Chapter 11

1044 Words
Nang sabihin ng mga doctor kila Leon na malubha ang natamong pinsala ni Sandro ay wala ng nagawa ang lalake kung hindi ang tawagan ang asawa ng kaibigan. Kinakabahan man ay karapatan ni Suzy na malaman ang nangyari sa kabiyak. Kasalukuyang nasa isang mall si Suzy. Madalas kasi sa mga fast food chain nakakakuha ng mga customer ang asawa para sa food delivery app na pinagtatrabahuhan nito. Umaasa siyang makita si Sandro at aayain itong umuwi. Kasi kasi talaga siya mapakali mula ng ihatid siya nito sa trabaho kanina. Naupo siya sa isang kainan at umorder ng ice tea habang muling sinusububukan na itext at chat ito. Nagulat pa siyang ng biglang tumunog ang cellphone at inakala na ang asawa ang tumawag pero napakunot ang noo ng babae ng makitang si Leon ang nasa kabilang linya. Bigla niya naisip na baka nasa Calle Uno ang asawa at ibabalita ni Leon na nakita nito doon si Sandro kaya sasabihin sa kanya. Napangiti si Suzy at sinagot ang tawag nito. “Hello, Leon?” “S-Suzy, si Sandro…” Nawala ang mga ngiti ni Suzy at bumalot ang kaba sa dibdib, “Bakit? Napano si Sandro? Nasaan ang asawa ko?” “Huwag ka sana mabibigla nasa hospital ngayon si Sandro at malubha raw ang lagay niya sabi ng mga doctor. Wala pa rin siya malay hanggang ngayon.” Malungkot na sagot ni Leon. “A-Ano? Saan hospital? Bakit siya nahospital?” gulat na napatayo si Suzy sa kinauupuan at halos manginig ang buong katawan sa nerbyos. “Ang mabuti pa ay pumunta ka na at dito na namin ipapaliwanag. Narito kami sa St. Thomas Hospital.” Saad ni Leon. Tumango si Suzy at agad tumakbo palabas ng mall saka pumara ng taxi. Hindi niya lubos maisip kung bakit sinasabi ni Leon na malubha ang asawa at walang malay. Kung sa normal na kalsada ay mabagal lang ang patakbo ng lalake dahil natatakot na kumalat o matapon ang mga pagkain na dala. “H-Hindi kaya… Sumali si Sandro sa motor racing?” Ito tanong ni Suzy sa isip habang umaandar ang taxi. Parang gusto na paliparin ng babae ang sinasakyan para makarating agad sila sa hospital. Hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama sa asawa. Pagkarating sa hospital ay sa surgery room siya itinuro ng nasa information center. Nakita nga niya roon sina Leon at iba pa. Sumama agad ang tingin ni Suzy dahil sa mga itsura at suot ng mga ito ay halatang mga galing sa motor racing. “Anong nanyari kay Sandro? Bakit siya narito?” naiiyak na sabi ni Suzy ng makalapit sa mga naroon. “S-Suzy…” napalunok si Leon sa kaba kung paano magpapaliwanag pero hindi naman nila pwedeng ilihim ang nangyari. Huminga ito ng malalim saka muling nagsalita, “Sumali si Sandro sa motor racing, ang totoo ay nauuna na siya at tiyak na ang panalo dahil malayo naman na ang mga kalaban niya kaso itong asawa mo ay parang masyadong na excite. Kahit pinagsasabihan namin ay binibilisan pa rin ang patakbo, parang walang naririnig kaya ayun… Mukhang nawalan ng break at bigla siyang tumilapon sa sobrang bilis ng paandar niya. Tinulungan at dinala naman namin siya agad dito sa hospital pero napasama yata talaga ang pagbagsak niya kaya nawalan siya ng malay. Mabuti nga at maganda ang klase ng helmet niya na suot dahil minor injury lang ang natamo niya.” Pinagpapalo ni Suzy sa dibdib si Leon, “Hayop ka! Sabi mo ay hindi mo nakita si Sandro sa Calle Uno kanina nung nagpunta ako roon! Bakit ngayon sasabihin mo sa sumali siya sa racing? Ginagawa mo akong tanga! Isa pa ay hindi naman sasali ang asawa ko sa ganun kunghindi mo inaya! Kasalan mo ito!” Galit na galit si Suzy habang umiiyak. Hindi naman makakibo si Leon ayt hinayaan lang na pagsusuntukin siya sa dibdib ng babae. Napayuko na lamang siya at naluha na rin dahil sa nangyari. Oo, siya nga ang dapat sisihin sa kalagayan ng kaibigan dahil hindi naman mag-iisip na sumali si Sandro sa competition at hindi rin malalaman ang tungkol sa mga motor racing kung hindi dahil sa kanya. Wala rin ito noon ideya sa Calle uno siya lang ang naghikayat dito tignan ang mga nangyayari sa loob ng field. Nagsisisi siya. Sana ay hindi na lang siya nag-aya kay Sandro. Sana ay hindi ito naaksident. Sana ay gising ito at hindi malubha ang lahat at sana ay hindi siya ngayon na kukunsensya. Inawat ng mga naroon si Suzy ng makita na hinubad nito ang sandals at akmang ipapalo kay Leon ang takong nito. “Suzy, awat na!” Sigaw ng mga naroon. “Anong awat na? Sino kayo para pigilan ako? Kayo ba ang asawa?” sigaw ni Suzy. Lumapit na ang mga guards at ibang hospital staff para makiawat. “Misis, huwag ho sana tayong gumawa ng gulo dito sa hospital. Marami hong iba pang pasyente na narito. Kung gusto ninyo hong mag-away sa presinto kayo magpunta at reklamo. Huwag ho rito. Hindi rin iyan makakatulong sa pasyente.” Saad ng isang gwardya. Nanlulumong napaupo si Suzy habang umiiyak. Ang totoo ay mas galit siya kay Sandro dahil kahit ilang ulit niya sinabi na huwag itong sumali sa racing ay ginawa pa rin nito. “Suzy, tutulong ako sa gastusin ni Sandro, bukod pa roon ay makukuha niya ang 50,000 pesos na first prize. Maglilikom din kami ng mga rider ng tulong para sa dagdag na pinansyal. Patawarin mo sana ako kung naglihim at sinungaling ako. Hindi ko intensyon na lokohin ka. Hindi ko rin gusto na pamahamak si Sandro. Siya ang itinuturing kong matalik na kaibigan.” Naiiyak na sabi ni Leon. Hindi naman sumagot si Suzy at kinuha ang cellphone. Dapat ng mga magulang ni Sandro ang nangyari. Pigil ang luha na tumawag siya biyenan, “H-Hello, ma?” Kasalukuyang nagmemeryenda sina Myra at ang asawang si Brando ng makita na tumatawag ang manugang. “Tumatawag si Suzy.” Ani Myra habang pinapagpag ang kamay. “Sagutin mo baka may kailangan.” Saad naman ni Brando. “Hi, Suzy, bakit ka napatawag?” “M-Ma… Si Sandro po naaksidente. Narito siya ngayon sa St. Thomas Hospital. Kritikal ang lagay niya ngayon.” Humahagulgol na wika ni Suzy. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD