“Mahal...gising na...” Hindi agad nagmulat ng mga mata si Georgina, ngunit agad humulma sa isang matamis na ngiti ang kanyang labi. Naramdaman nya ang mahigpit na pagyakap ni Adam sa kanyang baywang at ang pagsubsob nito sa kanyang leeg. Idinilat nya ang isang mata. Napakunot ang kanyang noo nang makitang madilim sa labas. Muli nyang ipinikit ang mga mata at ninamnam ang maiinit na katawa na mahigpit na nakayakap sa kanya. Two weeks ago nang ipagtapat ni Adam kay Bless na si Cedric ang tunay nitong ama. Tandang-tanda pa nya nang umuwi ang nobyo na nanlulumo at mugto ang mga mata. Ngunit sa kabila noon ay sinalubong pa rin sya nito ng isang ngiti. Hindi rin nito nakalimutan na uwian sya ng pasalubong, ang pinaglilihian nyang ube halaya. Doon na rin ito tumutuloy sa kanila mula n

