Chapter 29

1053 Words
“Ano po iyon?” takang tanong ni Suzy. “Meron na po bang uupa sa unit?” “Hindi, pero tungkol ang sasabihin ko.” Mahinang bulong ng matanda saka napatingin sa bahay nila Suzy. Napatingin rin ang babae at natanaw mula roon ang loob ng bahay nila dahil bukas ang mga kurtina. Biglang kinabahan si Suzy at napalunok ng mariin. Bumalik ang tingin niya sa matanda at hinintay kung ano ang sasabihin nito. “Alam mo ba kanina, dapat ay bibisitahin ko si Amanda sa unit niya. Pahihiramin ko sana siya ng mga ibang gamit na kakailanganin niya kasi nakita ko na namili pa siya at gumastos pwede naman humiram. Saka kakilala mo naman kaya tiwala ako na maisasaoli. Anyway, ayun na nga kaso pag silip ko ay sarado ang unit kaya naisip ko na baka nasa inyo. Tama nga ako kasi natanaw ko siya… o mas tamang sabihin ay natanaw ko sila ng bayaw mo. Bastos pakinggan pero nakita ko na may nakahiga na babae sa lamesa ay yung bayaw mo ay binabayo siya ng matindi. Hindi ko gaano masilayan ang mga mukha dahil hindi ko nasuot ang salamin ko pero sigurado ako na may ginagawang kalaswaan yung dalawa. Hindi naman sa nakikielam pero siyempre bilang ninang mo ay parang ako ang nabastusan dahil sa loob pa mismo ng bahay ninyo ni Sandro naglampungan yung dalawa, may unit naman na pwede sila magparaos. Saka hindi ba pwedeng isara ang bintana o iayos ang mga kurtina. Paano na lang kung may ibang makakita? Tapos ay hindi alam na bukod sa iyo ay may iba pang babae na nariyan, ano na lang ang iisipin, na may ginagawa kang kahalayan kasama ng ibang lalake? Alam ng lahat ng narito na hindi pa nakakalakad si Sandro at kasama ninyo ang bayaw mo. Nag-aalala lang ako sa tsismis.” Paliwanag ni Aling Rosy. Parang malalaglag naman ang puso ni Suzy sa kaba. Hindi niya akalain na may ibang makakakita sa ginawa nilang quickie ni Shane kanina. Pinagpawisan siya bigla ng malapot at nanglamig ang buong katawan. Napansin naman ito ng matanda at hinipo ang noo niya, “Bakit? Napano ka? Ayos ka lang ba? Namumutla ka anak.” tanong nito. “O-Opo, ayos lang. Medyo gutom lang po siguro dahil pagkatapos namin maglinis kanina ng apartment ay nag-asikaso pa po ako sa asawa ko at naglinis din ng bahay.” Aniya. Isa pa ay pagod din siya sa biglaan pagbarurot sa kanya ng bayaw. Pero ang kinaputla niya ay may nakakita pala sa kanila. Takot na takot pa man rin siya na makita sila ni Amanda, iyon pala ay may iba pang mata na nanood sa kanila. Hindi niya alam kung matatawa siya o matatakot. Mabuti nalang at malabo ang mga mata ng matanda at nakahiga siya kanina sa lamesa kung hindi ay baka mapansin nito na maliit ang babaeng kaulayaw ng lalake kesa kay Amanda. Hanggang dibdib lang kasi siya ng bayaw maging ng asawa niya habang si Amanda naman ay abot na sa balikat ng mga lalake ang taas nito. Kung sakali na patayo ang posisyon na ginawa nila ay tiyak maaaring maisip ng matanda na siya ang babaeng binabayo ng bayaw. “Ninang, hayan na po natin siya. Siguro ay namiss lang nila ang isa’t isa dahil naunang umuwi si Shane kesa kay Amanda. Nasa amin po siya dahil doon kakain. Siguro ay inabutan ng init kaya nila iyon nagawa. Pero sana ay huwag na ninyong mabanggit sa kanila.” Kinakabahan na saad ni Suzy. “Oo naman, nasabi ko lang naman sa iyo ang nakita ko dahil siyempre inaanak kita at ikaw ang may-ari ng bahay. Ayoko naman na may ibang tao na gagawing motel ang bahay ninyo. Isa pa alam mo naman na napakaraming tsismosa rito sa atin. Sa katunayan ay may naririnig na ako na mga nagsasabi na hindi raw magandang tignan na yung kambal ay kasama mo sa iisang bubong, ako pa nga ang kumakastigo sa kanila na kaya naroon si Shane ay dahil therapist ito ay malaking tulong sa kapatid niya. Makikitid lang talaga ang mga isip ng mga narito at mga malisyoso. Kaya mula ngayon pakisara ang bintana. Hayaan mo ipapamalita ko sa mga narito na may iba na kayong kasama sa bahay para naman hindi kayo gawa ng kwento ng mga walang magawa sa buhay na tambay at marites.” Nakangiting saad ni Aling Rosy. Napangiti na rin si Suzy at medyo kumalma na ang pakiramdam, “Salamat po. Aalis na po ako.” Sa kusina naman habang nagsasandok ng ulam si Amanda ay napansin niya na parang medyo hinihingal si Shane. Samantalang hindi naman ito tumakbo. Kahit naman sabihin na naglinis sila at namili kanina ay mga less than an hour na ang nakalipas. “Shane? Okay ka lang ba?” aniya. Napatingin naman si Shane rito habang nag-aayos sa tray ng pagkain ni Sandro, “Okay lang ako bakit?” “Wala naman para kasing napansin ko na hinihingal ka. Pinagpapawisan ka pa nga at parang ang bilis ng panghinga mo. Daig mo pa ang tumakbo.” Natatawang sabi ni Amanda. ‘Baka bumayo kamo’ bulong ni Shane sa sarili. Ngumiti siya at umiling, “Iba lang siguro ang klima ditto kesa sa abroad. Doon kahit pagod ka ay bihirang pawisan tayo dahil sa lamig ng paligid. Dito kahit yata wala ka ginagawa ay mapapagod ka at hihingalin.” Palusot nito. Napatango naman si Amanda dahil maski siya ay maalinsangan ang pakiramdam. Naisip nga niya kung makakatulog kaya siya mamaya sa unit niya dahil walang aircon. Sa abroad kasi ay heater ang gamit nila dahil halos magyelo sa lamig ang paligid. Pero dito sa Pilipinas ay mamamatay ka sa init kapag walang aircon. Maski kasi may electric fan ay parang baga sa init ang lumalabas dito na hangin. Alam naman niya na hindi papayah si Suzy kung doon siya makitulog. Nakita niya na may tig isang aircon ang mga kwarto ng mga ito kaya magiging komportable ang ito kahit paano mamaya. Pumasok na si Suzy sa loob ng bahay. Medyo nabawasan na ang kaba nito at nerbyos kaya bumalik na ang kulay ng mukha nito na kanina lang ay halos mamuti sa pagkaputla. “Kumain na kayo at ako na ang bahala kay Sandro.” Wika ni Suzy saka kinuha ang tray. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD