Kabanata 28

1937 Words
BAKAS ang pangamba sa mukha ni Nero nang sabihin nito kay Lucy na kailangan nitong pumasok sa trabaho. Alam naman ni Lucy na ayaw siyang iwan ng kaibigan dahil sa pag-aalala, ngunit ayaw rin niyang maging sagabal sa trabaho nito. "You don't have to worry about me, Nero. I think I'll be okay until Alec comes. Darating naman siguro siya bago pa sumapit ang gabi," aniya nang makampante ito. Nero sighed. "Sigurado ka?" A simple nod was her only answer, kahit sa totoo lang ay natatakot siya na kahit maaga pa, pwede siyang pasukin ni Joel. That guy is crazy. Walang pinipiling oras para gumawa ng masama, ngunit walang magagawa si Lucy kung kailangan siyang iwang mag-isa ni Nero. "Kung gano'n sige pero i-chi-check kong mabuti ang buong bahay para makasigurong secured. Hangga't maaari huwag kang basta magpapapasok. Tatawag ako bago kumatok para hindi ka basta magbukas ng pinto." She rubbed Peppa's head. "Thank you, Nero. I appreciate your concern." Matipid itong ngumiti sa kanya. "Wala 'yon." Tuluyan itong tumayo at inilagay ang tasa ng ininumang kape sa sink bago ito nagsimulang mag-inspeksyon sa buong bahay. Naiwan naman siya roon kasama si Peppa. Inilapag niya ito sa counter top saka niya binigyan ng bowl ng fresh milk. She pet it and then she sighed. "Magkikita na ulit kayo pero hindi pa ako handa, Peppa. Natatakot ako na... Na baka oras na magkita na kami, bumalik lahat ng sakit." She pursed her lips together and shut her eyes. Iyon ba talagang sakit ang kinakatakot niyang mamayani o ang kasabikan niyang mayakap at mahagkan muli ang binata? There was never a day that she didn't think of him, no matter how hard she tried to stop herself from missing him. Tila sa kabila ng lahat ng sama ng loob ay nananatiling mas matimbang ang pag-ibig na kay Alec lamang niya naramdaman... at alam ni Lucy na mali iyon. Nahilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha saka siya bumuga ng hangin. "I have to prepare my heart, Peppa. Looks like your daddy will never let me move on from him." ILANG minuto matapos makaalis ni Nero pagkakain nila ng tanghalian, nakaramdam ng antok si Lucy dahil sa pampakalmang gamot na ininom. Ayaw niya sanang matulog dala ng takot ngunit kahit anong pigil niya sa kanyang mga talukap mula sa pagsara, sa huli, hinatak pa rin siya ng antok. She fell asleep on the couch while waiting for Caren to call her back, and when she woke up, the sun had already set. Napabalikwas siya bigla ng bangon. Agad niyang kinuha ang kanyang phone at nakitang ilang missed calls na ang natanggap niya mula sa numero ni Caren, dalawa mula kay Nero, at hindi mabilang na tawag at mensahe mula sa hindi nakarehistrong numero. She gulped to ease the dryness in her throat as she opened the messages from the unregistered number. "Baby, answer my call." "Lucy? What's going on? Bakit hindi ka sumasagot?" "Please, you're making me more worried." It was Alec's, at sa mga text pa lamang nito ay halata nang nag-aalala. Ngunit estupida yata nga siyang tunay dahil nagawa pang mabuhay ng mga paru-paro sa kanyang sikmura sa ganoong sitwasyon. She decided to call the number after a few moments of contemplating, but the line was already out of reach. Napabuntong hininga tuloy siya. Mayamaya ay tinignan naman niya ang mensahe ni Nero. Sinabi nitong kailangan itong mag-overtime dahil may nangyari sa bangko. Nagtipa na lamang siya ng reply at kaagad na nagtungo sa mga pinto at bintana upang siguraduhing nakasara ang mga iyon. Napabuga siya ng hangin nang makumpirmang sarado naman mula sa loob ang lahat, ngunit nang akmang pupunta na siya ng silid, napansin niya ang bukas na pinto sa common comfort room. Parang naubusan siya bigla ng dugo sa katawan nang makitang basag ang salaming bintana. Her body shivered in fear as her eyes widened, and when she heard someone tapping something sharp on the kitchen counter, she felt her knees trembled as she looked over her shoulder. Halos mawalan ng lakas si Lucy nang makita ang unti-unting pagguhit ng nakakikilabot na ngisi ni Joel habang tinatapik sa kitchen counter ang hawak na kutsilyo. Kumislap ang mga mata nito, tila naaaliw na makita ang takot at pagkagimbal sa kanyang mukha. Lucy gathered all the courage left in her body and ran as fast as she can towards her room. Ngunit mabilis na humabol si Joel. Naabutan siya nito sa pagsara ng pinto. She pushed it to close but Joel trapped his body between the door and the frame. Kahit nahihirapan, pilit pa ring tinulak ni Lucy ang pinto. She tried to bite his hand. Napasigaw ito sa sakit at nawalan sandali ng lakas para piliting ibukas ang pinto. Mabilis na kinuha ni Lucy ang pagkakataon. Isinara niya ito at ini-lock saka siya umatras palayo. Ni hindi niya na namalayang pumapatak na ang kanyang mga luha dala ng takot. Her hands are shaking out of fear, and as she took her steps backwards, she stumbled on Peppa's bed and fell. Napaupo siya at nangininig na niyakap ang kanyang sarili. Kaagad niyang nilabas mula sa bulsa ng suot na hoodie ang cellphone at tinawagan si Caren ngunit hindi ito sumagot. Busy ang linya habang ang kay Nero naman ay ganoon din. Lalo siyang napahikbi. She dialed Alec's number again while praying for God to save her but his number remained out of reach. Naibaba niya ang phone sa sahig. Nang pagsisipain ni Joel ang pinto, napapalahaw siya saka sumigaw ng tulong, ngunit sa layo ng mga bahay sa isa't isa, imposibleng mayroong makarinig sa kanyang pakiusap. Lucy sobbed. Fear clawed her heart as Joel tried to barge in. Ngunit mayamaya, tumigil ito sa pagpipilit na mabuksan ang pinto. Tumahimik ang labas at narinig niya itong naglakad paalis. She blinked her tears away and sniffed. Tumayo siya, pilit humanap ng maaaring maging sandata kung sakaling makahanap ito ng ibang daan papasok ng silid. Her knees are rubbery but she did her best to walk towards the drawers and took the picture frame. Binasag niya ang salamin saka siya kumuha ng telang maaaring ibalot sa kanyang kamay upang mahawakan ang basag na piraso. Abala siyang humanap pa ng ibang maaaring magamit na panlaban kay Joel nang marinig niya ang iyak ni Peppa. Nanlaki ang kanyang mga mata at gumapang ang kanyang takot. Si Peppa! Naiwan sa sala si Peppa! Nanaig ang pag-aalala ni Lucy para sa alaga kaya kahit takot, bitbit ang vase at ang basag na salamin, binuksan niya ang pinto nang maingat. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa sala kung saan pinagti-tripan ni Joel si Peppa. Inuukitan nito ang balat ng kanyang pinakamamahal na biik. Napuno ng galit ang dibdib ni Lucy. Hinampas niya ang ulo ni Joel ng vase. Nabitiwan nito si Peppa at nakatakbo ang kanyang alaga patungo sa maliit na trap door sa main door. Lucy's eyes widened when Joel stood up. His eyes twinkled with fury, and before she could even make another move, the back of his hand slapped her face. Nawalan siya ng balanse sa lakas ng sampal at agad na nagdugo ang kanyang labi. Her vision went blurry as she laid on her stomach. Nabitiwan niya ang basag na salamin, at bago pa siya makabawi mula sa pagkakasampal nito, nahablot na ni Joel ang kanyang buhok. Lucy groaned when he pulled her up while holding her hair tightly. Pumatak ang kanyang mga luha sa takot, lalo nang ngumisi ito na tila isang demonyo. "Oh, Lucy. You have no idea how much I craved for you." He laughed like the devil himself before he leaned to sniff her neck. Nanginig sa takot si Lucy at ang mga tuhod niya ay nangatog dahil sa matinding takot. She remembered the nights Joel abused her. And now those nightmares are about to happen again if she will not defend herself. Nahagip ng kanyang mga mata ang maliit na figurine na nasa mesang katabi ng mahabang sofa. Dinampot niya iyon at ihinampas sa gilid ng ulo ni Joel. Nagdugo ang noo nito at nabitiwan siya kaya nang makakuha ng pagkakataon, kahit nangininig ang mga tuhod, pilit na tumakbo si Lucy patungo sa main door. But Joel was fast. Nahablot siya kaagad nito sa buhok. Wala itong awang kinaladkad siya habang hawak sa buhok patungo sa kanyang silid, at kahit anong palahaw at panlalaban ni Lucy, wala siyang nagawa. Napakahina pa rin niya. She's still that hopeless girl who never had anyone to save her from the monster who's about to ravage her again. Binato siya nito sa kama. Sinubukan niya itong sipain ngunit sa isang malakas na suntok lamang sa sikmura, halos tumigil ang mundo ni Lucy. Her airways got blocked, her heartbeat slowed down, and her vision went blurry. Hindi pa nakuntento si Joel. Sinuntok siya nitong muli hanggang sa sumuka na siya nang dugo at wala nang lakas pa upang iligtas ang sarili. Humalakhak si Joel habang pilit na gumagapang si Lucy sa kama palayo rito. Her tears made her visions blurry, and the pain from all the punches in her stomach made her limbs weaker. Ni wala na siyang lakas pa upang sumigaw nang hawakan ni Joel ang kanyang paa saka siya marahas na hinatak at kinubabawan. Nanlabo ang kanyang paningin at umikot ang paligid nang muli siyang sampalin ng demonyong si Joel habang malaki ang ngisi nito. Ni hindi na niya magawang igalaw ang kanyang katawan. Namanhid ang bawat himaymay ng kanyang kalamnan, ngunit ang kanyang isip, isang tao lamang ang nagawang alalahanin sa bingit ng kapahamakan. Alec... Her tears trailed down the side of her face when Joel began ripping her clothes off until all that's left was her underwear. She knew this could be her end. Joel will probably finish her after this just like what he told her before. Huling tikim bago siya patayin. Sa mga oras na iyon, naisip niya ang kanyang sariling tumatakbo sa damuhan kasama si Peppa. Alec was there, sitting on their picnic mat, watching her with a sweet smile on his lips. Will she ever see him smile at her again? Will she ever get the chance to feel his warm embrace again? Will she still be able to tell him that she loved him? The thoughts of dying without Alec knowing what she feels scared her even more. Lalong rumagasa ang kanyang mga luha. Naipikit na lamang ni Lucy ang kanyang mga mata dahil wala na rin siyang kakayahang protektahan pa ang kanyang sarili. Her limbs felt numb and she knew she's going to be unconscious any moment now. Nadinig niya ang pagkalag ni Joel sa sinturon nito habang paulit-ulit na sinasabi sa kanya ang mga bagay na gagawin nito sa kanyang katawan. Tumawa pa ito habang hinuhubaran ang sarili, ngunit bago pa man nito makalag ang sinturon, isang malakas na mura na ang umalingawngaw sa silid mula sa pamilyar na lalake. Lucy tried to open her eyes when she heard the commotion. Naghabulan ang mga ito palabas ng silid at muling nakarinig si Lucy ng malulutong na mura kasunod ay ilang pagkabasag. Mayamaya ay tumahimik ang lugar. Lucy was already struggling to breathe. Mawawalan na siya ng malay-tao nang maramdaman niya ang isang presensyang palapit sa kanya. Humihingal ito, at nang iangat siya upang ikulong sa mga bisig, pilit na minulat ni Lucy ang kanyang mga mata. Before she finally lost her consciousness, she saw fury and fear glittered in the man's olive eyes while telling her, "I'm sorry. I'm sorry I didn't make it on time..." Her bleeding lips curved for a tired smile as she shut her eyes. Alec..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD