CHAPTER 53 - New Mission "CAN I go outside?" Iyon ang bungad ko kay Zen nang dalhan niya ako ng agahan sa loob ng kwarto ko. Kumunot ang noo niya at napatitig sa akin, tila naguguluhan sa inaakto ko. "Zen, can I go outside?" pag-uulit ko sa tanong ko nang ilang segundo na ang lumilipas ay wala pa rin akong nakukuhang tugon sa kanya. Bumakas ang pagdadalawang-isip sa kanya. "Pero—" "Tulad nga ng sinabi mo, nasa isang isla tayo. Walang ibang tao kundi tayo-tayo lang. Wala rin akong planong languyin ang malaking dagat. I just want to breathe a fresh air. Nasu-suffocate na ako rito sa kwarto ko," putol ko sa kanya bago niya pa matapos ang sinasabi. Kita ko ang pag-iisip niya sa harapan ko. Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido at may pangamba pa rin sa kanya. Malalim akong bumuntong hinin

