NAPATAYO si Alec kahit masakit pa ang kanyang tahi nang marinig niya ang tinig ni Caren. Nagtatatalak ito papasok ng presinto habang panay ang hampas ng mumurahing bag nito sa braso ng pinsang si Nero.
"Ang tanga! Ang tanga-tanga!" nanggagalaiting ani ni Caren sa pinsan na namumula na sa hiya rito.
Napakamot ng batok si Nero. "Bunso, pasensya na eh kahit naman siguro ikaw ang makakita ng itsura nilang dalawa talagang iisipin mong siya ang gumawa no'n kay Lucy. Napangunahan lang ako ng pag-aalala, bunso."
Naningkit nang husto ang mga ngipin ni Caren habang nagngingitngit ang mga ngipin. "Sa itsurang iyon ni Alec tingin mo magagawa pa niyang manggahasa?! Eh halos maghubad ang mga babae sa Cagayan para lang mapansin niya!"
"Hoy, bunso may mga gwapo rin namang gumagawaa ng karumal-dumal."
"Pero hindi si Alec! Diyos Mio patawarin ako ni lolo at ng lahat ng kamag-anak na nakikipag-chismisan na kay San Pedro, kuya Nero pero napakatanga talaga!" Nag-sign of the cross ito saka muling hinampas ng bag mula Divisoria si Nero.
"Aray, bunso tama na!"
Tuluyang gumitna ang isa sa mga pulis na naroroon bago pa mabugbog ni Caren ang pinsan nito. "Ma'am, tama na ho iyan nasa presinto kayo."
Caren sighed, and when she saw the handsome man in uniform, it was as if her anger suddenly subsided. Tumikhim ito at inipit ang kulot na buhok sa likod ng tainga. "Shery ne. Teng pinsen ke keshe tenge eh."
Napakunot ang noo ni SPO2 Mana. "Ho?"
Caren giggled as she looked at the police officer's name on his uniform. "Mana? Buhay pa ba ang parents mo? Baka pwede ka na nilang ipamana."
Tumikhim ang bagong pasok na si Kiko. Tumiklop ang mga braso nito sa tapat ng dibdib habang naniningkit ang mga mata kay Caren. Inirapan naman ito ni Caren saka ito bumaling muli sa pulis.
Napakamot na lamang ng batok si Nero habang nahihiyang tumingin kay SPO2 Mana. "Sir, nagkamali ho tayo ng nadampot. Si Alec De Vera ho talaga iyan."
"I told you to search the house. I probably dropped my wallet inside. Nandoon ang license ko," ani Alec dahilan upang mabaling sa kanyang direksyon ang tingin ng lahat.
Sa totoo lang ay malakas ang kutob niyang alam na ng mga ito kung sino siya. They received a call earlier and if he's going to listen to his gut feeling, sigurado siyang ang presidente iyon. Kung tama man ang kutob niya, sigurado siyang alam na rin nito ang nangyari kay Lucy.
Humigpit ang hawak niya sa rehas. He needs to get out of there and see Lucy before the president does...
Lumapit si Kiko at Caren sa kanya. "Ser, ayos lag ho ba kayo? Nasabi ni Nero na may tama kayo."
He sighed. "I'm fine. They rushed me to the hospital before they brought me here. I refused to be admitted because they brought Lucy to a different hospital. Hindi ko alam kung bakit." His jaw moved. "Get me out of here, please. I need to see Lucy."
Tumango si Caren saka nito nilusot ang kamay sa rehas upang pigain ang kanyang braso. "Oo ako na ang bahala. Nagdala ako ng pera, Alec."
"Thank you, Caren."
Hindi na ito kumibo pa. Umalis ito sa kanyang harap at muling bumalik sa pinsan at sa poging pulis ngunit binuntutan kaagad ni Kiko, tila sinisigurong hindi nito uunahin ang pagpapapansin sa alagad ng batas.
Officer Mana made a few calls, and after thirty minutes of signing papers and discussing something with Caren and Nero, they finally released him. Para siyang baboy na pinakawalan sa koral. Pagkatapos niyang pirmahan lahat ng kailangang pirmahan, kahit iniinda niya ang sakit ng kanyang sugat, hindi na siya nag-atubili pang manguna palabas ng presinto.
He made a few calls after he charged his phone while on their way. Nakausap niya ang kaibigang si Saharah upang kumpirmahin kung nasaang ospital si Lucy Sta. Maria. Good thing Saharah knows someone who has access to different hospital records in Pampanga. Nang sabihin nito kung nasaan si Lucy, sinabihan kaagad niya si Kiko na idala siya sa nasabing ospital.
"I'll tell Ninong to send someone na sasalubong sa inyo. Mahigpit sa ospital na iyon, Alec."
"Thank you, Saharah. Appreciate it."
"No biggie. Don't forget my auction."
"I won't." He swallowed hard. Bumubuka ang sugat niya ngunit wala siyang pakialam sa sarili ngayon. "Once this is over, I'll introduce you to my girlfriend. I know you two will get along. She's an artist, too."
"Girlfriend?" Saharah laughed. "Did I hear Alec Thane De Vera right? Are you finally taking someone seriously?"
Umismid siya. "This will be sealed with a kiss in the shores of Albay soon."
Muling tumawa si Saharah, halatang hindi naniniwalang sa wakas ay mayroon na rin siyang tinawag na "girlfriend".
"Alrigt, I'm hunging up now. Gotta call Ninong."
"Thank you, Sa-Sa."
Binaba nang tuluyan ni Alec ang phone saka niya isinandal nang maayos ang kanyang ulo sa upuan. Nasa shotgun seat siya habang si Kiko ang nagmamaneho ng kotse. Nang mapansin nitong sinara niya ang kanyang mga mata habang nakalapat sa kanyang tagiliran ang kanyang kamay, hindi nito napigilang magsalita.
"Ser, mukhang hindi inayos ang pagtahi ng sugat mo. Dapat siguro patignan na muna natin 'yan. Namumutla ka, Ser."
He cleared his throat and opened his eyes even when he's dizzy. "I'm fine. I gotta make sure Lucy is okay before anything else." Pinatunog niya ang kanyang mga daliri kasabay ng pagdilim ng kanyang ekspresyon. "Ipahanap mo sa kaibigan mo 'yong putanginang Joel na 'yon. Hindi ako makakapayag na hindi niya mapagbayaran lahat ng kahayupang ginawa niya kay Lucy."
Tumango na lamang si Kiko bago nito mas binilisan ang takbo ng sasakyan. Hindi na rin naman kumibo si Alec. Tiniis niya ang sakit na nagmumula sa kanyang sugat hanggang sa marating nila ang ospital na sinasabi ni Saharah. Nakaabang na roon ang staff na pinadala ng Ninong nito. The staff led them to one of the private rooms, but when he walked inside, he froze on his spot the moment he saw the man sitting on Lucy's side.
NAGISING si Lucy sa ilang tinig. Tila nagtatalo ang mga ito sa mahinang boses, at kahit nakasara ang kanyang mga mata, alam niya sa kanyang sarili kung sino ang may-ari ng dalawang tinig.
Kay Alec at Vince De Vera...
"Leave her alone. She has nothing to do with you anymore. You just poisoned her mind," ani Alec, halatang galit base sa diin ng pagsambit nito ng mga salita.
"Poisoned her mind? Naririnig mo ba ang sarili mo? Ganyan ba kasamaang tingin mo sa akin, Alec?"
Alec cursed. "Bakit, Sir? Kung matino kang tao, paano mo nagawang lokohin si Ma'am Hailey?"
Lucy opened her eyes and saw how Vince's face turned red with anger. Nakaigting ang panga nito habang matalim ang tingin kay Alec. "Wala kang alam, Alec."
Inis na umismid si Alec. "Ano pa bang hindi ko alam? You're cheating with your wife who's always been faithful to you, you used Lucy's traumas to trap her in a forbidden relationship with a married man. Tell me, Mr. President. Ano ang hindi ko pa alam?"
Halos manlamig si Lucy nang makita kung gaano kadilim ang ekspresyong nakapinta sa mukha ni Alec. Kulang na lang ay mag-amok na ito nang tuluyan, ngunit nang dumapo sa kanyang direksyon ang galit nitong mga mata, tila napawi ang dilim ng ekspresyon nito at napalitan ng pag-aalala.
He immediately walked towards her side and held her hand in a gentle way, his eyes twinkled with regret and pain. "Lucy..."
Lumunok siya upang pawiin ang panunuyo ng kanyang lalamunan saka siya pagod na ngumiti kay Alec. She didn't care anymore if Vince was there in the room with them. Inangat niya ang kanyang palad at inilapat sa pisngi ni Alec saka niya hinaplos ang balat nito gamit ang kanyang hinlalaki.
Pumungay ang mga mata ni Alec. Hinawakan nito ang kanyang palad na nakalapat sa pisngi nito saka siya hinalikan sa noo. "I was so worried. I'm sorry, hindi kita naprotektahan."
Humugot siya ng malalim na hininga at akmang sasagot na nang magsalita si Vince. "Alec, can you give us a minute?"
Alec's expression shifted back to furious. Galit at matalim ang mga mata nitong nilingon ang ama-amahan saka nito inigting ang panga. "No."
Napabuntong hininga si Lucy lalo nang magtama ang tingin nila ni Vince at nakita niya sa mga mata nito ang pagsusumamo. She realized it's the right time to talk to Vince so she can officially end whatever was going on between them. Mabuti na ring personal niyang matapos ang lahat bago pa ang sa kanila ni Alec ang mapag-usapan nila.
"Alec?" she called.
Tumingin ito sa kanya, suot pa rin sa mukha ang ekspresyong para kay Vince. She gave him a reassuring smile before she held his hand and gave it a little squeeze while their eyes are staring into each other. "It's okay. We need to have this talk."
Gumuhit ang pangamba sa mukha ni Alec. Tila ayaw nitong pumayag sa pag-aakalang oras na makausap na niya si Vince, mapagtanto niya kung sino talaga ang gusto niya sa dalawa. She can't believe she's seeing this kind of insecurity in Alec's eyes. Nasasaktan siyang parang wala itong tiwala sa sarili, ngunit alam naman niyang pinakamalaking dahilan ng takot na nadarama nito ay ang naging pagtatago nito sa kanya ng totoo noon. They still need to talk about lots of things but for now, she needs to settle everything with Vince.
Humugot siya ng malalim na hininga. "Iwan mo muna kami, Alec. Kailangan naming mag-usap."
Kumislap ng pangamba ang mga mata nito. "But--"
"You heard her, Alec," putol ni Vince.
Alec's jaw clenched as he shut his eyes for a moment. Muling piniga ni Lucy ang kamay nito upang pakalmahin dahil nararamdaman na niyang malapit na itong sumabog. Nang imulat ni Alec ang mga mata, ngumisi ito at walang anu-anong hinalikan ang kanyang mga labi, sinisigurong nakikita ni Vince ang lahat.
For a moment, she almost forgot that it's not just the two of them inside the room. Kung hindi pa sumakit ang sugat niya sa labi ay hindi mapuputol ang halik na kanilang pinagsaluhan. Alec smirked and straightened his back. "I'll just be right outside, baby."
He faced Vince and gave him a cold, warning gaze before storming out. Nang sumara ang pinto, nabaling sa kanya ang madilim na mga mata ni Vince. He rubbed his palm on his face and clenched his jaw before he narrowed his eyes.
Napalunok si Lucy. She knew this is going to be one heated argument with the President of the Republic.