Chapter 6: Meeting his friends
TITIG na titig ako sa mga kaibigan na ipinakilala sa akin ni Joavani. Sa dami nila ay hindi ko alam kung kaya ko bang tandaan ang mga pangalan nila. Base pa lamang sa mga mukha nila at ayos nila ay alam kong galing sa mayayaman na angkan ang mga ito. Halatang-halata na dahil walang duda iyon. Pareho silang magagandang lalaki at ang lakas din ng dating nila.
“Buds, this is my future wife. Gotchelle Ramirez. Sweetheart, they are my friends. Jaydel, Poirier, Azemeir, Bunker, Recinos, Snider, Cleneghan, Zuresh, Hesperos, Oriphyn, Gaspar, Hajewei, Wooben, and Ladonio.” Umawang ang labi ko sa mga pangalan na binanggit niya. Sa dami nila. Hays.
Inalapit ko ang mukha ko sa kanya para sana bumulong sa tainga niya pero siya mismo ang kusang lumapit sa akin at humilig. “Seriously, Joavani? Parang hindi ko agad sila matatandaan,” ani ko at hinaplos niya lang ang likuran ko.
“Madali lang naman silang kilalanin,” sabi niya lang sa akin at napailing ako. Hindi ako, siya.
“Hi, Gotchelle. Nice to meet you.” Lahat sila ay iyon ang sinabi nila sa akin pero maliban na lamang sa isa.
Si Jaydel, ang seryoso masyado ng ekspresyon ng mukha niya. “Ms. Gotchelle, you better take care of my friend dahil sa lahat ng mga kaibigan ko rito ay si Joavani ang mas inaalala namin,” sabi niya at alam kong isa na talagang paalala pa iyon. Tumango pa ang iba at nag-agree sa kanya.
“Jay, don’t scared my fiancé, hey,” sita ni Joavani sa kaibigan niya at hinila pa niya ako na parang sasaktan ako nito at pinoprotektahan na niya ako agad. Napahawak na ako sa baywang niya dahil ang kanyang kamay ay nasa balikat ko na. Nakaakbay na siya sa akin.
Naiintindihan ko kung bakit iyon ang sinabi niya. Siguro dahil mas mabait si Joavani sa lahat ng mga kaibigan niyang nandito? At kakaiba ang personality nito. Magaan naman talaga kausap at wala kang nararamdaman na may gagawin siyang masama sa ’yo and besides doctor siya after all. Siguro natatakot lang siya na kaya kong saktan ang kaibigan niya.
“Yes, I will,” sabi ko at seryoso kong tinitigan si Joavani na agad nagtagpo ang aming mata. “I will take care of Jov,” dagdag na sambit ko pa at nakita ko ang kasiyahan sa mga mata niya.
Hinalikan pa niya ang tungki ng ilong ko na nagbigay na naman ng paruparo sa aking tiyan bago ko inilipat ang tingin ko kay Jaydel.
“Good. Ang isang mabait na tao ay hindi mo gugustuhin na makita kung paano siya magalit. Iyon lang ang palagi mong tatandaan, Ms. Gotchelle,” sabi pa nito na may diin ang kanyang salita. Bayolenteng napalunok tuloy ako.
Natakot ako sa presensiya nito at sa babala niya kung kaya’t naman naisipan ko na maging seryoso na lamang ako sa sinabi ko but...gusto ko pa rin ng closure namin ni Marjon. So, I can finally let him go for real and I can love Joavani.
Wala naman akong nakikita na makakaya akong saktan ni Joavani at baka ako pa nga ang makagagawa no’n sa kanya.
Ngunit nang sinabi ko na aalagaan ko nga ang kaibigan nila ay nakita ko na ang totoo nilang pag-uugali, mabubuting tao naman talaga sila. May mga kasal na at engaged.
Nasa isang café kami at nalaman kong may pagmamay-ari ito ng isa sa kaibigan ng fiancé ko. Iginiya ako ni Joavani sa kabilang table at hinayaan kami ng mga ito na makaalis.
“You want a coffee, sweetheart?” Napatikhim ako. Hindi ako nasasanay sa pagtawag niya sa akin ng ganoon. May kasama pa kasing lambing ang kanyang boses.
“Mas gusto ko ang malamig na drinks. Ayoko muna sa kape,” sabi ko at tumango siya. Tumayo siya para umo-order ng drinks ko.
Napatingin naman ako sa cellphone ko na nasa ibabaw ng table. Umiilaw ito. Naka-silent mode kung kaya’t hindi maririnig ang ringtone, bagkus ang vibration lang nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan na lumitaw sa screen ng cellphone ko kasama na ang picture ni Marjon. Sinagot ko agad ang tawag. Naisip ko kasi na baka hindi na ako tatawagan pa ni Marjon. Nabigla pa ako.
“Hello?” I answered my phone.
“Gotchelle... Please...puntahan mo naman ako ngayon.” Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang mag-request sila agad na puntahan ko siya.
Ngunit ang tono ng boses niya ay parang nakainom siya ng alak. He’s drunk.
“Where are you?” I asked him at napasulyap pa ako sa mga kalalakihan nang maramdaman ko ang malamig na pagtitig sa akin. Mabilis akong nag-iwas nang tingin at hindi ako nagpahalata sa kanila na may tumatawag sa akin na ibang lalaki.
“Nasa condo ako, Gotchelle. Puntahan mo ako, please...” nakikiusap na sabi nito sa akin.
Mahalaga para sa akin si Marjon at mahal ko pa rin talaga siya. Ang hirap niyang tanggihan at hindi na ako nagdalawang isip pa na tumayo mula sa kinauupuan ko.
“Gotchelle?” Nilapitan ko si Joavani. Hinalikan ko siya sa pisngi niya na ikinagulat pa niya.
“Pupunta muna ako sa kompanya namin. May kailangan kasi akong tapusin doon, eh,” ani ko at magsasalita pa sana siya nang mabilis na akong umalis doon. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin na hindi ko pinansin pa.
***
May condo si Marjon at alam kong pinaghirapan niya na mabili ito gamit ang pera niya. Ilang beses na rin akong nakapunta rito dahil madalas ay tumatambay kami sa unit niya. Kapag hindi kami nagdi-date sa labas.
Nasa 12th floor ang condo niya. Hindi na ako nag-doorbell pa dahil alam ko na ang passcode. Pagpasok ko ay hinanap ko siya sa loob.
“Marjon?” I called out his name ngunit walang sumasagot kaya dumiretso ako sa room niya and doon ko siya nakita.
Nakahiga siya nang padapa at wala siyang saplot pang-itaas. Kahit ang kumot and bedsheet niya ay ang gulo pa. Nagkalat ang mga bote ng beer sa sahig. I took a deep breath. Bago ko pa man pulutin iyon isa-isa ay bumangon na siya at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
“What are you doing here?! Get out!” Napaatras ako sa gulat nang bigla siyang sumigaw at halata sa mukha niya ang galit.
“Marjon, ako ’to si Gotchelle,” ani ko pero sunod-sunod na ang pag-atras ko nang nanlilisik na ang mga mata niyang tinitigan ako.
Kaya hindi ko na hinintay pa ang makalapit siya dahil pakiramdam ko ay sasaktan niya ako. Nagmamadali na akong lumabas at sa paglabas ko nga ay may babae pa akong nabunggo.
“Sorry!” bulalas ko at seryosong sinulyapan lang ako nito saka siya nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko dala ang sasakyan ko, dahil noong inaya na nga ako ni Joavani na lumabas ay gamit niya ang sasakyan niya.
Pinuntahan ko ang nag-iisang kaibigan ko na si Agnes Corajon. Napangiti pa siya nang makita niya ako. Agad niya akong pinapasok sa loob ng opisina niya.
She’s an interior designer at may sarili rin siyang kompanya. Mas matanda lang siya ng dalawang taon kaysa sa akin.
“What brought you here, Gotchelle?” tanong niya sa akin habang nagtitimpla siya ng kape para sa akin.
“Malapit na akong ikasal, Agnes,” sabi ko na ang layo ng tanong niya sa naging sagot ko.
“Oh, congrats then. Nag-propose na pala sa ’yo si Marjon.” Umiling ako dahil hindi si Marjon ang pakakasalan ko.
“No. Hindi si Marjon. Ibang lalaki,” sabi ko at nagmamadali na siya sa ginagawa niya para lapitan ulit ako dala na ang dalawang cup of coffee na tinimpla niya.
“How did it happen?! Si Marjon lang ang alam ko na boyfriend mo, dear! Nagkaroon ka na ng ibang lalaki ng hindi ko nalalaman?” gulat na tanong niya at napabuntong-hininga ako. Mataman pa niyang tinitigan ang mukha ko.
“Family tradition,” sabi ko at doon niya lang naintindihan ang ibig kong sabihin na ikakasal na ako sa ibang lalaki.
Naikuwento ko rin naman sa kanya ang tungkol dito. Siya mismo ang nag-suggest sa akin na humanap muna ng karelasyon bago pa man mangyari ang nakagawian ng family ko.
Kahit alam niyang walang patutunguhan ang magiging relasyon ko sa iba kung hindi naman siya ang pakakasalan ko sa huli, and there si Marjon na nga ang naging boyfriend ko and my first love.
“Oh, that. So, sino ang future husband mo?” interesadong tanong niya sa akin.
“It’s a doctor,” I answered at kinuha ko ang baso saka ako uminom ng kape. Napanguso ako dahil naalala ko na nag-order pala si Joavani kanina ng drinks ko pero hindi ko man lang nainom. “Ayoko na ng coffee,” ani ko.
Hindi niya iyon pinansin dahil interesado talaga siyang malaman kung sino ang tinutukoy kong mapapangasawa ko.
“Sino? Sino, Gotchelle? Sabihin mo,” pamimilit niya sa akin.
“Don’t acting like kilala mo ang lahat ng doctor sa mundo, Agnes,” supladang sambit ko.
“Kilala mo ako, Gotchelle. Mahilig ako sa boys especially if guwapo,” nakangising sabi niya at inikutan ko siya ng mga mata ko.
Ganito talaga siya, umaakto na parang kilala niya ang lahat ng lalaki sa mundo. Mabait naman talaga siya pero kung ang ibang tao ang titingin sa kanya ay parang future kabit siya ng mga kalalakihan na may asawa na. Mang-aagaw dahil lang sa gandang taglay niya. May half kasi ang babaeng ito. Half-Italian.
Kung bakit ba kasi ang playgirl niya masyado pero alam ko na virgin pa ang isang ito. Sadyang ganito lang siya. Mahilig siyang makipaglaro sa kalalakihan kaya palaging stress ang Mommy niya. Mabuti raw ay hindi nabubuntis agad.
“Si Joavani Enriquez Lordez,” I uttered my fiancé’s name at bigla siyang napaso ng kape niya. “Agnes, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ko sa kanya at binigyan ko siya ng tubig sa baso.
Kinuha naman niya iyon at uminom siya. Nang mahimasmasan ay malaki ang mga mata niyang tiningnan ako.
“Kilala ko ang doctor na ’yon, dear! Kaibigan siya ni Ladonio ko.” I rolled my eyes. Kilala ko ang pangalan na binanggit niya—though just his name, not his face actually. “Dr. Joavani, I used to flirt with him!” I glared at her when she admitted that.
“Please, tell me that you didn’t kiss him,” mariin na saad ko na humalakhak lang siya.
“Hindi. But his friend Jaydel. Hinalikan ko siya sa harapan pa ng asawa niya kaya hayon sabunot ang nakuha ko from his wife,” natatawang sagot niya sa akin at nanlaki naman ang mga mata ko.
Tuwang-tuwa pa talaga siya na masabunutan, ha? Alam ko na pati pagsampal ay ginawa rin ng asawa ng lalaking hinalikan niya. Ang lakas talaga ng loob niya para gawin niya iyon.
“Agnes Csianelle Corajon!”
“Hindi ko kasi alam na may asawa na si Jaydel! Sorry! Nagsisisi naman ako, girl. Nasaktan ko kasi ang feelings ng wife niya, eh,” wika niya. Nasa boses na nga niya ang pagsisisi sa ginawa niya.
“And wait a minute. What? Jaydel?” Kumunot naman ang noo ko sa narinig na pangalan.
“Kilala mo ba siya? Si Jaydel, the owner of Black Island. Marami siyang kaibigan at isa na roon si Dr. Joavani. Wew,” paliwanag niya.
Mukhang isa na nga roon ang lalaking ilang beses na niyang inakit pero hindi niya makuha-kuha. Si Ladonio na nga, iyong binanggit ni Joavani kanina. Hindi ko akalain na kaibigan pala iyon ni Joavani.
“Kung isa na roon ang Ladonio mo, no wonder kung patay na patay ka sa kanya dahil magagandang lalaki silang lahat pero mas guwapo lang si Jov,” pag-amin ko dahil iyon naman ang nakikita ko.
“Ang suwerte mo naman, girl. Ingatan mo siya dahil mahirap makuha ang mga kagaya niya. Imagine, nilandi ko na siya dati pero wala man lang epekto sa kanya,” sabi niya at inirapan ko ulit siya.
Hindi ko na sinabi pa ang nangyari sa pagitan namin ng doctor na iyon hindi dahil nahihiya akong aminin na hindi na ako virgin o mas nauna pa ang honeymoon namin kaysa ang aming kasal.
Dahil baka pagagalitan niya ako if ever na sinabi ko sa kanya na hindi naman si Joavani ang dapat kong kaano—na ibibigay ko ang sarili ko mismo kay Marjon.
But hindi naman ako nagsisisi sa nangyari sa amin ni Joavani. I don’t even know why basta wala akong naramdaman na kahit na anong pagsisisi. Guilt lang for Marjon, dahil nakipagtalik pa ako sa ibang lalaki kahit may relasyon pa kaming dalawa. Technically, cheater na nga ang tawag ko.
Napahilamos na lamang ako sa mukha ko gamit ang dalawang palad ko.
“Woy, oks ka lang, Gotchelle?” tanong sa akin ni Agnes. “Kung tungkol ’yan kay Marjon na ayaw mo siyang hiwalayan—”
“Break na kami kahapon pa, Agnes,” sabat ko.
“Oh? Mukhang hindi ka naman heartbroken.”
“Pinaalala sa akin ni Jov na kung talagang mahal ako ni Marjon ay ipaglalaban niya ako sa parents ko o hindi niya ako hahayaan na makasama si Joavani kahapon pero wala naman siyang ginawa kundi ang sumbatan ako. Kanina... kasama ko si Jov kasama ang mga kaibigan niya. Tumawag siya sa akin dahil gusto niya akong pumunta. So, I did naman pero kanina...” Huminga ako nang malalim bago ko dinugtungan ang sasabihin ko. “Bigla niya akong sinigawan, natakot ako kanina dahil parang sasaktan niya ako kaya nagmamadali na akong umalis doon. Unang beses niya akong tinakot. Hindi ko maiwasan ang ikompara siya sa magiging asawa ko. Hindi ganoon si Jov, the heck,” mahabang saad ko at napangiti na siya.
“Unti-unti mo na yatang nagugustuhan si doc, ah. Gotchelle, mabait talaga iyan si Joavani, eh. Alam ko naman na hindi ka niya magagawang saktan dahil mabuting tao iyon,” sabi niya.
“Alam ko na iyon,” sabi ko at sumandal sa headrest ng sofa niya.
“Invited ako sa kasal ninyo, ha?” Tumango ako.
“Puwede kang maging bride’s maid ko if you want,” sabi ko.
“Then, i-suggest mo sa doctor mo na gawin niyang partner ko si Ladonio,” suggestion niya at doon na ako tumayo.
“God, Agnes. Tigilan mo na nga si Ladonio. Kung ayaw sa ’yo ng lalaking iyon ay hayaan mo na lamang siya. Hindi bagay sa ’yo na ipilit ang sarili mo sa kanya. Ang daming lalaki riyan na mas deserving para pansinin mo. Huwag mo nang akitin pa si Ladonio,” pangangaral ko sa kanya at tumayo siya para sumunod sa akin.
“Aalis ka na ba?” tanong niya na tinanguan ko.
“Sa company. Magtatrabaho na lamang ako dahil wala naman doon si Marjon. Nagpapakalasing lang siya sa loob ng condo niya,” pahayag ko.
“Please, sabihin mo kay Joavani, hmm?”
“Close ba kayo para tawagin mo sa pangalan niya ang fiancé ko? First name basis?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Talaga namang ito si Gotchelle, oh. Parang hindi ko siya best friend, ah.”
“Wala akong best friend na desperada!” biro ko na tinawanan niya.
“Come on! Don’t be killjoy! I’m just in love with him! Gotchelle Ramirez!” sigaw niya na tila nagtatampo pa. I rolled my eyes again.
“Fine! Sasabihin ko sa kanya! Iyon ay kung papayag si Ladonio,” nakangising sabi ko. “Aalis na ako,” paalam ko.