Gulong-gulo na si Judith sa mga pangyayari. Hindi niya na alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Naaawa rin siya kay Beatrice dahil ito ang tunay na asawa ni Lucas pero hindi siya nito maalala. At isa pa, may anak ang mga ito. "Baby, I want to go home," biglang sabi ni Lucas na nagpabalik sa ulirat niya. "Lucas, bakit mo ba iyon ginawa kay Beatrice?" malumanay na sabi niya rito. "Because that is the truth," seryosong sagot nito. "Alam mong hindi totoo iyan, si Beatrice ang asawa--" "No. You are my wife, nakalimutan mo na ba? We got married?" putol nito sa sasabihin niya. Kung hindi lang ito nagkaroon ng short-term memory loss ay iisipin niyang seryoso ito sa sinasabi dahil seryosong-seryoso ang mukha nito. "Magpahinga ka na muna, nakakasama sa iyo ang sobrang pag-iisip," iwas

