Chapter 1: Gotchelle’s Intro
GOTCHELLE RAMIREZ’S POV
MAAGA pa lang ay nag-aayos na ako ng mga gamit ko dahil may seminar kaming a-attend-an bukas kaya ngayon ang alis namin. Isa pa akong empleyado ngayon sa sariling kompanya ng aking ama. Nasa family history na namin ang mag-uumpisa sa mababang posisyon at kailangan pang i-train.
Hindi kami agad ang namamahala dahil hindi puwede ang baguhan kasi puwedeng magkamali raw o bumagsak ang kompanya kung wala pa kaming naipagmamalaki na kayang-kaya naming hawakan ang family business namin.
Dalawa lang kami ni Eigenmann ang magkapatid at kami na rin talaga ang inaasahan ng parents namin. Lalo na sa akin dahil ako ang panganay na anak pero dalawa naman kami ang tagapagmana. Magiging katuwang ko ang aking kapatid sa kompanya.
High school pa naman siya as of now, kaya hindi pa siya makakapagtrabaho ngayon kasama ko at alam ko rin na mag-uumpisa rin siya sa mas mababang posisyon, ayon sa nakagawian ng aming pamilya. Mas importante ang academic namin.
“Aalis ka na ba, anak? Nakapaghanda ka na?” tanong sa akin ni Mama. Nang lingunin ko siya ay bahagya pa siyang nakasilip sa bintana.
“Opo, `Ma,” sagot ko at lumapit ako sa aparador ko para kumuha ng mga underwear ko.
Traveling bag lang ang dala ko at kaunti lang ang mga damit na sinilid ko rito kasi tatlong araw lang naman ang seminar namin. Doon nga lang sa Cebu kaya mahaba-haba ang bihaye.
“Anak, pag-uwi mo ay magpapa-schedule na rin tayo sa Lordez family,” sabi ng aking ina at napahinto ako sa ginagawa ko. Humugot ako ng malalim na hininga.
“`Ma, wala na po ba talagang ibang paraan pa? Nasa modern world na po tayo at bakit sinusunod pa rin natin ang family tradition natin? Ang arrange marriage?” tanong ko.
Napag-usapan na rin namin ang tungkol dito. Kailangan ay isa sa family friends nila ang mapapangasawa namin ni Eigen. Kailangan daw na sundin ang nakasanayan namin simula pa man na ipanganak ang great grandparents ko sa mundong ito at wala pa ni isa ang nakababali sa tradisyon na ’yon.
Kahit sinabi ko na rin sa kanila na may boyfriend ako ay ayaw nila akong pagbigyan. Ayaw nilang maging masaya ako. Tsk.
Tama, may boyfriend na ako at umabot na ng isang taon ang relasyon namin ni Marjon. Ka-officemate ko lang siya at hindi siya katulad ng ibang lalaki na mayaman. Dahil simple lang din ang buhay niya at hindi rin naman siya galing sa mayaman na pamilya. Ika niya ay wala siyang maipagmamalaki. Tanging pagmamahal niya lang para sa akin ang kaya niyang gawin.
Empleyado rin siya ng kompanya namin. Isang oil company kaya dapat talagang may alam kami sa pagpapatakbo no’n.
“Anak, alam mo naman ang family tradition natin. Kailangang sundin pa rin iyon,” paalala niya at muli akong napabuntong-hininga. Sundin ang madalas na nakasanayan namin, iyon lang naman.
“I understand, Mama. Alam ko naman po na buo na talaga ang desisyon ninyo ni Papa. Palagi po kayong nasusunod sa mga gusto ninyo. Kami ni Eigen ay talagang wala pong nagagawa,” matabang ang boses na saad ko kay Mama. Ayaw ko man magalit sa kanila pero hindi ko naman kayang maiwasan iyon.
Nakatatampo lang din dahil parang balewala sa kanila ang sarili naming kaligayahan. Hindi ba nila alam na hindi naman talaga masaya ang arranged marriage? Iyong tipong hindi mo naman kilala ang mapapangasawa mo at hindi mo rin alam kung mabuting tao ba ito.
Na kung kaya rin ba namin na mag-work ang relationship namin bilang mag-asawa. Goodluck na lang talaga ang masasabi ko para sa sarili ko.
“Anak, hindi naman sa ganoon. Mahal ka namin ng Papa ko, si Eigen na kapatid mo. Ang gusto lang namin na mangyari ay iyong hindi na kami mag-aalala pa para sa future ninyong dalawa. Kilala namin ang Lordez family, isang mabuting pamilya iyon kaya panatag ang loob namin ng iyong kama kapag ang isang anak nila ang makakasama mo at mapapangalagaan mo, Gotchelle. Sana naman ay maintindihan mo kami, hija,” mahabang saad niya saka niya ako iniwan sa kuwarto ko.
I took a deep breath again at napailing na lamang ako. Ano pa nga ba talaga ang choice ko? Kundi ang sumang-ayon na lamang talaga.
***
“Aalis na po ako, `Ma, Papa,” paalam ko sa mga magulang ko nang madatnan ko sila sa sala. Day off nila ngayon pareho sa work nila kaya nasa bahay talaga sila.
“Mag-iingat kayo sa biyahe ninyo, anak,” si Papa naman na nagpapaalala sa akin.
“Opo, `Pa,” tugon ko at naglakad na ako palabas.
Sa company kami magtitipon-tipon dahil nandoon ang service namin. Napatalon naman ako sa gulat nang biglang tumunog ang kotse ni Eigen.
Second year college pa lamang siya at business management din ang kinuha niyang kurso. May sarili na siyang sasakyan at talagang independent na rin siya. May condo na rin pero mas pinili niya ang madalas na umuwi sa bahay namin.
“Sakay na, Ate. Ihahatid na po kita,” pagpresenta nito sa akin at hindi naman ako nagdalawang isip na sumakay. Aba, ang kapatid ko na ang nag-offer sa akin na ihatid ako.
Ayoko rin naman kasing magmaneho dahil tatlong araw nga kaming mawawala. Ayokong iwan sa kompanya ang kotse ko.
Sinuot ko ang seatbelt ko at kinuha naman niya ang bagahe ko para ilipat iyon sa backseat. Saka siya nagmaneho.
“Akala ko ay wala ka sa bahay kasi hindi ka naman umuwi kagabi,” wika ko sa kanya.
“Lumabas kami kagabi kasama ang mga kaibigan ko, Ate. Nagyaya kasing mag-bar, eh. Kaya naisipan ko na lang na doon na lamang kami matulog sa bar ni Ejik,” paliwanag nito sa akin.
“O baka mamaya niyan ay may babae ka na kaya hindi kayo umuwi? Na mas pinili ninyo ang magpalipas ng gabi roon sa bar?” nakataas ang kilay na tanong ko. Literal na inaakusahan ko nga siya. Dahil alam ko na hindi na siya bata pa. Binata na siya at may pangangailangan na rin.
“Ate naman, eh. May pinupormahan po ako ngayon. Ayokong magkaroon ng bad record sa kanya. Kasama namin siya kagabi, kasama niya rin ang mga kaibigan niya,” sabi niya.
“Dapat lang. Isa sa itinuro ko sa ’yo na huwag mambabae lalo na kung na-meet mo lang siya sa club house,” paalala ko pa sa kanya.
“Nandoon din po si Kuya Joavani, Ate,” sabi niya na ikinatahimik ko.
Kilala ko na ang lalaking iyon. Ang mapangasawa ko. Nakilala ko siya noong birthday party ng Mommy niya. Sinadya na rin ng mga magulang namin na magkita kaming dalawa.
Ang sinasabi lang ni Mommy kanina na magpapa-schedule ng family dinner together with them ay para na rin mapag-usapan ang tungkol sa engagement party namin.
Kinakabahan talaga ako sa tuwing naiisip ko iyon. Ano na lamang ang sasabihin ko sa boyfriend ko? Makikipaghiwalay na lang ba talaga ako sa kanya? Kahit mahal ko naman siya?
“Natahimik ka na, Ate.” Hindi rin nagtagal ay narating na namin ang company.
“Huwag ka nang bumaba, Eigen. Umalis ka na rin kung may pupuntahan ka pa,” ani ko sa kanya na tinanguan niya lamang.
“Mag-iingat ka po, Ate,” sabi niya at ibinigay sa akin ang travelling bag ko.
“Babe!” tawag sa akin ng nobyo ko at matamis ko siyang nginitian. Kumaway pa ako sa kanya at lalapitan ko na sana siya nang may humila sa siko ko.
“Ano ba?!” galit na tanong ko at malakas na nagpumiglas ako.
Dumausdos lang ang braso niya sa baywang ko at nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan nang sumiksik siya sa leeg ko.
“It’s been awhile, sweetheart,” malambing na sabi nito sa akin.
“J-Jiovani?” gulat na sambit ko sa pangalan niya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito at sa harapan pa talaga ni Marjon.
God...wrong timing.