“Uy, tulala ka na naman.” Tinabihan sya ni Tata sa pagkakaupo at hinimas-himas ang kanyang balikat, tsaka ipinatong ang baba roon. Halos sabay pa silang napabuntong hininga. “Wala pa rin bang balita kung babalikan ka pa?” tanong nito sa kanya. Isang marahan na iling lamang ang kanyang isinagot sa kaibigan. Panandaliang kaligayahan, yon ang tawag ni George sa namagitan sa kanila ni Adam halos isang buwan na ang nakakaraan. Hindi na nila nagawang magpalitan pa ng numero ng lalaki dahil sa pagmamadali nitong umalis. Naalala pa nya ang naganap nang gabing iyon... >>>> “George kailangan na naming umalis ni Bless. Nagkaroon kasi ng problema sa Maynila." Di pa man tapos kumain ay kinarga na ni Adam ang bata. Biglang binundol ng kaba ang aking dibdib, dahil na rin sa p

