MARAHANG pinunasan ni Lucy ang basa sa kanyang pisngi. She can't believe she's been crying the whole trip, at nang marating nila ang bahay na sinasabi ni Caren, muli na naman siyang naluha dahil sa bilis ng mga pangyayari.
"D'yan mo na lang ilagay ang gamit ni Lucy, Mang Johnny. Maraming salamat ho," dinig niyang ani ni Caren sa driver na kaagad ding sumunod bago nagpaalam na maninigarilyo muna sa labas at para magkaroon din sila ng privacy upang mag-usap.
Nang makalabas ang driver ay nilapitan kaagad siya ni Caren. Piniga nito ang kanyang brasong buhat si Peppa saka siya basag na nginitian. "Friend, sigurado ka ba ayos ka lang ditong mag-isa? Pwede kitang samahan muna kung kailangan mo ng kausap."
She sniffed and forced a smile. "Hindi na, Caren masyado nang malaki ang abalang nadulot ko. K--Kaya ko na."
"Sigurado ka ba?" halatang nag-aalala nitong tanong, sa mga mata ay bakas ang matinding awa para sa kanyang kalagayan.
Mahina siyang tumango. "Pwede bang huwag mong ipaalam kahit kanino kung nasaan ako, Caren? Gusto ko munang mapag-isa at... Hindi ko pa kayang haraping muli si Alec."
The mention of his name brought another wave of pain but she sniffed back her tears immediately. Kailangan niyang maging matatag. Dapat ay matuto siya sa nangyari sa kanya at gaya nga ng sabi nito, kailangan niyang gawing lakas ang sakit na nararamdaman niya.
Caren sighed. "Kung 'yan ang gusto mo, huwag kang mag-alala, friend itatago ko kung saan ka tumuloy. Oo nga pala." Dumukot ito sa bulsa. "Nagpakuha ako ng pera kay Mang Johnny kanina bago siya umalis ng bahay. Ito, Lucy idagdag mo sa panggastos mo."
Kaagad siyang umiling. "Huwag na, Caren--"
"Sige na, friend please."
"May pera pa naman ako tsaka pwede kong kunin ang savings kong galing sa napagbentahan ng artworks."
"Eh paano kung i-hold ni President ang accounts mo nang bumalik ka sa kanya? Sayo man nakapangalan pero alam mo naman na makapangyarihang tao iyon kaya sige na kunin mo na muna 'to." Siniksik ni Caren ang pera sa kanyang bulsa. "Tsaka ito, extra phone ko iyan hindi ko na gaanong nagagamit pagtyagaan mo muna nang may communication tayo para alam ko kung ano ang nangyayari sayo. Nandiyan ang numero ko at mamaya pagkauwi ko tatawagan kita kaagad. 'Yong pinsan kong teller sa bangko, doon siya sa kabilang bahay nakatira. Nasabihan ko na rin iyon kanina sa byahe na tignan-tignan ka. Siya na ang bahalang bumili ng mga kailangan mo nang hindi mo na kailangang maglalalabas dito. Dibale at halos kumpleto naman ang gamit dito dahil minsan pinapa-transient ko ito."
"Huwag na, Caren nakakahiya sa pinsan mo."
"Sus, siya mismo ang nag-alok. Walang kapatid na babae 'yong si kuya Nero kaya malapit sa akin 'yon. Sigurado akong ligtas ka naman doon dahil malaki ang pagpapahalaga no'n sa mga babae. Sinabi ko na rin sa kanyang ayusin ang kandado ng pinto sa likod. Naisasara naman ang screen door pero syempre para mas ligtas ka dapat masara rin ang pinakapinto. Pupunta 'yon dito mamaya titignan ang kandado." Piniga nitong muli ang kanyang braso. "Oh, siya magpahinga ka na muna at kanina ka pa umiiyak tignan mo magang-maga na 'yang mga mata mo. Halika ihahatid kita sa kwarto."
Tumango na lamang siya at buhat si Peppa, tinungo nila ni Caren ang pinakamalaking silid ng bahay. May aircon ang silid at kulay pink ang pintura ng pader. May queen size na kamang may kobre-kama na at sabi ni Caren ay noong nasa byahe sila, nag-text ito sa katiwalang tinatawag nito upang linisan ang bahay kapag umaalis ang tenants. Ito na rin ang naglagay ng bagong punda at kumot nang handa na ang silid pagdating nila.
"Thank you, Caren ha? Babawi ako sayo."
Caren waved her hand as if telling her it's nothing. "Ang magkaibigan nagtutulungan kahit walang aasahang kapalit, friend. Mabuti kang tao at ramdam ko 'yon. Huwag mong isiping may utang na loob ka sa akin dahil dama ko na kung nagkapalit tayo ng sitwasyon, hindi ka rin naman magdadalawang isip na tulungan ako. Sige na magpahinga ka na, ha? Huwag mo na munang isipin ang nangyari. Lilipas din 'to Lucy."
She put Peppa down and hugged Caren. Naiyak na naman silang pareho ngunit kaagad ding nagsipunas ng luha bago nagngitian. "Tatawagan kita palagi para hindi ka masyadong malungkot tsaka kapag hindi ako abala sa Cagayan dadalawin kita rito."
"Thank you, Caren. Thank you for being so kind to me and for offering me friendship."
Caren squeezed her hand. "Ikaw rin. Para kitang naging instant BFF kaya ingatan mo ang sarili mo at huwag na huwag kang magpapadaig sa mga problema."
They bid their goodbyes with each other and when Caren finally left, she sat on the edge of the bed and took in a deep breath. Napatingin siya kay Peppa na nakatitig sa pinto, tila may inaabangan pang pumasok. Bigla na naman tuloy kumirot ang kanyang puso dahil mukhang hinihintay nito si Alec.
"P--Peppa?"
Her piggy just took one glance at her before it sat in front of the door, watching it carefully. Tumulo tuloy ang kanyang luha. Tumayo siya at binuhat ito saka siya nahiga sa kama. Hinaplos niya ito sa ulo habang dumadaloy ang kanyang luha pababa ng gilid ng kanyang mukha.
"Hindi na siya darating, Peppa. Hindi na natin siya pwedeng makasama..."
MABILIS na tumayo si Alec nang matanaw ang sasakyang paparating. Kaagad niyang inabangan si Caren, ngunit nang bumaba ito ng kotse ay mabilis na nagmartsa patungo sa bahay upang maiwasan siya.
Hinabol naman kaagad ni Alec ang kaibigan saka ito hinawakan sa braso upang pigilang makapasok ngunit pagalit na inalis ni Caren ang kanyang kamay. Tinitigan siya nito ng matalim saka ito nagsalita. "Wala kang mapapala sa'kkin. Patahimikin mo na si Lucy. Durog na durog 'yong tao dahil sa ginawa ninyo."
"Caren, please I need to talk to her. May importante kaming dapat na mapag-usapan," pakiusap niya rito.
"Ayaw ka na niyang makita o makausap kaya tigilan mo na si Lucy. Hindi pa ba kayo masaya? Babae rin ako, Alec at kahit ganito ako, masasaktan din ako nang husto kung sa akin ginawa ang ginawa ninyo kay Lucy." Tinalikuran siya nito at pumasok sa pinto ngunit humabol siya kaagad at pinigil ito sa pagsara.
"Please, Caren you don't understand."
Tumaas ang kilay nito. "Ano sa ginawa ninyong panloloko at pagtatangkang patayin siya ang hindi ko maintindihan? Magpasalamat pa nga kayo na hindi ako demonyo kung hindi kinumbinsi ko si Lucy na ipakulong kayo dahil sa tangka ninyong panlalason sa kanya. Mga wala kayong puso! Ang gaganda at gwapo ng pamilya ninyo pero napakapangit ng pagkatao ninyo! Kung kaitiman din pala ng budhi ang kapalit ng ganda ay ke sehodang maging pangit!"
His eyes turned soft as he became desperate. "Mahal ko si Lucy, Caren. I can't just lose her this way. Isa pa... I sa pa, I just... I just found out who she really is kaya please kailangan naming makapag-usap."
"Wala akong pake. Friendship over na tayo."
"Caren, siya si Andeng..."
Natigilan ito, halatang nagulat ngunit mayamaya ay tumaas din ang kilay. "Ano na namang pakulo 'yan at pati kapatid mong nawawala idadamay mo?"
"No, I'm telling the truth. Lucy is Andrea that's why I need to talk to her, please--"
Natigil ang kanyang sinasabi nang tumunog ang phone ni Caren. Dinukot nito ang phone at sinagot ang tawag "Hello, Lucy? Oo kakarating ko lang."
His heart suddenly thrummed when he heard her name. Miss na miss niya na ito kaagad at kahit tinig man lang sana nito ay nais niyang madinig.
"Eh nandito iyong magaling nakikiusap na sabihin ko kung nasaan ka at may importante raw kayong pag-uusapan. Hindi, hindi iyong kakupalang ginawa nila. Sabi ni kumag ikaw si Andeng na matagal na niyang hinahanap."
Hindi na nakatiis pa si Alec. Inagaw niya ang cellphone mula kay Caren saka niya inilagay sa tapat ng kanyang tainga. Magsasalita na sana siya upang makiusap dito, ngunit nang maunahan siya ni Lucy ay natigilan siya.
"If he thinks I am Andrea then maybe that's already a sign that we should never be together. No, hindi lang pala sign. Hindi talaga kami para sa isa't isa dahil hindi naman talaga ako mahal ni Alec. He just wanted revenge and he played it well. Ang tanga ko sa bahaging nahulog ako sa kanya at pinapasok ko siya sa puso ko.
Parang nanikip ang dibdib ni Alec. Naisara niya ang kanyang mga mata at napahugot siya ng malalim na hininga dahil hindi niya yat matanggap ang unang mga sinabi ni Lucy. "What I felt and made you feel, Lucy, it's all real. Mahal kita. If only you will give me a chance to explain--"
"Totoo ba? Ako ba si Andrea?" she cut him off, her voice as cold as the night he went to bed without her by his side.
Napalunok siya bigla bago sumagot. "Y--Yes. Ikaw si--"
"Kung gano'n hindi tayo pwede. Be your feelings real or not, we can't be together not just because you're Alec De Vera but because I am someone you shouldn't have f****d in the first place... Kuya."