Chapter 44

226 Words
Naabutan ng mag-asawa ang mga anak na sila Marky at Marco habang nag-aayos ng lamesa para sa almusal, “Ma, pa. Kain na tayo. Nakaluto na kami.” Saad ni Marco. Naupo naman na si Aling Rosy at Mang Jose. Napansin ni Marky ang pagiging tahimik ng ama kaya tinanong niya ito kahit may hinala na siya, “Bakit parang masama ang pakiramdam mo pa? Ayos ka lang ba?” Tumango lang si Mang Jose habang sumasandok ng sinangag at tuyo. Nagkatinginan ang magkapatid at parehong napailing. Nakita kasi nila kanina na nakatingin si Mang Jose sa labas at nang sundan nila kung sino o ano ang tinitignan nito ay nakita nila na si Amanda. Tumayo si Aling Rosy, “Nasaan ang patis. Medyo matabang itong cornbeef.” Nagtungo ito sa kusina kaya naiwan ang tatlong mga lalake. “Pa, nag-usap na tayo hindi ba? Sinabi na namin na tigilan mo na si Amanda kung ayaw mong magkaroon ng malaking gulo. Pwede niya tayong idemanda. Masisira ang pamilya natin, pati si mama ay masasaktan.” Inis na sabi ni Marky. “Oo nga pa. Hindi maganda ang magkaroon ka pa ng pagnanasa sa ibang babae. Alam namin na normal na sa mga lalake ang magandahan sa mga magaganda na dalaga pero hindi ka naman na binate. Mahiya ka naman pa!” galit na sabi ni Marco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD