Naramdaman niya na biglang pumasok ang isang palad nito sa loob ng tshirt na suot niya at malayang napisil ang isang dibdib niya na agad naman niyang ikinaungol. Nagulat siya nang bigla siya nitong buhatin at ilapag sa may kama. Ilang sandali pa ay para siyang hinihipnotismo sa mga titig nito. "What are you doing to me, Judith?" parang hinihingal na bulong nito "Parte pa rin po ba ito ng pagpapanggap natin?" malungkot na sabi niya. Kita niya ang gulat sa mga mata nito at mabilis na tumayo mula sa pagkakakubabaw sa kan'ya. Siya naman ay dahan-dahan umupo mula sa kama. "I-I am sorry, it shouldn't happened. Nadala lang ako." At mabilis na itong umalis. Pagkasara ng pintuan ay ang siyang pagtulo ng mga luha niya. Diyos ko! Nagkakagusto na talaga ako sa kan'ya at hindi maaari ito.

