Kabanata 25

1793 Words
KANINA pa umaalingawngaw ang cellphone ni Alec dahil sa mga tawag at chat ng Unang Ginang. Halos isang linggo na kasi mula nang makabalik ang Presidente sa bansa at hinahanap na raw siya nito, ngunit hindi pa rin siya nagbabalik sa Manila dahil sa nangyari sa kanila ni Lucy. Sigurado rin siyang nais malaman ng Unang Ginang kung naging matagumpay ba ang plano nila. Well it was a success, and he hated the result. Dahil heto siya ngayon, lango na't lahat sa alak ngunit isang tao pa rin ang laman ng puso at isip. Naihilamos ni Alec ang kanyang palad sa kanyang namumula nang mukha saka niya pinatay nang tuluyan ang kanyang phone at initsa sa pader. Mukhang narinig ng mga kasambahay ang pagkabasag nito dahil lumabas si Renny at Marina sa likod ng bahay kung saan siya nag-iinom nang mag-isa upang tignan kung ayos lamang ba siya. "Ser? Gusto niyo ho bang tawagin ko na sina Kiko nang may kasama kayo?" alok ni Renny, halatang nag-aalala sa kanya. "I'm fine, Manang Renny. Thank you but I want to be alone," ani Alec sa mahinang tinig, ang malamlam na mga mata ay nakatitig sa bote ng alak. Hindi na kumibo pa ang dalawa. Pumasok itong muli ng bahay ngunit pagkalipas ng ilang menuto, lumabas naman si Tatang Abner at hinila ang upuang katapat niya. Napaayos tuloy ng upo si Alec saka niya inangat ang bote ng kanyang beer habang sinusuklay ang kanyang mga daliri sa kanina pa magulong buhok. Tumikhim siya. "Anong oras na ho, Tang bakit gising pa kayo?" The old man sighed heavily. Sa mukha nito ay bakas niya ang awa at pag-aalala. "Hindi ako makatulog. Ilang araw nang hindi nawawala sa isip ko ang sinabi mo tungkol kay Lucy at Andeng. Totoo ba talaga iyon, hijo?" "Sana nga nagbibiro lang ang tadhana, Tang. Dahil habang iniisip kong totoo, nadudurog ako lalo hindi dahil baka mas ayawan na ako ni Lucy kun'di dahil hindi ko matanggap na noong mga panahong kailangang-kailangan niya ako, wala ako sa tabi niya." Sumikip ang kanyang dibdib at napatitig siya sa kumuyom niyang kamao saka siya humugot ng malalim na hininga. "Noong... Noong ang sarap-sarap ng tulog ko sa malambot na kama at malamig na silid, takot na takot pala siya. Wala siyang kakampi at pakiramdam niya mag-isa lang niya. Ang sakit-sakit isipin, Tang." "Huwag mo namang isisi sa sarili mo ang lahat, Alec. Ginawa mo naman ang makakaya mo para hanapin siya." Tuluyang uminit ang sulok ng kanyang mga mata. Naisara niya ang mga ito saka niya inipit ang mga sulok gamit ang dulo ng kanyang hinlalaki at hintuturo. He breathed in deeply and swallowed the lump forming in his throat. "Hindi ko siya naprotektahan, Tang. Hindi ko siya nailigtas hindi lang sa baha kun'di pati sa mga bagyong dumaan sa buhay niya habang magkahiwalay kami." His heart couldn't take the immeasurable pain anymore. It was too suffocating that already reached his eyes and became tears. "I wasn't able to save her when she needed a brother, and I wasn't able to protect her heart when she thought she already found a lover. Mahal ko 'yon, Tang. Bilang kapatid noong si Andrea, at bilang babaeng hindi ko kayang mawala sa akin ngayon bilang Lucy..." "Alec, manalig ka sa panginoon. May plano para sa inyo at gaya ng lagi kong sinasabi, lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan. Huwag mo lamang susukuan si Lucy. Pasasaan ba at mahahanap din niya ang kapatawaran sa kanyang puso. Tatagan mo ang loob mo, Alec. Kung pati ikaw ay magpadaraig, paano na siya?" He rubbed his palm on his face and took in a deep breath. "Hinding-hindi ko ho susukuan si Lucy. Gagawin ko lahat mapatawad niya lang ako at tanggapin ulit. I can't... I can't lose her again. Especially not as Lucy this time." NAPAKAMOT na lamang ng ulo si Caren nang marinig na naman niya ang doorbell. Tuwing hating-gabi na lamang at lango na sa alak si Alec, nagtutungo ito sa kanyang bahay para lang magmakaawa na sabihin na niya kung nasaan ba si Lucy. Binuksan niya ang pinto. Humalimuyak kaagad sa kanyang ilong ang amoy ng alak, at nang makita niya ang itsura ni Alec, sumikdo ang puso niya sa awa. Magulo na ang buhok nito na tila kanina pa pinapasadahan ng kamay at sinasabunutan. Ang mga mata ay namumula at puno ng lungkot at pagsusumamo. Ang mga labi ay mariing nakalapat sa isa't-isa. Ni hindi na ito nakapag-ahit at ang balbas at bigote ay tumutubo na. Alec looks like a total mess, but what can she do? Si Lucy na mismo ang nagmakaawang huwag na niyang ipaalam pa kung nasaan ito. Napabuntong hininga tuloy si Caren. "Umuwi ka na, Alec. Gabing-gabi na Diyos mio ka magpatulog ka naman. Sinabi ko na sayo ayaw ka nang makita ni Lucy." Alec breathed in sharply. Gumalaw ang panga nito at ang kung hindi nakasangkal ang mga kamay sa pintuan ay baka nawalan na naman ito ng balanse gaya noong nakaraang gabi. Nang tignan siya ng malungkot nitong mga mata ay muntik nang bumagsak ang pekeng katarayan niyang pilit niyang pinakikita rito alang-alang kay Lucy. "Si..." He cleared his throat. "Si Lucy? Miss... Miss na miss ko na si Lucy..." His voice cracked, his tears formed, and his lips pursed together as if he's about to cry already. Napaiwas ng tingin si Caren dahil sa totoo lang ay masakit din sa kanyang makitang nagkakaganito ang kaibigan. Ramdam naman niyang nagsisisi si Alec kaya lang ay ayaw niya namang pakialamanan ang kagustuhan ni Lucy. "Ayaw na nga, Alec pabayaan--hoy! Tumayo ka nga diyan. Alec! Para kang tanga!" Natataranta niya itong pilit hinahatak patayo nang lumuhod sa kanyang harap ngunit hindi ito nagpatinag. Kahit hirap nang ibalanse ang katawan, pilititong tumingin sa kanya at basag na ngumiti. "Pakisabi... mahal ko siya..." Her eyes turned soft as she breathed out heavily. "Alec naman." "Hindi ko na kaya, Caren..." He banged his chest hard. "Tangina masakit na masakit na..." His eyes twinkled with tears he's trying to keep from falling. "Masakit na masakit na..." Napakamot nang tuluyan ng ulo si Caren. "Diyos ko naman nai-stress ako sa lovelife mo baka lalo akong matakot magkaroon ng lovelife niyan, eh!" She sighed. "Tumayo ka na diyan. Galit ako sayo pero lintik ka umuwi ka na roon." Umiling ito. "I want my Lucy back..." Nabasag ang tinig nito at ang luha ay pumatak. "I want my Peppa and Lucy back..." "Eh ano ngang magagawa natin ayaw na nga? Alangan namang ipilit mo ang sarili mo sa kanya?" namomroblema na niyang ani rito. Alec rubbed his face and stroke his hair towards the back. "I don't care if she wants me or not. I will win her heart Caren. Pangako, hinding-hindi ko na siya sasaktan." He sniffed and lifted his index finger. "Isang pagkakataon lang... Isang pagkakataon lang. That's all I need... Hindi ko na papakawalan si Lucy so please... Kaya kong ibigay sayo ang lupain ko at lahat ng meron ako sabihin mo lang kung nasaan siya kasi tangina... Tangina, Caren mababaliw na ko..." Napapikit nang tuluyan sa kunsumisyon si Caren saka niya nahilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Tumayo ka na diyan bukas tayo mag-usap kapag matino na 'yang utak mo." "Caren, please. I just want my Lucy back..." "Bukas nga tayo mag-usap napakakulit mo talaga kapag nakainom." Tuluyan siyang tumalikod dito at tinungo ang landline para tawagan ang mga tauhan ni Alec sa rancho. Hindi naman nagtagal at dumating na sina Kiko upang piliting maiuwi si Alec. Hirap na hirap sila sa pangungumbinsi ritong umuwi na kaya sinabi na lamang ni Caren na kung uuwi na ito, bukas na bukas ay sasabihin na niya kung nasaan si Lucy. Umaliwalas ang mukha ni Alec. Niyakap siya nito at paulit-ulit na nagpasalamat at sinabing hinding-hindi na nito sasaktan pang muli ang kanyang kaibigan. NAPABUNTONG hininga si Lucy nang marinig ang balita mula kay Caren. Hawak niya ang cellphone sa pagitan ng kanyang balikat at tainga habang nasa mga kamay niya ang palette at paint brush. Nakisuyo siya kay Nero na ibili siya ng art materials sa mall kaya heto siya at ilang araw nang nililibang ang sarili sa pagpinta. "Bumalik na ba diyan?" she asked while stroking the brush on the canvas. "Hindi pa naman, friend baka tulog pa." Caren sighed. "Hindi mo pa ba talaga kayang harapin? Parang masisiraan na ng bait 'yong mokong na 'yon. Alam kong sinabi ko mismong hindi makatarungan ang nangyari, Lucy pero... Tingin ko seryoso si Alec sa mga sina--" "I can't trust him anymore." She cut Caren off before she swallowed the lump forming in her throat. "Tama na 'yong isang beses na naging biktima ako ng panloloko niya. Nakaganti na sila. That was their only purpose." "Pero paano nga kung mahal ka na talaga?" Hindi siya nakakibo, ang kanyang mga mata ay natutok sa piguring kanyang pinipinta. Her eyes suddenly went sad and her chest felt more heavy. Gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang sarili niyang paniwalaan ang mga salitang narinig, kaya lang ay sa tuwing naiisip niyang posibleng kasinungalingan lang talaga pati ang pinaramdam ni Alec, parang gusto niyang manghina. She cannot put her broken heart in another situation where Alec can crush it easily again. Baka sa susunod na masaktan siya dahil kay Alec, hindi na kayanin ng kanyang puso pati na ng kanyang isip. Pinili na lamang niyang ibahin ang usapan. Nang matapos ang tawag, inilagay niya ang phone sa mesa saka niya binuhat si Peppa na nasa kanyang paanan. They looked at her painting but when Lucy realized whose eyes those were, she found herself going on another painful trip down memory lane. She took in enough air then released it heavily. Will I ever get over you... Alec? Napatingin siya sa kanyang phone na biglang tumunog. Nang makita ang pangalan ni Caren, sinagot niya kaagad ang tawag. "Caren, napatawag ka ulit--" "Lucy, I'm being desperate. Parang awa mo na gustong-gusto na kitang makita ulit. Please, umuwi ka na sa'kin. Umuwi na kayo ni Peppa. Sabihin mo na sa'kin kung nasaan kayo para masundo na kita. Your life could be in--" Pinatay niya na kaagad ang tawag at ini-off ang kanyang phone. Nang tignan niya si Peppa, pakiramdam niya ay nagtampo ito sa kanyang ginawa. Napabuntong hininga tuloy siya at naiiling ang ulo. "I'm sorry, Peppa but mommy can raise you on my own." As if the piggy understood what she said, naging maligalig at nagpilit bumaba. Nang mailapag niya sa sahig ay tinignan lang siya ng isang beses saka ito pumasok sa maliit na bahay na binili niya para rito, ang pwet ang nakaharap sa pinakapinto na tila naiinis ito sa kanya. She sighed. "Mana ka talaga minsan sa tatay mong hilaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD