CHAPTER 40 - New Plan "WE will execute our plan as soon as possible," may diin na sambit ni Tita Maureen nang matapos niyang ipaliwanag ang plano niya. "How about the maids? The driver? Paano kung madamay sila?" sunod-sunod kong tanong nang maalala ang tungkol sa bagay na iyon She shook her head. "Hindi sila madadamay, Haelynn. We will make a scene to make them leave that house before it explodes." Nawalan ako ng imik sa sinabi niya at bumaba ang tingin sa sahig. Nababaliw na nga siguro ako. Dala ng matinding galit kay Mrs. Alvarez ay pinakinggan ko na ang isinuhestiyon sa akin ni Tita Maureen. Kung hindi ko makukuha ang hustisya para sa pamilya ko sa maayos na paraan... ako ang kukuha nito. Hindi ko na kayang makita pa ang nakangiting mukha ni Mrs. Alvarez habang ang buong pamilya

