Kabanata 31

1840 Words
ALEC can't help but stroke his hair with his fingertips the moment he stepped outside the room. Tila may kung anong nakabara sa kanyang dibdib, pinipiga ang kanyang puso at nagdadala ng kakaibang pangamba sa kanyang sistema. He acted so confident in front of his adoptvie dad but the truth is, he's scared that Lucy was just blinded by the temporary moments they shared. Paano kung ang makita lamang si Vince De Vera ang hinihintay ng puso nito upang magising? Will he be able to take losing Lucy for good? Napabuga siya ng hangin kasabay ng pag-upo niya sa visitor's chair. Sumandal ang kanyang ulo sa malamig na pader at ang kanyang mga mata ay unti-unting sumara habang nilulunok niya ang namuong bara sa kanyang lalamunan. Hindi niya na kailangan pang magsinungaling sa kanyang sarili. Alam niyang hindi niya kakayanin oras na mapagtanto ni Lucy na hindi talaga siya ang gusto nito. Naramdaman niya ang paglapit ni Caren sa kanyang tabi. Naimulat niya ang kanyang mga mata, at nang makita ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan, basag siyang napangiti. Caren took in some air before handing him a canned coffee. "May binalikan lang si Kiko sa sasakyan. Ayos ka lang ba? Bakit ka lumabas?" He didn't want to. f**k, he didn't want to give President Vince a chance to take Lucy back, ngunit kailangan niyang irespeto ang hiling ni Lucy. They had to talk in private, pero kung siya ang tatanungin, mas nanaisin niyang marinig ang usapan ng dalawa kahit na masaktan pa siya. Tumikhim siya at ibinaling ang kanyang mga mata sa hawak na inumin. Hindi rin naman niya balak inumin iyon dahil ngayon pa nga lang na walang kape sa kanyang sistema ay iba na ang kabog ng dibdib niya. Baka lalo lamang siyang nerbyosin oras na laklakin niya ito. "Mag-uusap daw sila," tugon ni Alec sa halos pabulong na tinig. Gusto tuloy niyang matawa. Hindi siya natakot nang masaksak siya ni Joel. Ni hindi rin siya natakot na magpalakad-lakad kahit alam niyang anumang oras ay maaaring bumuka ang sugat niya. Pero ang maisip na nasa loob ngayon ng silid si Lucy at Vincent, ang maging maganda ang usapan ng dalawa ang nagdadala ng takot sa kanyang dibdib. Napakamot ng patilya si Caren. "Bakit mo hinayaan? Baka mamaya kung anong sabihin ni Presidente Vince. Hindi pa nga kayo nagkakaayos ni Lucy, eh." May punto si Caren, ngunit iyong pinakita sa kanya kanina ni Lucy, ang pagganti nito ng halik at payak na pagngiti, iyon na lamang ang pinanghahawakan niya kahit labis na ang takot na gumagapang sa kanyang buong sistema. Maybe because he knew to himself that whatever is going to happen with Lucy and President's conversation, he will still do everything to win Lucy's heart and forgiveness. Mawala na talaga lahat huwag lamang si Lucy... Hindi siya nakakibo sa lalim ng tumakbo sa kanyang isip kaya pinili na lamang din ni Caren na manahimik. Nang mahirapan itong magbukas ng sariling canned coffee, bumuntong hininga siya at kinuha ito sa kaibigan saka siya pekeng ngumisi habang binubuksan ito nang walang kahirap-hirap. "What would you do without me?" he teased. Inirapan siya kunwari ni Caren. "Excuse me, naka-move on na ako sayo, Alec." She flipped her hair and c****d a brow. "Hindi ako kumakabit sa jowabels ng frenny ko." Alam naman ni Alec na gusto lamang siyang patawanin ni Caren nang gumaan ang kanyang pakiramdam at nang mawala sandali sa kanyang isip na magkausap ngayon si Presidente Vince at Lucy kaya malaki rin ang pasalamat niya sa kaibigan. When he spotted Kiko approaching, he immediately cleared his throat, signalling Kiko to take his steps slowly as he shot Caren with questions. "So, si Leigh. Are you dating?" Caren sighed and then pouted her lips while staring at the white wall in front of them. "Sinubukan ko kaso... Wala eh. Friendship goals tayo. Pareho tayong shunga at hindi basta nakakalimot." "Limot? Sino bang dapat mong kalimutan?" Lumamlam ang mga mata nito saka siya binalingan. "Iyang alaga mong si Kiko, alam ko namang kaya niyan gustong mag-Korea dahil sa ex-girlfriend niya. Hindi ako nakatapos ng pag-aaral, Alec pero hindi ibig sabihin no'n eh ganoon na kahina ang processor ng utak ko." Basag itong ngumiti. "Hindi ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa hangga't humihinga si Lucy, pero hindi ibig sabihin no'n ay magtyatyaga na lang ako sa tira-tira, sa hindi kailanman magiging sapat." Napansin ni Alec sa sulok ng kanyang mga mata ang paglungkot ng mukha ni Kiko, kaya nang bumukas ang pinto ng silid ni Lucy saka tila galit na naglakad nang mabilis ang Presidente, bumuntong hininga siya saka niya piniga ang balikat ni Caren sa kontroladong paraan. "You're right. Never settle with someone who isn't sure about you, Caren. True love seems rare but it doesn't mean it isn't real anymore. Papasok na ako." She pointed at Kiko. "Mag-usap kayo." Hindi niya na hinintay pa ang sasabihin ni Caren. Halatang nagulat din ito na naroroon sa dulo ng pasilyo si Kiko at nakatingin sa kanya habang punong-puno ng lungkot ang mga mata. He knew the two has a lot to talk about so he excused himself and went inside Lucy's room. Pagpasok niya ay ang namumulang mga mata kaagad ni Lucy ang napansin niya. His instincts kicked in and the next thing he knew, he's already sitting on her side, wiping her wet cheeks with his thumb. "What happened, Lucy?" Suminghot ito at naluluha na naman nang tignan siya. "A--Ayaw niyang pumayag. Sabi niya ay ginagamit ka lang ni Hailey para sirain kaming dalawa, Alec... Dahil plano na talaga niyang hiwalayan ang asawa niya pero ayaw ni Hailey. And if I'll take your bait, you'll ruin me in the end." He sighed, his eyes twinkled with the same pain that's glittering in her pools. "Lucy..." He swallowed his pride as a man and showed her how scared he is right now. "Do you... Still want to be with him?" Lucy sobbed. She pursed her lips for a moment as she stared at him. "I want to hear your side of the story. That's what I want..." Her lower lip quivered as if she's so scared to see the naked truth written on his face. Sandali siyang pumikit at hinuli ang mga kamay nito saka siya yumuko upang halikan ang likod ng mga palad ni Lucy. He needs to tell her everything or she will just hate him even more. Baka isang takbo na lamang nito palayo, hindi na siya makabangon. So he's going to keep her by confessing everything. "I'm going to tell you everything, Lucy. The whole truth. But please, makinig ka muna sa akin bago ka mag-desisyon." Mahina lamang itong tumango, hinihintay siyang magsalita upang aminin ang buong katotohanan kaya inipon ni Alec lahat ng natitirang lakas sa kanyang sistema. "Gaya ng sinabi ko noong umalis ka ng Cagayan, pinakiusapan ako ni Mama na gawaan ng paraan ang relasyon ninyo ni President Vince. I swear, Lucy. The moment I laid eyes on you, I already had a feeling that I'm going to fail the First Lady. Hindi ako nagkamali. Lucy, everything we shared while we're in Cagayan, totoo lahat ng 'yon. I planned to seduce you but I ended up falling hardly in love with you. At wala akong balak isalba ang sarili ko. I'd rather drown in my feelings for you than let you go." He breathed in deeply. "It was as if the moment you left my side, I never had mornings anymore. Ang dilim ng mundo ko. That's when I realize that... I could never move on. Wala na akong pakialam kung mismong Presidente o ang babaeng kumupkop sa akin ang makalaban ko." Her tears trailed down her cheeks. "Alec..." "I'll face their wrath. I'll give up everything. I'll work hard just to keep you with me." He cupped her face and flashed a broken smile. "Babawi ako, Lucy. I'm going to protect you from everything and everyone that would ever try to harm you. I'm sorry but I love you with all honesty. This is the naked truth, baby. I am madly in love with you..." Humikbi ito at iniwas ang tingin. "Pero hindi niya tayo hahayaang magkasama. He said he will do everything to keep our relationship. He's going to leave Hailey, Alec. Hindi iyon ang gusto ko. I was stupid to think I was in love with him. I ignored the red flags, at natatakot ako ngayon sa gagawin ni Vince kung hindi ko susundin ang gusto niya na bumalik ako sa kanya at iwanan kita." Lumamlam ang mga mata ni Alec. "Do you want to stay with me, Lucy? Kaya mo ba akong patawarin at pagkatiwalaan ulit?" Gumuhit ang takot sa mga mata nito. "Alec, I... I don't know. Ayaw kong mapahamak ka dahil--" "Do you love me?" he cut her off, his heart banged wildly inside his chest as if he's scared that she'll say no. Hindi ito kumibo kaagad kaya dumoble ang kabog ng kanyang dibdib niya, ngunit mayamaya ay basag itong ngumiti saka nito inangat ang kamay upang ilapat ang palad sa kanyang pisngi. "I never knew what love really is until... Until you made me feel it..." Daig pa yata ni Alec ang nanalo sa lotto. Nahapit niya ito at nalimutan niya ang kanyang sugat kaya nang tamaan ng tuhod ni Lucy ang tahi niya, napadaing siya at naisara niya ang kanyang mga mata. Nataranta tuloy ito at napalayo sa kanya, nanlalaki ang mga mata. "W--What's wrong?" He shook his head. "I'm fine, baby." But Lucy didn't buy it. Hinawakan nito ang laylayan ng kanyang damit upang iangat. Nang makita nito ang kanyang sugat ay nanlaki ang mga mata nito at natutop ang bibig. "Alec, you're bleeding!" "I'll be okay." "No, you have to--" Hindi niya na pinatapos ang sinasabi nito. Kinulong niya ang magkabilang pisngi ni Lucy sa pagitan ng kanyang mga palad at sinakop ang malambot nitong mga labi. His eyes shut as he felt all the sensations only Lucy can make him feel, and when their lips separated, he flashed a genuine smile at her. "I'll do everything to keep us together, Lucy. If we have to leave the country then we'll do that." "Alec..." Her eyes became gloomy. "You can't lose everything because of me. He made himself clear. He's going to take everything away from you if you won't let me go." He breathed in deeply and pulled her close for a hug. "Kung kailangang iyon ang mangyari then I'll give it all up in a heartbeat. Just stay with me, Lucy. Promise me you'll stay with me." He pecked a gentle kiss on her shoulder as he shut his eyes. "Ikaw ang kailangan ko, Lucy. Not the De Vera surname, nor the luxurious life they can offer so f**k him for threatening you." He breathed in her sweet scent as his eyes narrowed. "There's nothing they can use for me to give up on us, so watch me. I'd go against a whole republic for you. That's a promise..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD