NANGINGINIG sa takot si Lucy habang yakap si Peppa. Nasa silid siya ng kanyang kwarto nang makarinig siya ng ilang sunod-sunod na katok mula sa labas ng silid. Napapitlag siya at ang kanyang mga balahibo ay tumindig dala ng takot na ang hayop na si Joel ang nasa labas. Ni hindi niya na nagawa pang i-check kanina kung nai-lock ba niya nang maayos ang mga pinto dahil sa sobrang pagkagimbal na makita ito sa labas ng bahay. Tumakbo siya kaagad upang isara ang kurtina saka niya kinuha si Peppa upang magtago sa banyo.
She was so terrified when she heard another series of knocks. Walang nagsasalita kaya naman lalong rumagasa ang kanyang mga luha. Natutop niya ang kanyang bibig, ang kanyang mga kamay ay nanginginig, lalo nang makarinig siya ng pagkabasag mula sa labas. Naipikit niya ang kanyang mga mata at niyakap pang lalo si Peppa. Ngunit sa pagsara ng kanyang mga talukap, nagbalik sa kanyang alaala ang impyernong buhay na dinanas niya sa kamay ni Joel at ng mag-asawang bumili sa kanya.
She remembered how hard she begged for mercy while Joel was kissing every inch of her. Bumalik sa kanyang isip kung papaano nitong sinampal ang kanyang pisngi nang manlaban siya, at ang suntok na natamo niya nang minsang nagtangka siyang tumakas, pakiramdam niya ay sariwa pa rin niyang nadarama.
Habang nasa loob ng banyo, takot na takot at halos hindi na magawa pang gumalaw, naisip niya ang taong pilit niyang kinalilimutan. She burst into tears even more and prayed that Alec would save her. Paulit-ulit siyang nanalangin sa kanyang isip habang impit na humihikbi, hanggang sa naramdaman niyang may tila pwersahang nagbubukas ng pinto ng silid. Halos pumalahaw siya sa takot ngunit hinigpitan niya ang pagkakatakip sa kanyang bibig. She squeezed her eyes shut and begged heaven for saving, until she heard nothing anymore.
Her phone rang inside her pocket. She immediately pulled it out and answered Caren's call, ngunit nang marinig nito ang kanyang mga hikbi, kaagad na naalarma ang kanyang kaibigan.
"Lucy? Lucy, bakit ka umiiyak? Anong nangyayari?"
Her breathing went sharper, her eyes remained affixed at the door. "Ca—Caren... Nandito... Nandito siya... Pagsasamantalahan niya ako..."
"Ano? Sino?"
Her sobs echoed in the bathroom. "Si kuya... Si kuya Joel... Caren..."
"Diyos ko! Tatawagan ko si kuya Nero magtago ka!"
Tuluyang nabitiwan ni Lucy ang cellphone at muli niyang niyakap si Peppa habang pinakikiramdaman ang paligid. Halos sampung minuto pa siyang nanatili sa banyo kasama si Peppa, nanginginig sa takot at walang patid sa pagluha. When will she ever be brave enough to face that monster? Why can't she be like other girls from the shelter who were able to kill their abuser? Bakit napakahina niya?
Ilang sandali pa ay napasinghap siya nang muling makarinig ng mga katok, ngunit nang marinig niya ang tinig ng nag-aalalang si Nero, kahit papaano ay napawi ang takot niya. Lumabas siya ng banyo kasama si Peppa at pinagbuksan si Nero ng pinto. Nang makita nito ang luhaan niyang mukha, labis na gumuhit ang pangamba sa mga mata nito.
"Anong nangyari, Lucy? Sira na naman iyong kagagawa ko lang na knob sa likod. Sino 'yong nakapasok? Tumawag sa akin si Caren Mabuti na lang nasa jeep na ako at half day ang pasok ko."
Pinunasan niya ang kanyang luha at sa kabila ng pangangatog ng tuhod at panginginig ng tinig, sinabi niya kay Nero ang nangyari. Nagpasya naman itong ipaalam sa barangay ang nangyari nang maiparating sa pulisya, ngunit nang sabihin ang tungkol sa mga pulis, kaagad na umatras si Lucy. She cannot afford to have her name on the police records. Vince is surely looking for her, too, kaya kahit kailangan niya ng proteksyon ng pulisya, pinilit na lamang niya si Nero na umuwi na sila.
Nang marating nila ang bahay, pinakalma muna siya ni Nero saka siya hinayaang ipaliwanag ang nangyayari. Hindi niya inamin ang katotohanan tungkol kay Vince, pero sinabi niya kay Nero na malakas ang kutob niyang babalik pang muli si Joel.
Nagprisinta si Nero na doon na muna manatili. Nagpaalam din ito sa trabaho nang mabantayan siya sa lahat ng oras, ngunit dahil nasa maternity leave ang isang kasamahang teller, hindi pinayagan. Wala rin silang gaanong kalapit na kapitbahay kaya sa huli, wala nang ibang nagawa si Lucy kung hindi pumayag sa suhestiyon ni Caren na hayaan nang malaman ni Alec ang kinaroroonan niya.
That night, Lucy wasn't able to sleep not just because Joel might appear at the end of her bed in the middle of the night, but because she knew Alec will do everything to win her back once he finds out where she's staying.
INAABALA ni Alec ang sarili sa mga kabayong bagong dating na nabili niya mula sa Rancho Ramirez nang matanaw niya ang humahangos na si Caren. Tirik na tirik ang araw ngunit nagtatatakbo ito patungo sa kanyang direksyon, sa pawisang mukha ay malinaw na nakaukit ang matinding takot. Kinutuban kaagad si Alec nang makita pa lang ang ekspresyon ni Caren kaya binitiwan niya kaagad ang hawak na tali at sinalubong ang kaibigan.
"A—Alec."
His inky brows twitched. "Anong nangyayari?"
Kitang-kita niya kung papaano itong lumunok. "Si Lucy... Nasundan daw siya ni Joel."
Halos tumigil ang mundo ni Alec. Nag-alab ang dibdib niya sa sobrang galit para sa lintik na tumarantado kay Lucy at ang isip niya ay nilukob ng labis na pag-aalala para sa dalaga. No, no. Not his Lucy. Magkakamatayan muna sila bago nito muling maidapo ang palad nito sa balat ng babaeng mahal niya!
"Putangina!" Hindi tuloy niya napigilan ang sariling malutong na magmura. Hinawakan niya sa braso si Caren habang madilim ang kanyang ekspresyon at ang kanyang panga ay mahigpit na nakaigting. "This is what I'm talking about, Caren. You should've told me where Lucy is before this happened."
Nag-aalalang lumapit sa kanila si Kokoy nang makita ang pamumutla ni Caren dala ng takot sa nakikitang ekspresyon niya. Inalis nito ang kamay niyang nakahawak kay Caren at tuluyang pumagitna, tila nais protektahan si Caren mula sa kanyang galit. "Ser, hindi naman ho ginusto ni Caren anuman ang nangyayari. Kumalma ka muna, Ser."
"Tangina paano ako kakalma kung baka sa mga oras na 'to hawak na ng putanginang 'yon si Lucy?! Naiintindihan mo ba kung anong sinasabi ko? Puta baka milya-milya ang layo sa akin ni Lucy at hindi ko man lang siya maligtas sa putanginang 'yon!" he growled at Kokoy. Namula nang husto ang kanyang mukha at leeg sa galit, at ang kanyang mga litid ay bumakat na sa kanyang balat dala ng emosyong hindi na niya mapigilan. Baka pati demonyo ay mahiya oras na ipakita niya kay Joel ang galit niya.
Namula ang mga mata ani Caren dala ng takot at pag-aalala. "Hindi naman ito ang gusto kong mangyari. Kung ako lang matagal ko nang sinabi sayo dahil naaawa rin naman ako sayo pero anong gagawin ko? Kailangan kong respetuhin ang desisyon ni Lucy!"
"Pero kahit na! Putangina, Caren kahit na!" He clutched his hair in a frustrated way while he's taking in sharp breaths because God knows his chest is about to explode already. The thoughts of Lucy asking for help made his heart even heavier. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya oras na may masamang mangyari kay Lucy at wala na naman siya sa tabi nito.
Tuluyang naiyak si Caren. "Pasensya na, Alec."
His jaw moved. "Nasaan si Lucy? Kailangan ko siyang mapuntahan sa lalong madaling panahon."
Caren swallowed. Sasagot na sana ito nang umalingawngaw ang phone nito. Napatingin silang pareho sa screen, at nang makita niya ang pangalan ni Lucy, kaagad niyang hinablot ang cellphone. Sa unang pagkakataon, hindi nagprotesta si Caren, tila hinahayaan na siya nitong makausap si Lucy.
He pressed the accept button and didn't wait for her to speak anymore. "Sabihin mo kung nasaan ka bago ko pa baliktarin ang buong Pilipinas kasi malapit ko nang gawin 'yon, Lucy. Tangina, makakapatay ako kapag may nangyaring masama sayo, kaya parang awa mo na, tigilan na natin 'to. Wala akong pakialam kung galit ka pa rin sa akin. Puta, dito ka sa tabi ko magalit. Kahit hindi mo ko kausapin basta nandito ka sa tabi ko. Suntukin at sampalin mo ko kung gusto mo basta dito ka. Tangina kahit itabi mo pa sa akin si Peppa!"
Ilang sandalling naging tahimik ang kabilang linya, hanggang sa marinig niya ang malalim na paghinga ni Lucy. Parang tumindig ang mga balahibo niya sa batok at may kung anong init na humaplos sa kanyang puso nang tawagin nito sa garalgal na tinig ang kanyang pangalan. God, he missed her. He missed her so much that he wished he could pull her out of the phone right now so he can hold her tight and keep her safe.
"A—Alec..."
As if his anger melted the instant she called his name, his eyes shut and a relieved sigh escaped his lips. Nang imulat niyang muli ang kanyang mga mata ay malambot na ang kanyang ekspresyon at ang tanging bagay na nakapinta sa mga ito ay pag-aalala para sa babaeng mahal niya.
"Nasaan ka ba kasi? Lucy, please, sabihin mo na sa akin. I will never forgive myself if something happens to you." Nilunok niya ang namuong bara sa kanyang lalamunan. "I wasn't there to save you when you faced the darkest days of your life. Hindi ko kaya na hanggang ngayon hindi pa rin kita mapoprotektahan kaya nakikiusap ako sayo. Please, baby tell me where you are. Nasaan ba kayo ni Peppa?"
Narinig niya itong humikbi. "N—Nasa... Pampanga..."
Para siyang nabunutan ng tinik. Hinagod niya ang kanyang dibdib at muling humugot ng malalim na hininga dahil sa wakas sinabi na rin nito ang kinaroroonan. "I'll be there in a few hours, I promise. Iuuwi na kita. Hindi kita pipiliting patawarin ako, Lucy. I just wanna make sure you're safe."
"O—Okay."
Tuluyan nitong pinatay ang tawag kaya nang ibalik niya ang phone kay Caren, kinuha niya kaagad dito ang kumpletong address ng kinaroroonan ni Lucy saka siya wala nang patumpik-tumpik pang tinungo ang kanyang sasakyan. Bumarurot ang kotse palabas ng rancho, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa manibela, habang paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang isip ang isang pangako.
"Hangga't buhay ako, walang sinomang demonyo ang pwedeng manakit sayo..."