Tinitigan niya muna ito bago nagsalita. "Siya po kasi ang naghatid sa akin noon nang iwan niyo ako sa may party," "Iwan? As far as I remembered ikaw ang bigla na lang umalis, binalikan kita only to find out that you are not there," inis na sabi pa nito. Agad naman napakunot ang noo niya, binalikan? Hindi ba ay tumawag pa si Beatrice kay Kenneth na magkasama na ang mga ito? "Huwag na po natin pag-usapan iyon," at mabilis na siyang nag-iwas nang tingin. Akmang lalampasan na niya ito nang haklitin nito ang isang braso niya. "Siya ba ang lalaking nagugustuhan mo?" titig nito sa mga mata niya. "Hindi ko po kailangan sagutin iyan." At mabilis na hinila ang isang braso. "May ipag-uutos pa po ba kayo, sir?" Nang umiling si Lucas ay mabilis na rin siyang umalis. Kailangan niyang maging mal

