Kabanata 26

1946 Words
NAHILOT ni Alec ang kanyang sintido nang sa wakas ay nasagot na rin ng imbestigador ang kanyang tawag. He's been calling the old man for two weeks but his calls just kept being redirected to the voice mail. Ni hindi rin nito sinagot ang voice messages na ipinadala niya. Karamihan sa mga ito ay ang paghingi niya rito ng tulong upang mahanap si Lucy kaya nang marinig niya sa wakas sa kabilang linya ang tinig ng matandang lalake, si Lucy kaagad ang binanggit nito, tinatanong siya kung hand aba talaga siyang makaharap na ito matapos niyang malaman ang katotohanan tungkol kay Lucy. To be honest, he doesn't give a damn anymore. Mahal niya si Andrea noon bilang kapatid, ngunit iba na ito ngayon. He's in love with Lucy, the woman who drove him crazy and made him beg on his knees. The old man coughed on the other line. His voice is raspy as if he's not feeling well. Napakunot tuloy ng noo si Alec at ang kanyang likod ay tumuwid sa upuan bago niya dinampot ang tasa ng kapeng ihinanda ng katulong. He's having the worst hangover of his life yet he'd rather suffer from it than miss the chance of knowing Lucy's whereabouts. "Mr. De Vera, I'm sorry I wasn't able to be in touch for the last couple weeks but I have some new for you." Napatikhim si Alec. Dumagundong ang kanyang dibdib sa pag-aakalang tungkol na kay Lucy ang balitang dala nito. To be honest, all he cares about right now is finding Lucy before the President does. Nakauwi na ang Presidente mula sa Thailand pero dahil sa mga meeting at biglaang conference sa China, muli itong lumipad palabas ng bansa kasama ang bise-presidente. Alam ni Alec na masamang hilinging magtagal pa ito sa ibang bansa pero iyon ang nais niyang mangyari. He needs more time to find Lucy. Isa pa ay dahil sa pagtanggi niyang umuwi ng Maynila upang puntahan ang Unang Ginang, alam niyang gumagawa na rin ito ng paraan upang mahanap ang dalaga. He can't afford to let Lucy be in danger kaya naman maya't maya rin ang pangungulit niya kay Caren. Hindi talaga nito sinasabi ang lokasyon ng kaibigan ngunit lagi naman nitong sinisigurong maayos ang lagay ni Lucy at Peppa. Peppa... He misses that piggy, too. Baka nga mahalikan niya pa ito oras na makita niya ang dalawa. He never thought he'd develop a fear of separation for a piece of meat. Ni hindi na nga siya makakain ng paborito niyang sinigang dahil makita pa lamang niya ang piraso ng taba na palutang-lutang sa sabaw kasama ang kangkong at sitaw, naiisip na niya si Peppa. Damn, he instantly went vegan for that "fated-to-be-crispy-pata". He sighed. "Sana naman hindi namayat 'yon," he murmured to himself unconsciously. "What did you say, Mr. De Vera?" ani ng imbestigador na nagpabalik sa kanya sa wisyo. "Hmm?" He cleared his throat. "N—Nothing. I said nothing." "Okay. As I was saying, I have some news for you. It's about your mother." Alec shouldn't be disappointed because it's about his mom, but right now, that's all he felt. What's wrong with him? This Lucy syndrome is just getting worse each day that passes by without him seeing her. God, he misses her so much, at oo na pati ang biik na tinuturing ni Lucy na baby nila. "What did you find out about my mom?" Narinig niya ang paghugot nito ng hininga at ang marahas na pagbuga. "Mr. De Vera, nabanggit mo sa akin na ipinagkatiwala ka ng iyong ina na si Loisa Justiniano kay Rodessa at Alfred Saturnino para magtungo ng Japan." "That's right. They said she went to Yokohama to be an entertainer." "Well, she doesn't have any records." "Records na lumipad palabas ng bansa?" kunot ang noong tanong ni Alec. "No. Records na kahit ano. Loisa Justiniano doesn't exist, Alec." Parang tumigil ang mundo ni Alec. Naikurap niya ang kanyang mga mata, at kung hindi pa natapon ang kape sa kanyang hita ay baka hindi pa siya mahihimasmasan. Napamura siya at kaagad na inilagay ang tasa sa mesa bago dinampot ang table napkin upang punasan ang kanyang sarili habang pilit niyang kinakapa ang tamang mga salita upang tumugon. He breathed in deeply and then cleared his throat. "W—What exactly do you mean? She can't possibly be, I mean, hindi pwedeng hindi siya totoo. I've seen her photos when I was young. Pinakita sa akin ni Mama Rodessa." "What does she look like, Alec?" "She looks like me. Pareho kami ng kulay ng mga mata at buhok. She's inches taller than Mama Rodessa, balingkinitan at may kaputian ang kutis. She's very beautiful." "Hmm. Long hair? Looks sophisticated?" He swallowed the lump forming in her throat. "Yes." "Then either that's really your mother and Rodessa Justiniano just lied about her identity or Rodessa just made up everything so you won't have to ask too many question about your real mother." Nalukot nang husto ang kanyang noo. "Sinasabi mo bang sinungaling ang Mama Rodessa ko? Siya ang pinakamabuting taong nakilala ko." "Not entirely, Alec. I'm just considering a lot of possibilities right now because that woman you're referring to was your adoptive father, Alfred's former boss and the very reason why the Saturninos moved to Cagayan from Leyte." "Leyte? What do you mean?" "Alec, hindi tubong Cagayan si Rodessa at Alfred. They just moved there after Alfred got fired from his job as a former personal bodyguard. Reason? For having an affair with his boss." Napahugot ng matalim na hininga si Alec. Parang bigla yatang nanikip ang kanyang dibdib. "A—Are you saying that Lucy and... Lucy and I can be... half siblings?" Ilang sandaling hindi sumagot ang imbestigador, ngunit sapat na iyon para manlumo si Alec. Naipikit niya ang kanyang mga mata at naihilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. No, no, no. This can't be happening. This can't possibly be real. Mahal na mahal ng Papa Alfred niya ang kanyang Mama Rodessa. They'd been together since their high school days. They're literally high school sweethearts. He will never cheat on her Mama, right? Ngunit nang maalala ni Alec ang sinabi ng mga tao noon kung bakit nawala nang parang bula ang Papa Alfred niya, lalo lamang sumikip ang dibdib niya. "H—Hindi. He will never cheat on Mama. I've seen how he cared for her when she almost lost her mind nang mamatay ang kakambal ni Andrea." Hindi na niya sigurado kung para basa imbestigador ang sinabi niya o para na sa kanyang sarili. Napabuga naman ng hangin ang imbestigador saka ito tumikhim. "Hindi pa naman tayo sigurado. Kimukumpirma ko pa ang lahat dahil napakarami pang butas ng imbestigasyon namin. My team doesn't just dig a few inches from the surface. We dig the hole until we find the skeletons. Ngunit kung hindi mo napansin, wala kayong kamag-anak sa Cagayan. Ni isa, wala. Iyong mga nasa Leyte, idine-deny na kamag-anak sila ng mag-asawa. Hindi maganda ang kutob ko sa bagay na iyon. Isa pa, ngayon ko lamang nalaman ang tungkol sa kakambal na sinasabi mo. How did he die?" "Andrea's umbilical cord wrapped around his throat. He's dead when he was born. His name was Andrew." "Hmm, why do I have a feeling that I have to remember this? Anyway, this is a very interesting case and way more risky than expected. I might have to ask for additional payments than what we've talked about." "Walang problema sa bayad. I have to know the truth. The entire thing but please, find Lucy first." "Gagawin ko ang makakaya ko nang mahanap siya kaagad, Alec." "Salamat," he replied in a breathy way before ending the call. Inilapag niya ang kanyang phone sa mesa saka niya hinagod ng kanyang palad ang magulo pa niyang buhok. This is getting complicated. After finding out that Lucy is Andrea, ito naman ngayon. Hindi pa nga niya naaayos ang gusot nila ni Lucy, heto na naman ang panibagong dadagdag sa kanyang iisipin. "This can't possibly be happening..." He blew out and rubbed his chest. "Tangina kung kailangang magmakaawa ako sa lahat ng Santo sa langit huwag lang kitang maging kapatid, Lucy, gagawin ko. I'd rather sign a piggy's birth certificate to be its legal daddy than throw away my chance to be with you." Naiiling niya ang kanyang ulo. "Tangina namang buhay 'to..." NA-S-STRESS na talaga si Lucy dahil hindi pa rin kumakain nang maayos si Peppa. Tumamlay na rin ito nang husto kaya gusto niyang dalhin muli sa veterinarian nang masuring Mabuti, pero nang dalhin kasi ito ni Nero noong isang araw sa clinic, wala namang nakitang problema kay Peppa kaya sabi ni Nero ay baka may hinahanap lamang ito... gaya niya. Animals have feelings, too. They get depressed, too just like humans. She swallowed the lump in her throat and rubbed Peppa's back. Ni ayaw siyang tignan nito at kapag tinatawag niya, susulyap lamang sa kanya bago muling babalik sa paghiga. Napabuga tuloy siya ng hangin. "Alam ko nami-miss mo na siya, Peppa... kasi ako, miss na miss ko na rin siya pero hindi na kasi tayo pwedeng bumalik doon. Hindi na natin siya pwedeng makasama." Pinangako niya sa sarili niyang magmo-move on na siya. Maging si Vince ay pinadalhan na niya ng mensahe, sinasabi ritong tinatapos na niya ang anumang namamagitan sa kanila, at kahit hindi ito pumayag saka nito sinabing pupuntahan siya pagkauwi nito galling ng Tsina, hindi na siya sumagot pa. She immediately disposed the phone she used to contact him and deleted all her social media accounts. Hindi na rin siya basta lumalabas ng bahay dahil nakatanggap na siya ng death threats sa kanyang social media account mula sa unang ginang. Pinadalhan din niya ito ng mensahe bago niya binura ang accounts niya. Humingi siya ng tawad dito at nangakong hindi na muling magpapakita pa kay Vince De Vera. Sana lamang ay maniwala ito dahil iyon naman talaga ang gagawin niya. She's also planning to go abroad. Tinutulungan na siya ni Nero na makapag-apply ng visa kaya iyon na lamang talaga ang hinihintay niya nang makalayo na. She wants a fresh start. Maybe study arts, too. She sighed and decided to just lay next to Peppa, pero ang magaling na biik, lumayo pa talaga sa kanya na tila pinakikita kung gaano kasama ang loob nito sa kanya! Napailing na lamang si Lucy. "You know, you can't be like this forever. If you will die, I'm sure Nero will cook you." Nanatiling nakalayo ang ulo nito sa kanya kaya naihilamos niya ang kanyang mukha sa kanyang palad. Hinayaan na lamang din niya ito. Tumitig na lamang siya sa kisame, at kahit hindi sinasadya, muli niya na naming naisip ang mga bagay na dapat ay tinatanggal na niya sa kanyang memorya. She remembers the woody crisp air that kisses her cheeks, the tall pine trees surrounding the ranch, the horses and the homey vibe of the place, and then her train of thoughts led her to Alec. Handsome and warm. Home. Alec was home. His arms were her shelter. A temporary shelter she would never feel embracing her again. That thought hurt her so much, but she needs the pain as a reminder or else she'll be stupid again and run back into his arms. Tumayo na lamang siya at plano sanang ituloy ang kanyang artwork nang mapatingin siya sa bintana. Nang matanaw niya ang lalakeng nakatayo sa hindi kalayuan, nakatingin sa kanya habang nakapasok ang dalawang palad sa bulsa ng itim na jacket, halos tumalon palabas ng kanyang dibdib ang kanyang puso. Her eyes widened, her lips parted, and horror sketched on her face as she turned pale.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD