Chapter 42

529 Words
Natigilan sa pagkain si Amanda at napatingin kay Shane, “Pwede ba akong sumama sa inyo? Tapos naman na ang session natin para sa araw na ito kaya wala na akong gagawin. Ano oras ba tayo aalis?” “Anong pinagsasabi mo na sasama ka? Hindi pwede!” agad na sagot ni Shane. Medyo tumaas ang boses nito kaya napahinto rin sa pagsubo si Sandro ng pagkain at napatingin sa kapatid. Agad kumalma ni Shane, “Ibig ko sabihin ay walang makakasama rito sa bahay si Sandro kaya hindi ka pwedeng sumama. Medyo matatagalan kami ni Suzy. Isa pa hindi ka naman kailangan roon dahil hindi mo kami kamag-anak baka pagbawalan ka pa na pumasok.” Napahiya si Amanda kaya napayuko ito, “Anong insurance ba yung pupuntahan ninyo?” muli nitong tanong. “Basta, matagal ko na iyon kinuha. Pakibantayan mo lang si Sandro dito sa bahay nila. Uuwi rin kami kapag natapos. Madami pa kasi kami dadaanan, una sa abogabo para magpapanotaryo tapos pati sa hospital para kumuha ng mga kopya ng records tapos pati sa police station kasi may papers din sa nangyari na aksidente na kailangan may pirma nila kaya mas mabuti na may kasama dito ang kapatid ko para hindi naman kami nag-iisip sa kanya.” Wika ni Shane na mas mahinahon na sa pagsasalita. “Bakit naman biglaan?” sabat ni Sandro. “Tumawag kasi yung kakilala ko kanina sabi ay pumunta na ako para masimulan maayos. Medyo matagal raw kasi ang process at matagal. Saka magpapabalik-balik pa dahil parang may hearing na gagawin.” Sagot ni Shane. “Magkano ba ang makukuha?” tanong muli ni Sandro. Napaisip naman sandali si Shane dahil hindi naman totoo ang insurance. Sinabi lang niya ito para makalabas silang dalawa ni Suzy, at kung magsasabi man siya ng amount ay sa sariling bulsa niya ito manggagaling. “Nasa 150,000 pesos din. For accident insurance lang kasi. Hindi kasi natin pwedeng sabihin na disabled ka na talaga dahil malalaman sa mga health records na pwede ka ba gumaling ulit at makalakad.” Ani Shane. Naramdaman niya na sinipa siya ni Suzy sa ilalim ng lamesa. Alam niyang kinakabahan ito sa ginagawa niya pero buo na ang desisyon niya. “Medyo malaki rin pala.” Napapatango na sabi ni Sandro, “Pasensya ka na Amanda kung kailangan umalis ni Shane. Ganito nalang, since kayong dalawa ang mag-a-assist sa akin sa session, 75,000 nalang ang ibigay ninyo kay Suzy, tapos yung kalahati ay paghatian ninyo rin dalawa. Alam ko naman na mahal ang mga theraphy at hindi naman porke kapatid ko si Shane ay libre na. Gusto ko rin kahit papaano ay may maibayad sa inyo. Ayos ba?” “Sandro, kusang loob ang pagtulong ko sa iyo. Huwag ka mag-alala kay Amanda. Ako na ang bahala sa kanya. Mas kailangan ninyo ni Suzy ang pera dahil pareho kayong walang trabaho ngayon. Hindi naman pwedeng ubusin ninyo basta ang savings ninyong dalawa. Sa ngayon ay hayaan mo munang asikasuhin ko ang insurance dahil malaking tulong iyon sa mga gastusin habang hindi ka pa nakakabalik sa trabaho.” Saad ni Shane. “Salamat.” Nakangiti ngunit nahihiyang sabi ni Sandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD