"Vince?" gulat na gulat na sabi niya. "Ikaw ang nagpa-kidnap sa akin?" naguguluhang tanong niya. "No. But I am with someone" seryosong sabi nito at biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang kapatid niya habang hawak-hawak ang anak niya. Mabilis naman siyang tumayo at mabilis na niyakap ang mga ito. Pagkatapos ay mabilis na kinarga ang anak niya at pinaghahalikan. "Diyos ko! Ang anak ko!" At mahigpit itong niyakap at hinalikan. "Ate? Ano bang nangyayari? Bakit nandito ka? Tapos bakit dinala nila kami rito?" naguguluhang tanong dinng kapatid niya. Kaagad naman siyang napatingin kay Vince. "Vince, hindi ko rin maintindihan," "Do you wanna know the truth? Come with me," biglang sabi nito sa kan'ya. Bigla naman siyang napatingin sa anak at kapatid niya. "Don't worry, they are

