. Kahit maghubad ako sa harap niyang si Dale wala siyang pakialam. Natu-turn on lang siya kapag lalaki na ang kaharap. "Paano kung isang araw magkagusto ka sa babae? Anong gagawin mo?" "Nako tigilan mo nga ako sa usapang 'yan." Lumapit ako sa kanya para tulungan akong isara ang zipper ng damit. "Come on... just give me an answer." "Kung magkakagusto ako sa babae, hindi ko alam kung ano bang dapat gawin because ghorl, I'm gay, you can't convince someone to be straight because he likes girls in just a day. Siguro sariling kilos ko na ang magdidikta kung magkagusto man ako sa babae." Well... he has a point. Our actions are the one who governs our entire system. "Pero kapag nagkagusto ka sa babae, magpapa-piyesta ako." "Sa'yo na lang 'yang pampa-piyesta mo dahil malabo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD