Chapter 7: Deal

1684 Words
AMARA: Pagod na umupo ako sa upuan na nasa gilid ng kama ni Andre. Pagkatapos naming mag-usap ni Shaq ay dito na ako dumiretso. Pinauna ko ng uwi si Jackson, tutal din naman ay pagod na akong pakinggan kung gaano niya kagustong pumasok sa YA's Agency. Wala siyang kaalam-alam kung ano talagang koneksyon ni Andre at Shaq sa isa't isa. Wala rin siyang idea na magkakilala naman talaga kami ni Shaq bago pa kami magkita sa opisina ni Mr. Gulo. Kung alam lang niya ay panigurong hindi niya na gugusthing naging boss si Shaq. Ganoon lang si Jackson pero sobrang overprotective rin. "Bakit ang tigas ng kapatid mo?" wala sa sariling sabi ko. Sinabi ko naman kay Shaq ang tungkol sa kalagayan ng kapatid niya. Na posible itong mamatay, pero imbes na maawa ay hinihingan pa niya ako ng kapalit. Nahilot ko ang sentido ko nang muling bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina. Hindi ako puwedeng pumayag sa gustong mangyari ni Shaq. Kailangan kong gumawa mg ibang paraan. "Andre, gumising ka na, please. Hindi ko na alam ang gagawin ko..." may pakikiusap ang tono ko. Umaasa na magkakaroon ng himala na bago siya matanggalan ng life support ay gumising na siya. Iyon na lang yata ang tanging pag-asang matapos ang mga problema. Although may mga kailangan pa kaming bayaran mula sa mga damage na gawa ng aksidente, pero at least buhay siya. At least hindi namin kailangang matakot na baka isang araw ay kunin na siya sa amin. "Amara?" Napabaling ako sa may likuran ko nang marinig ko si Tita Celine. Nasa may pinto siya at nakatitig sa akin. Mukhang galing nanaman siya sa kung saan, malamang naghahanap ng mapagkakakitaan. "Tita." Lumapit siya sa akin. Sumulyap muna siya sa anak bago ako muling pagmasdan. "Bakit nandito ka pa? Kahapon ka pa walang pahinga, dapat niyan ay nagpapahinga ka." Ngumiti ako. "Okay lang po. Gusto ko lang pong makita si Andre." Kanina iniisip ko pa kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na sinubukan kong hingan ng tulong si Shaq. Pero ngayong kaharap ko na si Tita ay naisip kong 'wag na lang siguro. Hindi lang naman ako ang wala pang pahinga. Isang gabi pa nga lang akong hindi nakakapagpahinga. Pero si Tita, mula nang maratay si Andre ay hindi na. Malaki rin ang pinayat ni Tita. Hindi na siya nakakakain maayos dahil sa pagtitipid, madalas ay wala na rin sa oras. Kaya nga minsan ako na ang nagdadala ng pagkain para sa kaniya, nang sa ganoon ay hindi na siya manghinayang sa gastos. Kung sasabihin ko pa at ipapaalala ang katigasan ng anak niya, malamang lalo lang siyang mamomroblema. Tumayo ako muka sa silya at siya ang pinaupo ko. "Tita, nga pala. Magbebenta po ako ng ilang gamit ko, para makatulong." Marami akong damit na isang beses o hindi ko pa nagagamit. Naisip kong ibenta iyon sa mga store na tumatanggap ng mga damit na kinalumaan na at puwede pang ibenta. Ngumiti siya nang marahan. "Salamat, Amara. Ayoko na sanang tanggapin ang mga tulong mo dahil nahihiya na ako sa Kuya Flo mo. Baka isipin niya na pinahihirapan at sinasamantala kita, pero kailangan ko talaga, e." "Tita, okay lang po. Matagal na rin po kayong kaibigan ng magulang namin, hindi na big deal iyon." "Salamat, pero kailangan mo talagang magpahinga. Iyon na lang ang tanging maibibigay ko sa 'yo." Gusto ko pa sana siyang samahan pero pinagpilitan niya nang umuwi ako, kaya bandang huli ay sumuko na rin ako. Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong kaagad ako ni Jackson. Hindi alam nina Kuya at Jackson na umalis pa ako kahapon. Minsan kasi ay nagigising na talaga silang wala ako, kaya normal lang na inisip nilang kaya wala ako ay dahil maaga akong pumasok. "Hindi mo uli sinabi kay Kuya Flo na tinawagan ka ng adviser ko?" nakahalukipkip na sabi ni Jackson habang sumusunod sa akin papasok ng kuwarto. "Hindi. Ikaw, sinabi mo na bang gusto mong maging agent?" Umiling siya. "Tulungan mo ako." Tinagiliran ko siya ng ulo. "Baka nakakalimutan mong hindi rin ako sang-ayon?" Ngumuso lang siya. Pagod na tuluyan na akong pumasok sa kuwarto ko at ibinagsak ang sarili sa kama. Doon ko lang mas naramdaman ang pagod ko. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang bumangon para maghilamos. Napatingin ako kay Jackson nang humiga siya sa tabi ko. Wala sa sariling napangiti ako nang yakapin niya ako. "Sorry, Ate. Parang ang dami ng problema mo pero dinadagdagan ko pa." Natigilan ako. Bigla kong naalala na napagtaasan ko siya ng boses kanina. Hindi ko naman iyon sinasadya, sadyang pagod lang ako at maraming iniisip. Hindi ko na nakontrol ang emosyon ko. "Okay lang, kapatid naman kita, e, responsibilidad kita." Bahagya akong humiwalay sa kaniya at tiningnan siya. "Bukas sasabibihin natin kay Kuya Flo na gusto mong maging agent, okay?" Ngumiti lang siya at isiniksik ang braso niya sa likod ng ulo ko. Nangingiting iniangat ko ng kusa ang ulo ko at umunan doon. "Pahinga ka muna, Ate." Ngumiti lang ako at yumakap kay Jackson. Mabilis akong hinatak ng antok ko dahil sa init ng pisig niya. Maswerte pa rin ako dahil meron akong kapatid. Hindi basehan ang edad, kung sino dapat ang mas malakas. Ang mahalaga ay magkasama kami at magkaramay. Kinabukasan ay nagising ako sa alarm. Bago pa magising si Jackson na natulog na rin sa kuwarto ko ay pinatay ko na iyon. Mainit pa ang ulo sa akin ng supervisor ko kaya naman hindi ako puwedeng ma-late. Kailangan kong magpabango ng pangalan sa kaniya. Naging dahan-dahan ang kilos ko, sa banyo na rin ako nagbihis matapos kong maligo para if ever na magising si Jackson sa kilos ko. Nakangising nagsulat ako sa sticky note at sinabing ayusin niya ang kama ko pagkagising niya, saka iyon dinikit sa noo niya upang siguradong mababasa niya. Pagkababa ko ay madalian akong nagluto ng almusal at ibabaon ni Jackson. Si Kuya Flo naman ay sa cafeteria nila kumakain. Si Jackson ay ayaw sa pagkain sa labas, gusto lang niya ay ang luto namin. When I'm all done, I left home. Nang nakarating ako sa trabaho ay inayos ko kaagad lahat ng dapat ayusin. Hindi ko na hinintay na singhalan ako ni Miss Michelle. Buong araw kong inabala ang sarili ko sa trabaho, kahit na iyong ibang katrabaho ko ay panay lang naman sng tsismisan. Ang naging pahinga ko lang ay ang lunch. Tumatayo lang din ako kapag may darting na mga kliyente o may dadaan na boss namin para lang batiin. Pagtapos ay balik kaagad ako sa monitor. Iyong pinapagawa sa akin ni Miss Michelle noong isang araw ay sa iba niya na pinatapos. Para bang ayaw niya na akong pagkatiwalaan. Kahit na nakuha ko ang oo ni Mr. Villenueva, para bang kaagad iyon nawala sa isipan niya dahil lang sa isang mali ko. Mas mahirap talagang alagaan ang magandang image kaysa sa bad image. Kumbaga, napakadali lang para sa itim na takpan ang puti, samantalang ang puti ay hirap na hirap takpan ang itim. "Amara!" Halos mapapitlag ako nang mula sa malalim kong pag-iisip ay bigla akong tinawag ni Miss Michelle. Parang ang init init ng ulo niya pero trying hard siyang maging kalmado. Masusungit ba talaga ang mga matatandang dalaga? Tumayo ako at humalukipkip. "Yes, Ma'am?" "At may office," sabi lang niya at umalis na. "Lagot ka nanaman yata," bulong ng katrabaho kong malapit lang ang desk sa akin. Pinamilugan ko siya ng mga mata. "Wala na akong ginawang masama, ah! Promise!" "Kaya nga gumora ka na, tsismis mo sa amin," halakhak ng LGBT kong office mate. Napapailing na tumuloy na nga lang ako at sumunod. Nagdala pa ako ng notebook at ballpen, in case na kailangan. "Ma'am?" Naabutan ko siya sa harap ng desk niya at may inaayos na mga papeles. Humarap siya sa akin. Gusto kong ngumiwi nang ngumiti siya na akala mo ay napakaamo niya. Creepy. Iniabot niya sa akin ang isang folder. Nagtatakang kinuha ko iyon. Nang makita ko ang nakalagay na title ay alam ko na kaagad na itong pinatatapos niya sa akin noong isang araw. "Gusto mong mag-advance ng salary, 'di ba?" Gulat na naipabalik ang mata ko sa kaniya. Hindi pa ako nakakapagsalita ay pinutol niya na uli ako. "Bibigyan din kita ng reward, pero gusto ko makuha mo ang oo ni Mr. Millers. Samahan mo siya sa isang party sa susunod na gabi." "Po? Samahan?" naguguluhan kong sabi. Kung page-present lang nitong proposal ay walang problema iyon. Trabaho ko iyon at magaling ako roin, pero bakit ko pa siya sasamahan sa isang party? "Mr. Millers saw you yesterday here in my office, and he likes you. Ang sabi niya ay pakikinggan niya lang ang proposal kung mapapapayag kita na samahan siya sa party na dadaluhan niya. Doon na rin daw niya papakinggan ang proposal natin." Napakurap ako. "Ma'am, sigurado po ba kayo rito? Hindi naman po kasama sa job description ko ang maging escort." Tumingin siya sa itaas na para bang pigil na pigil siyang irapan ako. Siguro kaya pinipigilan niya ang sariling sungitan ako ay dahil may kailangan siya sa akin. Eto 'yon. "Amara, come on! Is that even necessary? Papayagan kitang mag-advance, kagaya ng hiling mo kahapon. Bibugyan pa kita ng reward na dagdag sahod, at double day-off. Not bad, right? Isang gabi lang naman na accompany mo ang hinihingi niya, you don't have to worry." Natigilan ako at nag-isip. Hindi ko naman kilala ang Mr. Millers na iyon, pero kailangan ko rin kasi talaga ang ino-offer ni Miss Michelle. Nauubos na rin ang isang linggo ko at malaki pa ang kulang sa one hundred thousand na kailangan ko. Kung makukuha ko ang proposal ay automatic nang may bonus ako, kahit wala ang kasunduan na ito. At dahil sa mga pangako ni Miss Michelle ay siguradong makakatulong pa ang dagdag salary na reward niya sa akin, plus makakapag-advance ako. Not bad. Date? Bahala na, hindi naman ito ang unang pakikipag-date ko sa hindi ko boyfriend. Wala rin naman akong boyfriend ngayon, so, bahala na. "Deal, Ma'am."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD