“Ang galing, Mahal! Tatlong three points! Astig talaga non. Kaya idol ko yung basketball player na yon eh! Lupet!” with actions pa si Adam habang nagkwe-kwento. Nasa sala ito at nanonood ng NBA, habang sya naman ay nasa harapan ng lababo. Naghuhugas sya ng plato, pero wala roon ang kanyang atensyon. Sa totoo lang ay lumilipad ang kanyang isip. Ilang araw ding di sya pinatulog ng kanyang desisyon... desisyong siguradong pagsisihan nya sa bandang huli pero alam naman nyang iyon ang tama. Di na nya mabilang kung ilang beses syang humugot nang malalim na paghinga. This is it pansit! Kung hindi ngayon, kailan pa? Habang tumatagal ay lalong sumasarap... este lalong sumasakit ang kanyang puso. Isang matipunong bisig ang yumakap sa kanyang bewang mula sa kanyang likuran. Hinawi ni Adam ang

