“Sandro, hindi naman ako talaga easy to get na babae. Maniwala ka. Kala lang sobrang desperate na kasi ako na makuha si Shane. Siguro naman nung una mong nakita si Suzy at naramdaman mo na gusto mo siya ay ninais mo rin siyang makuha sa kahit anong paraan. Parang ganun lang din ako, pero hindi naman ibig sabihin na talagang sobrang wild ako.” Ani Amanda. “Huwag ka mag-alala dahil hindi naman ganoon ang tingin ko sa iyo. Lalo na at maganda ang trabaho mo kasama ang kapatid ko sa abroad. Naiintindihan kita. Ganito nalang kapag umuwi na sila ni Suzy at kakausapin ko ng masinsinan si Shane. Tutulungan kita na magkalapit kayong dalawa.” Nakangiti na saad ni Sandro. “Salamat, Sandro. Aasahan ko iyan. Sa katunayan ay gusto ko nga makilala ang mga magulang ninyo, baka kasi sakali na kapag nagust

