CHAPTER 69 - Desperate "IT'S been a month since we tried to capture Maureen, at simula nang gabing 'yon ay nawala na naman siya na parang isang bula. Pati ang mga pulis ay hindi siya mahagilap." Pare-pareho kaming bumuntong hininga nang marinig ang sinabi ni Mr. Alvarez. Bakas sa aming lahat ang pamomoblema. "Siguradong nagpapalamig 'yon," ani Risk. Tumango ang ama niya bilang pagsang-ayon. "Oo, nagpapalamig siya kaya hindi pa nagpapakita. Pero sigurado rin ako na sa oras na magpakita siya, may dala siyang banta sa atin. Si Maureen ang tipo ng taong hindi titigil hangga't hindi nakakaganti. Her heart is full of hatred. At sa nangyari sa huling pagkikita-kita natin, sigurado akong si Haelynn ang magiging target niya." Hindi na ako nabigla sa narinig. Tanggap ko na ang tungkol sa bagay

