Chapter 4: The break up
GALIT na galit agad ako dahil sa nangyari. Sa boyfriend ko, kay Marjon ko dapat ibinigay ang sarili ko at hindi kay Joavani kahit siya ang pa ang lalaking pakakasalan ko! Hindi siya dapat ang kasama ko ngayon!
Si Marjon dapat iyon, siya naman talaga ang kasama ko kaya bakit si Joavani na ang kasama ko ngayon sa hotel room at sa pangalawang pagkakataon pa ay naangkin na naman niya ang katawan ko!
Bumangon ako at hinila ko ang kumot para itakpan iyon sa hubad kong katawan. Masakit nga ang buong katawan ko lalo na sa parteng nasa ibaba ko.
Hinablot ko ang unan at binato iyon sa kanya dahil nakikita ko ang hubad niyang likuran, lalo na iyong matambok niyang butt!
“What are you doing here?! Bakit ikaw na ang kasama ko sa kama?! Bakit ikaw na ang umaangkin sa akin at hindi ang boyfriend ko?!” bulyaw ko sa kanya at nang tumihaya siya ay nakita ko ang hindi ko dapat na makita. “Magbihis ka nga!” sigaw ko at ipinikit ko ang mga mata ko.
“Sweetheart, ang sakit mo sa feelings, ha. We just made love last night and this early morning pero ibang lalaki lang pala ang nasa isip mo habang umuungol ka? Samantalang inuungol ko naman ang pangalan mo,” sabi niya at bigla rin siyang bumangon.
Hinila niya ang kumot sa katawan ko kaya nakita niya ang dibdib ko. Tumaas ang sulok ng mga labi niya hanggang sa napangisi na lamang siya.
“Joavani!” sigaw ko at pilit kong hinihila ang kumot.
“Nice booby...”
“I hate you so much! You take advantage of me! I’m so drunk last night!” sigaw ko sa kanya at hinila niya lang ang siko ko para yakapin ako dahil nakita niya ang pagtulo ng mga luha ko.
“Ikaw ang naghain ng sarili mo sa akin. Suko agad ako dahil hindi kita kayang tanggihan. Marupok ako, eh.”
“Bakit mo pa rin ginawa iyon sa akin kahit alam mong wala ako sa sarili?!”
“Sabi ko naman sa ’yo ay marupok akong lalaki at nabigyan lang ako sa iyong ganda.”
“Stop that fvcking compliment! I hate you, so much! Hindi ikaw! Hindi ikaw iyon, eh!” paulit-ulit na sigaw ko at pinagbabayo ko na rin ang likuran niya dahil nakayakap na siya sa akin.
“Sshh, sweetheart... It’s already done... You just gave yourself to me.”
Sa isip ko ay hindi ko rin siya puwedeng sisihin talaga. Dahil kahit noong alam kong hindi na ang boyfriend ko ang nasa ibabaw ko ay hindi ko pa rin siya pinigilan. Ni hindi ko siya tinulak kahit nasa ibang linya si Marjon at naririnig ang ginagawa namin ni Joavani.
Dahil inaamin ko na nagustuhan ko iyon. Nag-enjoy ako sa ginagawa namin kahit alam kong mali dahil may relasyon pa kami ni Marjon at boyfriend ko siya ay nagawa ko ang ganito sa kanya.
“I cheated on my boyfriend!”
“No, sweetheart... You didn’t. You just made love with your future husband. There’s ni cheating...”
“Still! I’m cheated on him dahil hindi pa kami hiwalay!”
“So, nagsisisi ka? Nagsisisi ka ba dahil nagkamali ka sa taong pinagbigyan mo na makuha ang vírginity mo? Nagsisisi ka ba na sa akin mo ibinigay iyon at hindi sa lalaking inasahan mo? Sa boyfriend mo?” sunod-sunod na tanong niya na ikinatahimik ko.
Napapikit pa ako para lang tanungin sa sarili ko kung may pinagsisisihan ba kami sa ginawa namin pero wala... Wala akong nahanap na pagsisisi sa puso ko dahil parang nagugustuhan niya iyon. Umiyak lang ako sa dibdib niya. Nalilito na rin ako.
“But...”
“Kung hindi ka nagsisisi na ibinigay mo ang sarili mo sa akin ay hahayaan mo akong angkinin ka ulit,” sabi niya at wala akong nagawa nang dahan-dahan niya akong inihiga.
Patuloy pa rin bumubuhos ang mga luha ko sa aking pisngi at mabilis na dinaganan niya ako. Pinaghiwalay niya ang mga hita ko at muling may nangyari sa amin.
Parang wala na akong mukhang maihaharap kay Marjon. Dahil natitiyak kong alam na niya ang ginawa ko lalo na nang makita niya ako na kasama ko si Joavani. Nakapulupot ang isang braso niya sa baywang ko at masyadong nakadikit ang katawan niya sa akin.
Nakita ko pa ang pamumula ng mga mata niya saka siya mabilis sumakay sa service.
“I let you go if you want to talk with him,” sabi ni Joavani sa akin sabay halik sa sentido ko.
Tumikhim ako at sumakay na rin sa service. Katabi ko si Marjon na tahimik lang siya. Sinulyapan ko si Joavani na pasakay na rin siya sa kotse niya.
Nang umusad ang sasakyan namin pareho ay nasa likuran lang iyong kotse niya.
“Marjon...” sambit ko sa pangalan niya.
“Kahit wala kang sasabihin sa akin ay alam ko naman ang ginawa mo, Gotchelle. Hindi mo naman dapat ipamukha sa akin ang bagay na iyon,” malamig na sabi niya.
“I’m sorry...” mahinang sambit ko.
“Sa paraan ba iyon ang naisip mo na pakikipaghiwalay sa akin, Gotchelle?”
“No... Hindi ganoon iyon, Marjon.”
“Nangako ka sa akin. Nangako ka na ibibigay mo ang sarili mo sa akin pero ibang lalaki na agad ang nasa ibabaw mo. Gotchelle... Ang sakit ng ginawa mo sa akin...”
“I’m sorry...”
“Ako ang kasama mo kagabi. Nangako rin ako sa ’yo na hihintayin kita. Gotchelle, sabay sana tayong aalis para gawin na ang gusto mong mangyari pero bigla kang nawala nang nabitawan kita. Hinanap kita sa bar pero hindi naman kita nakita pa. Tapos malalaman ko lang na nasa kabilang hotel room ka na?”
Hindi ko naman talaga alam na ganoon ang nangyari. May bigla rin kasing sumalo at alam kong si Joavani na iyon dahil siya na ang kasama ko.
“Ginusto mo ba iyon, Gotchelle? Ginusto mo ba ang nangyari sa inyo?” Mariin na naitikom ko ang aking bibig dahil sa tanong niya. Kasi wala akong maisasagot sa kanya ng hindi ko siya nasasaktan. “Sabagay, siya ang mapapangasawa mo. Siya ang lalaki na dapat makauna sa iyo. I’m breaking up with you, Gotchelle.”
Hindi ko nakayanan ang sakit ng nararamdaman ko kaya pinahinto ko kay Kuya Vhong ang service.
“Ma’am Gotchelle? Saan ka po pupunta?” tanong sa akin ng mga kasamahan namin nang makita ang pagbaba ko mula sa sasakyan.
Naglakad ako habang bitbit ko ang traveling bag ko. Malalaki naman ang bawat hakbang ni Joavani at nilapitan niya ako. Inagaw niya sa akin ang dala ko at saka niya ako hinapit sa baywang ko.
Mahigpit niya akong niyakap at masuyong hinalikan sa noo ko. “I’m sorry,” sambit niya saka niya ako iginiya palapit sa kanyang kotse.
Siguro kailangan ko na ring kalimutan ang nararamdaman ko para kay Marjon? Siguro ay kailangan na ring putulin ang kung ano mang koneksyon namin. Na hanggang dito na lamang kaming dalawa.
Mahal ko si Marjon pero wala na akong magagawa pa kung mapuputol na rin ang relasyon naming dalawa.
***
“Good afternoon po, Tita,” bati ni Joavani sa Mama ko pagdating namin sa bahay. Hinatid pa niya ako hanggang dito.
“Good afternoon din, hijo. Hindi ko inaasahan na ikaw pala ang maghahatid sa aking anak hanggang sa bahay namin. Pasok ka,” pag-aaya ni Mama at hindi nakatakas sa mga mata niya ang braso ni Joavani na nasa baywang ko.
Inalalayan pa rin kasi ako ng isang ito kasi alam niyang nangangatog ang binti ko dahil sa ginawa namin kagabi hanggang kaninang umaga.
“Thank you po, Tita Gretchen. Ihahatid ko po muna siya sa kuwarto niya.”
Nang nasa hagdanan na kaming dalawa ay balak pa niya akong buhatin nang kinurot ko ang braso niya at marahan kong tinapik. Napanguso pa siya sa ginawa ko.
“Baka kung ano ang isipin ng Mama ko na kung bakit hindi ko kayang maglakad nang mag-isa,” mahinang saad ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa huli.
“Mayroon naman tayong ginawa, sweetheart. Ang dami mo ring kissmark sa katawan mo, lalo na sa parte ng dibdib at leeg mo.” Siniko ko siya dahil kung ano-ano na ang sinasabi niya.
Kung makipag-usap siya sa akin ay akala mo talaga close na kaming dalawa. Kahit na may nangyari na sa amin ay puwede na niya akong kausapin na parang magkasintahan na talaga kaming dalawa. Kahit oo na, mag-fiancé na kami kung titingnan.
“Ang landi mo talaga,” sambit ko sa kanya na tinawanan niya lamang.
Pinapasok ko siya sa loob ng aking silid at hindi niya naiwasan na pasadahan iyon nang tingin.
Matiim ko siyang tinitigan habang abala pa siya sa pagsuri ng mga gamit ko. Guwapo naman talaga siya, mas guwapo pa yata siya kaysa kay Marjon. Ang lakas ng dating niya. Matangkad siya at pagkakamalan mo rin na isang artista o modelo.
Undercut ang hairstyle niya at mas nadepina tuloy ang perpektong mukha niya. Ang kinis din ng kutis niya at wala kang makikita na kahit anong dumi sa pisngi niya.
Bumaba pa ang mga mata ko sa maugat niyang braso. Hindi ko mapigilan ang pamulahaan ako ng pisngi dahil ang mga kamay na iyon ang humawak sa baywang at hita ko habang paulit-ulit niya akong inaangkin. Hindi ko akalain na sa isang gabi lang ay may mangyayari sa amin.
“Sweetheart, can I stay here for awhile? I need to rest,” sabi niya at hinayaan ko siya na makasampa sa bed ko. Hindi naputol ang mabibigat na titig ko sa kanya.
Pumasok sa loob si Mama kaya magmamadali siyang bumangon. Takot siya na makitang nasa ganoon kaming posisyon.
“Here, snack iyan, hijo. Kumain kayo at maiwan ko na kayo,” sabi ng aking Mama saka siya nagmamadaling lumabas. Parang excited pa siya dahil iyon nga ang unang nadatnan niya.
“Let’s eat this, Gotchelle,” pag-aaya niya sa akin.
“Ikaw na lang,” sabi ko. Gusto kong maglaho na agad dahil pagod na pagod na ang katawan ko. Mula pa kagabi at sa biyahe.
Pero ang tigas ng ulo niya dahil hinila niya ako paupo. “Samahan mo muna akong kumain nito,” sabi niya at ibinigay niya sa aking kamay ang sandwich na gawa ni Mama.
Habang kumakain nga kami ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin. Ang akala ko ay si Marjon lang ang nag-iisang lalaki na kilala kong gentleman at mabait pero hindi pala.
May isang tao pa rin na may ganoon na pag-uugali. Malambing din siya at maalalahanin. Ang kumikislap na mga mata niya ang una kong tinititigan. Sa tuwing ngumingiti siya sa akin ay bumibilis ang t***k ng puso ko.
Ang comfortable na agad kapag siya ang kasama ko at parang matagal na nga kaming magkasama. Kahit sa pag-inom ng coffee ay nakaalalay pa siya sa akin.
“How old are you, Joavani?” I suddenly asked him.
“I’m 26 years old,” sagot niya sa akin. 23 pa lamang ako ngayon. Tumango lang ako. Hindi na masama, ilang taon lang ang age gap namin. “Are you breaking up with your boyfriend, Gotchelle? You need to do that, because I am your fiancé, kahit hindi pa tayo official,” he added.
“Ano sa tingin mo ang nangyari kanina? Kung bakit bigla na lamang akong bumaba sa service namin? Nakipaghiwalay na sa akin si Marjon. Dahil iyon sa narinig niya kanina,” sabi ko.
“So kung wala siyang narinig na ungol natin---aw sweetheart. Masakit kaya iyon,” sabi niya at ngumiwi pa siya. Pinitik ko kasi ang bibig niya.
“Paki-filter mo nga iyang bumanganga mo, doc,” banta ko. Nakangisi na naman siya.
“Itong doctor mo, sweetheart. Na-inject ka na. Masakit pero masarap naman sa huli. ” Pinagpapalo ko na siya dahil sa sinabi niya. Nakapabastos talaga ng lumalabas mula sa bibig niya!
“Tigilan mo ako! Ang bastos ng bibig mo!” sigaw ko at dahil sa pagdadabog ko ay nabitawan niya ang basong tubig kaya bumuhos iyon sa damit niya.
Akala ko nga ay magagalit siya sa ginawa ko pero wala lang iyon sa kanya.
Natigilan pa ako dahil naalala ko na sa tuwing aksidenteng nangyayari na nababasa ko nga ng tubig ang ex-boyfriend ko ay nagagalit siya. Hindi naman totally galit. Sasabihan niya lang ako na hindi ako nag-iingat ay sobrang mahal pa naman daw ng damit niya. Tapos bubuhusan ko lang daw ng drinks and water?
“Ang lamig,” sambit niya at tumayo naman ako. Nagtungo ako sa closet para maghanap ng damit na ipapalit sa kanya.
Alam kong may mga mabilis akong damit para kay Marjon pero nakalilimutan ko namang ibigay sa kanya.
Napaigtad pa ako sa gulat nang bigla siyang yumakap sa akin from behind. “Joavani, ano ba?!”
“What are you doing here, sweetheart?” malambing na tanong pa niya sa akin at bigla na lamang niyang kinuha ang pulang bra ko. “Ganito pala ang size mo. Kaya naman pala kasyang-kasya sa palad ko. Ang suwerte ko naman,” sabi niya at muli ko siyang siniko saka ko kinuha ang paperbag.
Ibinato ko iyon sa kanya pero mabilis naman niyang nasalo. “Hindi ko akalain na ikaw lang pala ang makikinabang niyan,” sabi ko at umiling sa kanya.
“Thank you, sweetheart.”
“Tigilan mo ako sa ka-s-sweetheart mo sa akin, Joavani. Tatamaan ka na talaga sa akin,” mariin na saad ko at bumalik ako sa kama para humiga.
“Gagamitin ko na ang banyo mo, ha?”
“Bahala ka sa buhay mo,” masungit na sabi ko lang sa kanya at ipinikit ko na ang mga mata ko.