Chapter 22 - Effect

2436 Words

CHAPTER 22 - Effect PARANG ngayon ko lang naranasan ang kumain ng ice cream nang hindi nag-e-enjoy. Tila ba ang matamis nitong lasa ay walang-wala sa nararamdaman kong pakla. Ni hindi nito mapalitan ang nararamdaman ko. Bumuntong hininga ako at bumaba ang tingin sa ice cream. Akala ko kapag kumain ako nito ay gagaan ang pakiramdam ko, pero nagkamali ako. Kahit ang paborito kong pagkain ay walang laban sa epekto sa akin ni Domino. Masyado na akong naguguluhan dahil sa sitwasyon namin ni Domino, mas lalo niya pa itong ginugulo dahil sa pinaggagawa niya. Ano ba talaga ang plano niya? Ano ba talaga ang gusto niya sa akin? Kung tutuusin, aakalain mong magkasintahan na kami ni Domino bago ko siya iwasan. Sobrang lapit na namin sa isa't isa at ang ginagawa namin ay hindi pangkaibigan lang. Ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD