Chapter 39

517 Words
“Amanda, pwede bang magtanong?” saad ni Sandro habang dahan dahan binubuhat ang isang barbell na may kalahating kilo ang bigat. “Sige, ano iyon?” wika ni Amanda habang binibilang ang lalake sa ginagawang exercise. Huminto sandali si Sandro at nahihiyang nagsalita, “Linggo na rin ang lumipas mula ng makalabas ako sa hospital. Hindi na nakasementado ang katawan ko. Naigagalaw ko na rin halos ang kalahati ng katawan ko. Medyo ramdam ko na ang unti unti ang mga binti ko ngayon kaso may isang parte sa akin ang parang hanggang ngayon ay wala pa rin pakiramdam.” Hindi agad nakakibo si Amanda parang alam na kasi niya ang ibig sabihin ni Sandro pero hindi niya pinahalata, “Ano naman iyon?” “Hindi na ako mahihiya sa iyo dahil gusto ko talaga malaman kung ano ang masasabi mo. Yung pagkalalake ko. I mean yung ari ko. Nagtataka kasi ako. Noon na hindi pa ako naaaksidente ay tuwing madaling araw o umaga ay matigas agad. Alam ko naman na baka dahil sa buong katawan ko ang nasemento kaya ganoon pero kahit kasi hawakan ko o mag-isip ako ng pwedeng makapagpatigas ay wala pa rin. Dati naman ay makita ko lang si Suzy ay nag-iinit na ako pero ngayon kahit nakakaramdam ako ng init wala naman epekto sa alaga ko. Nurse ako pero hindi kasi ako sure kung bakit nagkakaganito. Wala naman ako naging problema sa ulo. Mabilis rin naman ang recovery ko dahil nagrerespond ang katawan ko sa mga theraphy kahit unang araw pa lang kaso itong akin parang nanatiling tahimik. Ayoko naman isipin na may erectile dysfunction ako kasi wala naman sugat ang ari ko, wala rin naman damage na sinabi si Suzy at Shane kaya nagtataka ako talaga.” Malungkot na saad ni Sandro. Nakaramdam naman ng awa si Amanda pero hindi niya pwedeng aminin dito na may erectile dysfunction na nga siya. Sa malas ba naman ay mukhang iyong ang pinaka naging damage sa katawan ni Sandro sa tinamong aksidente. “Huwag ka mag-alala siguro ay dahil hanggang ngayon ay mula waist pababa ay hindi mo pa maigalaw ng maayos kaya affected ang area na iyon. Isa pa ay baka nagkaroon ng trauma ang katawan mo kaya hindi gaanong nagkakaroon ng arousal. Saka mo na siguro isipin ang tungkol diyan kapag nakakalakad ka na. May mga pasyente rin kami sa abroad na after ma-car accident ay nagiging baldado tapos naaapektuhan ang ari nila pero matapos naman ang theraphy ay bumalik naman sa dati.” Sagot ni Amanda. “Sana nga. Nahihiya kasi ako sa asawa ko. Hindi ko na mapaligaya baka iwan na ko.” Mas lumungkot na sabi ni Sandro. Natawa naman si Amanda, “Ano ka ba? Hindi ka naman naputulan ng paa o mga kamay. May dila ka pa rin naman. Mapapaligaya mo pa rin si Suzy. Isa pa ay hindi naman s*x ang batayan ng mag-asawa hindi ba? Sabi nga for better and for worse, ibig sabihin ba kapag hindi na maibigas ang saya di na rin mahal? Nakikita ko naman na hindi ganoon ang asawa mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD